Promised

566 13 0
                                    

AN: I know two of the story ay nabasa niya na. Pero hinalo ko na dito.

Makakapagpahinga din sa wakas. Kapagod pero worth it naman.' Bulong ko sa aking sarili.

Ito ako ngayon, nagmamaneho na pauwi. Katatapos lang ng isa kong gig bilang isang singer at masaya ako dahil napasaya ko na naman ang mga taong patuloy na sumusuporta sa akin. Kung wala sila, wala din naman kasi ako sa kinalalagyan ko ngayon.

Kahit pagod man, may ngiti parin sa mga labi ko. Hindi na ata mawawala yun. Wala man akong lovelife but I'm happy and contented with my MJangels. Sila na lang muna inspirasyon ko.

Habang nasa byahe, na ako lang mag-isa, napapangiti na lang ako dahil sa tuwa ko kanina. Ang saya lang kasi pagmasdan yung mga tao na humahanga sayo kahit na sabihin nating lesbian ako. Oo, isa akong lesbian, tomboy, tibo, t-bird at kung ano pa kung tawagin nila.

Hindi naman lingid sa lahat na hindi lahat ng tao tanggap ang ganitong kasarian. Pero kahit papaano merong tanggap ako at mahal nila, lalo na ang pamilya ko. Humahanga sila sa talentong pinapakita ko at hindi na hinuhusgahan kung ano ako.

Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayang nasa harap na pala ako ng gate ng bahay ko. Dito muna ako tutuloy ngayon, gusto ko ng tahimik na lugar eh.

Isa itong subdivision pero magkakalayo ang mga bahay dahil bago pa lang. Wala pang bumibili ng ibang lupa sa tabi kaya parang masasabing solo ko ang lugar. Pwede kong gawin ang gusto ko ng walang nakakapansin.

Lumabas na agad ako ng kotse para buksan ang gate. Wala akong ibang kasama kaya wala akong maasahan kundi sarili ko lang. Napapa-humm pa ako ng isang kanta habang naglalakad. Tinanggal ko na agad ang lock at ready na akong itulak ang tarangkahan pabukas ng may nahagip ang mata ko.

"Shit!" Murang-sigaw ko at napaatras kaya natumba ako. Nagulat kasi ako sa biglang pagsulpot ng multo.

Ay, hindi pala. Hindi siya multo, parang multo lang dahil nakalugay ang mahaba niyang buhok at natatakpan ang buo niyang mukha. Samahan pa na maputi siya sa ilalim ng sinag ng buwan at ilaw ng poste sa malapit. Wala kasing ilaw sa bahay kaya 'yon lang ang umiilaw sa amin. Para tuloy siyang si Sadako kaya nakakatakot.

"So-soriee,"at suminok pa.

'Naku naman. Lasing pa ata ito.'

Tumayo na lang ako at nagpagpag, buti na lang at wala namang sumakit sa akin ng malala maliban sa puwet ko at mawawala din ito mamaya-maya.

"O-okay ka lang miss?" Alanganin pa akong lumapit dito. Paano kung holdaper siya? Mahirap na 'no. Pero, wala naman atang makakapasok dito na gano'n dahil mahigpit naman 'yong mga guard.

Hindi ito sumagot, bagkus ay naglakad ito papalapit sa akin at yumapos. Nasusuka pa ata kasi medyo dumuduwal siya kaya naman nilayo ko na siya agad sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi pala. Nakatulog agad siya na nakayakap parin sa akin.

"Miss." Sinubukan ko siyang gisingin pero parang puno ng kahoy na ayaw magpatinag habang nakayakap ito sa akin. "Miss, gising. Saan ka ba pupunta at ihahatid na kita. Miss." Subok ko ulit pero wala talaga. Napabuga na lang ako.

Wala na akong choice kundi ipasok sa bahay ko ang pasaway na babae. Iwan ko na muna 'tong sasakyan sa labas at ipapasok 'tong babae.

Inalalayan ko siya pero ayaw naman maglakad. Kaya walang mapagpipilian ulit kundi buhatin siya. "Sana naman magaan ka lang." Bulong ko at kinarga siya na tulad ng isang bagong kasal.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng nakaya ko siya. Sobrang gaan nga niya eh na parang walang kinakain. Matangkad ako sa kanya ng tatlo hanggang apat na pulgada tapos payat pa siya. As in na parang may sakit na ewan. Hindi ko lang alam pero ang payat niya.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon