Second Time

228 5 0
                                    

"Bakit gano'n?" Tanong ni Rea sa sarili na sinundan pa nito ng paghinga ng malalim habang nakatihaya at nakatitig sa kisame ng kwarto niya. "Lahat sila may kanya-kanya ng forever habang ako? Hindi ko parin mahanap-hanap, ang unfair naman noon." Sinundan pa ng tili niya ng dahil sa inis.

Isang emosyon ang bumabalot sa kanya ngayon at iyon ay ang inggit. Tulad nga ng sinabi niya, lahat ng kaibigan niya ay mayrong masayang buhay pag-ibig at siya na nga lang ang napag-iwanan.

"Paano ka naman magkakaroon ng kasintahan anak kung buong araw ang inatupag mo ay ang magkukulong sa kwarto?" Napabalikwas ng bangon si Rea ng marinig ang boses ng ina na nakatayo sa nakabukas na pintuan ng kwarto.

Busy pa ito sa paglagay ng hikaw sa kaliwang tenga gamit ang isang kamay habang ang isa ay inaayos ang pagkakasuot ng de-takong na sandalyas.

"Ma naman." Nagdabog pa ito na parang bata pero nakatitig parin sa ina. "Bakit po ba kayo nanggugulat, at bakit na naman po kayo nakaayos kayo ng ganyan?" Nakapasid niyang tanong sa ina na siya ding nagpasama na nga ng tuluyan ng kanyang timpla, bumusungot ito na parang isang bata. "May date na naman po kayo? Sino na naman po yan?"

"Anak, hayaan mo na si Mama. Ka-officemate ko lang siya h'wag ka mag-alala. Babye na." Paalam nito na akala no isang bagets bago nagmamadaling umalis pagkatapos halikan sa pisngi ang anak. Mas lalo namang bumusangot si Rea dahil buti pa ang ina ay may date. Napabuntong-hininga na lang si Rea bago nahiga ulit sa kama para mag-isip-isip.

Isang dalagang ina ang mama niya. Nabuntis ito dati ng isang foreigner na militar na nakadistino sa lugar nila. Bata pa ito noon kaya ang bilis nadala sa matatamis na salita ng banyaga, pero sa huli ay iniwan din siya at hindi na nagparamdam ng napunta na sa ibang bansa.

Isang adik sa laro at social media si Rea kaya mas pinipili niya ang magkulong sa kwarto kaysa lumabas at maglakwatsa. Nitong ngang nakaraang taon lang, nahanap ni Rea ang ama dahil doon. Nahirapan pa siyang kumbinsihin ito ng una pero nang makita nito ang litrato ng ina, mabilis siyang tinanggap nito at ng legal nitong pamilya. Dahil din doon ay nakapunta siya ng London kung saan na ito nakatira ngayon. Ilang buwan din ang nilagi niya doon tapos sumasama din siya sa mga tour ng kapatid niya kaya maging magkalapit silang magkakapatid. Ang pamilyang Smith.

Namasyal na din siya sa mga kaibigan niyang sila Chloe at Angel. Na ngayon ay may kanya-kanya na ngang pamilya. Masaya siya sa mga ito, pero may lungkot parin sa puso niya dahil di parin siya kompleto.

"Bakit hindi ko kaya subukang lumabas?" Nagsalita ulit si Rea na parang baliw na kinakausap ang sarili. "Tama!" Napabalikwas ulit siya ng tayo pero biglang nanlumo ng maalala ang malaking niyang problema. "Paano naman ako mamamasyal kung hindi ko naman alam ang lugar na pupuntahan ko?" Nakabusangot na naman siyang naupo ulit sa kama. Laglag ang balikat niya habang nakatingin sa nakasarang laptop. Nang bigla na naman siyang may naisip.

Nagkukumahog siyang lumapit sa laptop niya at binuksan ito. Nang maayos na ay tumungo agad siya sa pakay na website kung saan siya makakakita ng mapa. Sa kunting galaw lang ng cursor ay nahanap niya na din ang pakay niya.

"May malapit palang mall at mayron ding park dito, tamang-tama. Saan kaya magandang maglibot ngayon?" Napatingin siya sa orasan at nakitang alas kwatro na ng hapon. "Park na lang siguro kasi mas malapit at hindi ako maliligaw. Gusto ko ulit matikman ang mga streetfoods." Usal niya na may ngiti sa labi.

Nagmamadali agad siyang nag-ayos ng makapagpasya at masaulado ang lugar na pupuntahan. Nagdala na rin siya ng kunting pera na mayroon siya at celpon baka sakaling tawagan siya ng ina. Nakasuot lang siya ng maong na short na hanggang tuhod at kulay itim na t-shirt na nakasanayan niya ng suotin.

Sinigurado niyang sirado ang lahat ng bintana at pintuan mula sa loob bago sinirado ang main door nila sa harap. Nilock niya lahat bago siya nag-umpisang maglakad papunta sa lugar na pakay.

ChancesWhere stories live. Discover now