Chapter 4

20 3 1
                                    




Oliver's POV

Buong araw akong hindi nakinig sa discussion kasi si Silver lang ang laman ng isip ko. Hindi parin ako makapaniwala kasi.

"Oliver kanina pa ata nilalangaw ang pagkain mo ah. Hindi kaba kakain?" tanong ni Sophie sa akin. Yah, lunchtime na pero wala akong ganang kumain.

"Ako na kakain nito?" tanong naman ni Gaile. Tumango lang ako. Nakita ko kung paano siya nagbuntong hininga kasi inexpect niyang hihindi ako.

"Si Macy oh." Tinuro ni Sophie ang kabilang table. Isang grupo ng mga babae ang kumakain.

"Macy? Macy who?" tanong naman ni Gaile. Hindi kasi namin halos kilala ang mga studyante dito kapag hindi naming klasmate. Since schoolmate lang namin sila, so hindi naming sila kilala.

"Macy, bestfriend ng namatay?"

"Ahhh. Ex.. Ex-bestfirend kamo." Naliwanagan naman si Gaile. Tila'y nagkainteresado ako sa Macy na yun. Marami akong gustong itanong sa kanya baka kasi siya ang sagot sa mga tanong ni Silver.

"Tingnan mo ang lungkot niya. Akala ko nga magi-ging happy siya kasi deado na ang laging binubully niya. Natatablan pala ng sakit." 

"Sophie..'wag ka ngang magsalita ng ganyan, syempre kahit gaano katigas ang puso niya, lumalambot parin ito. Maybe gusto niyang mawala ang bestfriend niya, but not in that way." sabi ko sa kanya at tumingin agad ako kay Macy.

"Ano pala pangalan ng best friend niya?" tanong ko. Napaisip naman silang dalawa. 

"Cynthia ata.." sagot ni Gaile.

"Nope, Sa-sa...sabrina?" 

"Hindi 'yan." pumikit naman si Sophie at may inaalala ito. 

"Si...si...." 

"Silver!" malakas na sabi ni Gaile. 

"Silver? You mean Silver lining?" tanong ko ulit sa kanila. 

"You heard me right? Or do you want me to spell it?" seryosong sabi ni Gaile. 

Nagsmirked nalang ako sa sinabi niya. "You both said the same thing." 

"Huh?" naguguluhang tanong niya. 

"Wala!" 

Silver. I hope I'm wrong. At this moment, takot ako baka tama ang mga hinahala ko. I have her photo but the question is, Kung totoo, bakit ko siya nakikita? Why me? May third eye ba ako? Hindi pa kaya niya alam? Now it make sense now. Kaya hindi niya mahagilap ang mga magulang niya kasi she's already dead. So it means, nakikipag-usap ako sa hangin the whole time? Basa ko sa news, nasagasaan si Silver. So it means hindi siya nakaligtas noong araw na yon. 

"Are you okay?  Ang lalim ata ng iniisip mo." Inabot ni Sophie ang sandwich niya sa akin. Malamang naku-curious na siya. I want to tell them everything but there's the need of not telling them. 

"I'm fine. Thanks." 

There's one thing that I must do now. I need to help her. I need to take her home. 

*****

Pagkatapos ng klase ko, humiwalay agad ako kina Gaile at Sophie kasi may kailangan pa akong puntahan. Nasa labas ako ng BS of Law Department building. Kailangan kong kausapin si Macy tungkol kay Silver. 

Limang minuto akong naghintay, nakita ko siya pababa sa hagdanan yakap nito ang mga libro niya. Tama sila, ang lungkot nga ng mga mata niya. Malamang umiiyak ito nang dahil kay Silver. 

"Macy right?" napahinto siya sa paglalakad at tumingin ng deritso sa akin .

"Yes..why?"

"Pwede ba tayong mag-usap?" 

"We're already talking. What is it?" malamig na sabi nito. 

"It's about Silver. Where is she?" napakunot naman bigla ang noo nito.

"Why are you asking me? I don't know. I have nothing to do with her." Naguguluhan ako sa sinabi niya. Bahagya siyang napailing at tila takot na takot. 

"Gusto ko lang talagang malaman ano'ng nangyari sa kanya."

"I did not kill her! I-I-I have nothing to do with ....to do with..." nauutal niyang sabi at tila 'di mapakali.

"..with her...her ...d-death..I'm s-sorry." tapos tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad palayo sa akin. I was confused with her words. I just wanted to know kung saan dinala si Silver. Mas lalo akong nacucurious at the same time naguguluhan sa mga sinasabi niya. 

********

SILVER

I woke up in an empty house where silence is deafening. Where everything is no longer right. Where I'm like a dead person. Nasa bahay naman ako but, why do I seem to be lost? Sigh.But despite how I felt, I still have little hope left in me. I know mahahanap ko rin sila. 

Mabilis akong bumangon when I heard the doorbell. I am hopeful na parents ko ang nasa labas ng gate. I run while crying for happiness but instead of my parents, si Oliver ang bumungad sa akin. Nadismaya agad ako. 

"Kumain ka na ba?" nag-alalang tanong niya. I shook my head. 

"I brought you some food. I hope you will like it. Ako lang kasi nagluto niyan." I saw sincerity in his eyes. There's always one question I wanna ask. Of all people, why is he the only person who cares about me right now? Why is he the only person I can talk to? 

"Pasok ka." sumunod naman si Oliver sa akin. Pinaupo ko muna siya sa sofa habang hinanda ko muna ang mga dinala niyang pagkain. My damn eyes were so tired and I wanna rest,but, I must do careful scrutiny for all of this. I am absolutely confused about everything. 

"You seem bothered." I was taken aback ng magsalita si Oliver. Nasa harap ko pala siya. 

"What happened to that?" he pointed at my forehead. 

"Scar of my past." I hid it using my bangs at napayuko. Tapos tumingin ulit ako sa kanya. I saw his scar also in his forehead near his left eyebrow.

"And yours?" 

"Same. I think we're really meant for each other kasi we both have scars from the  past. How ironic!" napangiti naman ako sa sinabi niya. 

"Meant for each other huh?" then I examined him. 

"May syota ka na nga nagme-meant for each other ka pa." I chuckled. 

"Single pa kaya ako. Baka gusto mo i-syota kita para di na ako single." muntik na akong masamid sa sinabi niya. Tumingin lang ako sa kanya. Kanina pa pala ito nakatingin sa akin ng seryoso. Nailang ako bigla. Umiwas ako ng tingin pero bigla naman niyang hinawakan ang kanang kamay ko. 

" Anlamig." saad niya. Kay lungkot ng boses niya na tila'y nagsisimpatya ito. 

" Hindi ko alam kung bakit ganito? Kung bakit kailangan mo pangmanatili at magpagala-gala." mas lalo akong nagugulohan sa mga sinasabi niya. 

" Adik ka ba? Or Adik ka talaga? Ano ba yang pinagsasabi mo?"

Napansin kong parang natauhan siya. Umiiling-iling siya. 

"Huh? Bakit? Ano ba ang pinagsasabi ko?" tanong niya na para bang wala siya sa sarili kanina. Para bang wala siyang kaalam-alam sa mga sinasabi niya. 

"Sabi mo kasi kung bakit ganito kung, bakit kailangan ko pang manatili at magpagala-gala." nagulat naman siya tapos napakamot sa ulo. 

Tumawa siya, " Prinaktis ko lang ang dialog ko sa drama class. Wag mo ng isipin 'yon."

" Lokohin mo lolo mo 'wag ako. Adik ka nga." Inirapan ko lang siya tapos kumain na. Masarap naman 'yong dinala niyang pagkain. 

Hmmp. 



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love on the Other SideWhere stories live. Discover now