Prologue

102 6 1
                                    


Panay ang takip ko sa tainga dahil sa matinding bangayan ni Mommy at Daddy habang  nasa loob kami ng kotse. Yakap ko ang pobirito kong manika. Umiiyak habang pinagmamasdan sila mula sa kinauupuan ko. 

Biglang umiyak si mommy at napasuntok naman si daddy sa manubela sa sobrang galit. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Gusto ko man silang awatin ngunit hindi ko magawa. Hindi ko rin naman alam ang dahilan ng away nila at baka kapag papagitna ako, mas lalong magagalit sila. 

" Damn Oscar! Hindi ka talaga nag-iisip! What about me? What about Silver? Pull your fucking self together! This is your fault!" napaiyak ng malakas si mommy.

I tried to call their attention.

"Daddy.." 

"Not now Silver!" sigaw ni daddy. Natakot ako sa boses niya kaya isiniksik ko ang sarili sa gilid ng kotse, umiiyak habang yakap-yakap ko ang doll.

"Silver..go back to your seat. Honey...please..." pero hindi ako nakinig kay mommy sa sobrang takot na baka ako na naman ang saktan ni daddy.

"Silver!" sigaw ulit ni daddy sa akin. Itinakip ko ang mga palad sa tainga ko at nagsimula na naman silang nagsigawan. Hanggang sa biglang may narinig akong malakas na busina at biglang gumulong ang sinasakyan namin. 


" Dada!" Huli kong natandaan ang iyak ng isang batang lalaki. 


*******

Salutations!

Lend me your time guys. Hehe. This is my unfinished SharDon story. This was written a long time ago so I decided to publish this while rewriting every chapters since I have a lot of time now. I'll publish 2 chapters every weekend. I hope you will like this story. You can freely suggest any ideas or if you can notice any grammars errors. I would really appreciate it. 

Enjoy. Vote. Follow and Share. 

Let me know how you feel with this story or your opinion. Just leave me some comments. 

Thanks.  

Love on the Other SideWhere stories live. Discover now