Chapter 2

27.8K 582 42
                                    

Chapter 2

"Anong good news pa yung sasabihin mo?" tanong ko habang nginunguya ang paborito kong pagkain na carbonara.

"Ayy oo nga pala anak." Sabi ni Papa, tapos binitawan nya ang kanyang hawak na kubyertos, at punas ng bibig, bago tinuloy ang kanyang sasabihin.

"Yung boss ko si Sir Lucifer, prinomote nya ko kaya tumaas yung pusisyon ko sa kumpanya nya, napakabait talaga nyang tao, di ko nga alam bat ang daming tao ang natatakot dun." Sabi ni Papa, di ko mapigilang matuwa dahil na promote si Papa, tsaka di ko rin mapigilang mag taka din sa huling sinabi ni papa, muka naman syang mabait na tao ah.

Baka nag papanggap lang sya na masama at masungit pero mabait naman talaga itong tao.

Right!..

"Tsaka anak meron pang isang Good news." Sabi ni Papa habang naka ngiti ng wagas, kaya di ko mapigilang ma excite sa susunod nya pang sasabihin na good news.

"Gusto ka nyang kunin bilang isang scholar sa school nya, pribadong eskwelahan yun at international kaya kilalang kilala ito, sobrang mahal doon ng tuition fee, kaya nga sobra ang tuwa ko ng sinabi nya na gusto ka nyang maging scholar don." Sabi ni Papa, pero di ko maiwasan mag taka.

Kinuha ko ang baso sa aking tabi, at kumuha ng tubig sa pitsel, at ininom, bago mag salita.

"Hindi po ba papa sobra sobra naman po yung binibigay nya saatin?" nakakunot noo kong sabi habang tinitignan si Papa sa aking harapan na naka upo, "Baka papa may kapalit yang binibigay nya saatin." biro kong sabi tas baba sa basong hawak ko.

"Ikaw talaga Daisy, di naman siguro ganyan boss ko, sinuklian nya lang yung mga sipag na ginagawa ko sa kumpanya nya." Sabi ni Papa na natatawa.

"Oh ano na daisy? papayag ka ba? sayang naman kung hindi mo tatanggapin yun, napaka ganda non na oportunidad." Sabi ni papa, tapos tinuloy nya na ang kinakain nya.

Hindi ko mapigilang mag dalawang isip dahil don.

"Pero okay lang anak kung hindi mo tanggapin, nag simula na kasi yung school nung last month pa, baka mahirapan kang mag habol sa mga lesson doon, tsaka yung mga kaibigan mo, kawawa naman kasi iiwan mo sila." Sabi ni papa.

Kaibigan... Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait.

You don't know anything Papa...

Wala akong kaibigan sa school namin kahit isa, lahat ng babae sa school namen galit saakin, kasi akala nila inaahas ko yung mga boyfriend nila, kahit hindi naman, kaya gustong gusto ko nang umalis sa school na yun, lagi nila akong binubully at sinasabihan ng masasamang salita, ang iniisip ko lang yung mga lessons.

On another thought, mas okay na palang mag habol ng lessons kaysa ma bully, sabi ni papa mahal tuition doon kaya mayayaman lang yung mga nandon at for sure madameng magaganda doon, kaya wala ng makakapansin sa akin, pag nag transfer ako doon I'm just nobody, kaya bakit pa ako nag dadalawang isip?.

Daisy Ina Andrada... Ano na, hindi ba ito gusto mo?.

"Pa tatanggapin ko." Sabi ko tapos tingin kay papa, binigyan lang ako ni papa ng tingin na naninigurado, kaya napangiti ako at tumayo , at lumapit sa pwesto ni papa, "Syempre tatanggapin ko yun, pinaghirapan kaya yun ng papa ko." nakangiti kong sabi kay papa, tapos yakap sa likod nito.

"Napaka bolera talaga ng aking prinsesa." Sabi ni papa na natatawa, sabay pisil sa pisngi ko.

"Sabado bukas anak, tamang tama kunin mo lahat ng mga requirements mo doon and paper for transferring." Sabi ni papa, tumango lang ako at ngumiti, at nagsimula ng mag ligpit ng mga pinagkainan namin.

Innocence [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt