Another Love

306 5 0
                                    

"Alam niyo Mama, pag ako yumaman, itong bahay agad natin ang ipaaayos ko. Tapos, bibili ako ng hightech na mga gamit para hindi na kayo mahirapan ma. Tapos, magkakaroon na rin ng katulong para hindi ka na rin mapagod pa, kayo ni Papa."

"Paano mo naman magagawa 'yon Kuya? Eh ang lamya-lamya mo kayang gumalaw. Ilang hakbang pa lang ay tumba ka na, paano ka magtatrabaho niyan?" Pang-aasar ni Justine sa Kuyang nagsasalita kanina na pumipilantik pa ang nga daliri.

"Ah, gano:n?" Inis-inisan ni Dexter sa kapatid bago sila naghabulan sa loob ng maliit nilang bahay na gawa sa kahoy at pawid habang ang mga magulang ay tawa ng tawa sa kalokohan ng mga anak.

Isang pangyayari ang naglaro sa kanyang balintataw habang nakatingin sa bahay na pinaghirapan niyang ipundar. Nangamuhan siya sa mga banyaga para lang mabigay ang pinapangarap niyang buhay para sa mga magulang.

Napangiti siya ng makita ang unti-unting pagbukas ng roll-up na siyang pintuan ng shop na pinatayo ng mga magulang. Isa ding negosyong pinundar ng mga magulang mula sa kita niya abroad. Lahat ng 'yon ay naibigay niya sa magulang at ni katiting na pagsisisi ay hindi niya nararamdaman.

Sa pag-angat ng roll-up, isang nakangiting binata ang bumungad sa kanya. Pero ang ngiti nito ay napalitan ng magkabigla bago bumalik muli sa pagkakangiti at sumigaw pa ito sa sobrang galak.

"Ma, Pa, si kuya." Sigaw nito habang hindi inaalis ang mata sa kapatid na nakatayo sa harapan niya. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa kapatid na sobrang miss niya dahil hindi nakita ng limang taon.

Pagkarinig ng sigaw ng matatanda sa loob ng bahay, nagkatinginan sila at binalot ng kaba ang kanilang puso. Ilang araw ng hindi tumatawag ang anak kaya mas grumabe ang kaba nila.

Nagkukumahog na tumakbo palabas ang mag-asawang abala sa paghanda ng pagkain sa hapagkainan. Habol pa ng dalawang matanda ang paghinga ng makarating kung nasaan ang bunsong anak.

Nag-alala sila dahil baka ano ang nangyari sa panganay na anak. Nasa ibang bansa ito at malayo sa kanila kaya sobra ang pag-aalala nila para dito.

"Anak, ano ang nangyari sa kuya mo?" Bakas ang pag-aalala sa boses at mukha ng matandang babae habang nakaharap sa bunsong anak.

Hindi sumagot ang anak kundi nakatingin lang ito sa harap kaya napadako din doon ang paningin niya. Hindi siya makapaniwala sa nakita, na akala niya ay nananaginip lang at hindi totoo ang nakikita niya sa harapan niya. Sinasalamin din ng matandang lalaki kung ano ang nararamdaman ng kabiyak.

Maiyak-iyak ang mag-asawa na lumabas ng tindahan at sinugod ng yakap ang anak na nakatayo sa harapan nila. Dala nito ang mga maleta at iba pang mga bagahe na nakalapag sa semento.

"Anak ko." Umiiyak na niyakap ng ina ang anak na matagal ng hindi nakita ng personal.

"Anak." Madamdaming saad lang ng ama at yumakap na rin.

"Mama, Papa." Hindi na nga mapigilan ni Dexter ang emosyon niya. Iyak nilang tatlo ang gumising sa mga kapitbahay sa umagang iyon. Pero nainggit ang bunsong anak.

"Syempre, sali ako dyan." Kwelang singit ng bunso nila na nakiyakap na din.

Halo-halong saya at pagkasabik ang nararamdaman ni Dexter ngayon. Parang nakompleto na rin ang puwang sa puso niya. Ang pamilya niya na nga ang sagot.

"Namiss ko po kayo." Sabi ni Dexter na lumayo na sa yakapan pero na patuloy parin ang pagtulo ng mga luha na siya namang pinupunasan ng ina.

"Namiss ka rin namin anak." Madamdaming saad ng ina na pinakatitigan ang anak.

"Halika anak. Pasok muna tayo sa loob at ng makapagpahinga ka." Aligagang sabi ng ama at kinuha pa ang maleta niya bago tumingin kay Justine. "Anak, dalhin mo ibang dala ng kuya mo sa loob." Utos niyo sa bunso at nauna na itong naglakad papasok habang hila ang anak.

ChancesWhere stories live. Discover now