Chapter 3

27 4 3
                                    

Kanina pa lang kami ni Oliver nakatayo sa labas ng clinic ni mama. Paano ba naman kasi, close siya. Hindi ko alam kung bakit. Naka-on leave si Papa tapos si mama hindi ko alam kung nasaan. Actually, hindi ko alam kung nasaan silang dalawa.

"Umupo ka nga muna! Nahihilo ako sa'yo." Umupo na lang ako at sinamaan ko siya ng tingin. Ba't ba kasi sumama pa 'tong lalaking 'to. Hindi naman kami close and we've just met yesterday. Goash.

"By the way, ikaw alam mo na ang pangalan ko, pero pangalan mo hindi ko alam. "Sabi niya habang naka angkas sa scooter niya.

"Silver." Mahinang sabi ko sa kanya at yumuko nalang. Sumasakit na kasi ang ulo ko kakaisip kung saan ko hahanapin ang mga magulang ko.

"Silver? Like silver linings?"

"Uhuh. Do you want me to spell it for you?"

Bigla siyang tumahimik at ako naman nag-iisip habang ini-scan ko ang cellphone ko.

"Tara! Nagugutom ako. Kumain na muna tayo at saka na natin hanapin ang parents mo. "Hinatak niya ako at pinasakay sa scooter niya. Agad rin naman akong umalis sa scooter niya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"May sarili akong scooter at isa pa makakauwi ka na. Hindi ko kailangan ng kasama. " medyo naiirita na ako. Dala na siguro sa init ng ulo ko. This is not his business anyway. His not my family neither a friend. He was just completely a stranger to me.

"Eh, gusto nga kitang tulongan."

"Bakit ba? Kaano-ano ba kita? Kaibigan ba kita? You're just a stranger I asked for a favor yesterday! Kaya pwede ba, mind your fucking business!" na carried away lang ako sa init ng ulo ko. Pati mga pinagsasabi ko ay kusang lumabas nalang sa bibig ko. Medyo natamaan ko ang ego niya kaya siya napatahimik habang nakatitig lang sa akin. I felt bad about what I said to him. Gusto kong bawiin ang nasabi ko sa kanya but I'm too late. Kinain na kami ng katahimikan sa loob ng ilang segundo. Tapos umiwas siya ng tingin. Napahawak ng mahigpit sa manubela ng motor nya.

At last nakapagsalita na siya, "Gusto ko lang namang makatulong sa'yo. Ako na nga itong nagmamabuting loob. Sige aalis na ako."at pinaandar na niya ang scooter niya. Gusto ko siyang pigilan at magsorry pero nakalayo na siya sa kinaroroonan ko.

[Oliver's pov]

Matapos kung iwan si Silver, dumeretso agad ako sa school. May dalawang subject pa ang natitira sa araw na 'to. Tama naman siya, I'm just a stranger she met yesterday. Bakit nga ba ako nangingialam sa problema niya? Di ko alam. Medyo naawa lang ako sa kanya at may kunting part ng sarili ko na gustong tulongan siya.

Nasa labas pa ako ng campus, nakita ko si Sophie at Gaile na papasok pa rin sa gate.

"Yow!" bati ko sa dalawa.

"Hoy Oliver! Kailan ka pa natutong mag-absent?" bati ni Sophie sa akin. Ganyan lang talaga siya pagdating sa akin. We're bros.

"Kahapon lang?" sagot ko naman ng patanong.

Tapos napansin kong may kandila sa gilid ng kalsada sa tapat ng gate ng school.

"Ano yan?" tanong ko sa kanila sabay turo sa kandila.

"Kandila."

"Alam ko, engot! Anong meron?"

Tapos biglang may naalala si Gaile kasi nakita ko ang light bulb sa taas ng ulo niya. Di joke lang.

"May nasagasaan kahapon. School mate natin." Nakasalubong na kilay ko ang humarap kay Gaile. Yan kasi, umabsent pa ako kahapon di ko man lang na sagap ang balita.

"Sayang. Ang ganda pa naman niya. Alam mo ba Oliver? Ang weird lang, nakangiti ba naman ang bangkay ng babae. Para bang ang saya niya. Yan nga ang headline ng school journalism natin eh, The Most Beautiful Death ang tawag sa nangyari kahapon kasi para lang siyang natutulog. "kwento ni Gaile. Medyo namangha ako sa kwento niya. Nakangiting bangkay? Ang weird nun.

"Talaga?"

"Yep! Actually dalawa yong namatay dyan kasi noong nagkukumpulan ang mga tao, biglang may nahimatay at nawalan ng buhay. Ang pagkakaalam ko, inatake sa puso daw. "kwento ulit niya. Bilib na talaga ako kay Gaile kasi pagdating sa balita laging updated. Kaya sa tuwing magkikita kami, tinatanong ko siya na "Anong bago?" kasi alam kong may ikukwento rin siya sa akin. But speaking of The Most Beautiful Death, gusto kong malaman kung sino.

"Hays, life is too short for her. "naawang sabi ni Sophie habang nakatingin sa kandila na nakatirik sa gilid ng kalsada.

"Tara na nga sa loob!" nauna akong naglakad at sumunod naman sila. Nahahawa na tuloy ako sa kanila. Bigla tuloy akong naawa. Naalala ko naman si Silver. Kumusta na kaya siya ngayon? Sana mahanap na niya ang mga parents niya.

****

Class dismissed.

Pagkatapos ng last subject ko, dumaan muna ako sa library para isauli ang hiniram ko na novel, Tuesdays with Mr. Morrie. Well, I do love books. Any types of genre.

Naisipan kung dumaan na muna sa locker ko. Habang naglalakad ako may biglang nahagilap ang mga mata ko sa bulletin board na nakadikit sa News Section. Huminto ako at binalikan ko ang bulletin board.

"The most beautiful death." Mahinang basa ko sa nakasulat sa headline. Binasa ko ito tapos napahinto ako sa pangalang medyo narinig ko na noon.

Kinuha koi to at inilagay sa loob ng backpack ko. Bigla akong kinabahan. Ba't parang kilala ko siya?

Hindi ko naman na recognize ang mukha sa larawan kasi medyo Malabo, naka black and white kasi siya. Pero ang alam ko, kilala ko ang babaeng 'yon.

[Silver pov]

May mga bagay talaga na kapag hinahanap mo, hindi mo matatagpuan. Ganun ang sitwasyon ko ngayon. Ilanga araw ko ng hinahanap ang mga parents ko pero hanggang ngayon hindi ko parin sila mahanap. Hindi rin sila umuuwi sa bahay. Even my relatives, laging wala sa bahay nila. I don't know where to find them. They're lost or maybe.... maybe I'm lost. But how come I'm lost when I'm exactly inside our house. Ano ba naguguluhan na ako.

Bumangon na ako ng tuluyan ng tumama sa mga mata ko ang sinag ng araw. I opened my window at dumungaw baka kasi may kotse ng nakaparada pero nadismaya naman ako kasi wala. Napatingala ako sa langit. Kay itim ng mga ulap ngunit may araw naman. Ang weird ng panahon ngayon. Lalong sumasakit ang ulo ko.

Naghanda ako ng almusal tapos kumain. Naligo narin ako at nagbihis saka umalis sa bahay. Pupunta na naman ako sa office ni daddy baka kasi nandun na siya.

Pagkarating ko sa building ng office ni Papa nakita ko siya na nakasakay sa kotse niya. Mabilis kong pinaandar ang scooter ko at hinabol siya. Hanggang sa kaya ko, susundan ko siya. Hindi ko alam kung saan patungo si Papa. Naiiyak na ako sa inis ng hindi ko rin alam. Mas pinabilis ko pa ang pagda-drive ko na hindi ko pa nagawa noon. Ngunit mabilis ang pagmamaneho ni daddy kaya medyo lumalayo na ako sa kanya.

"Daddy!!!!" pilit kong tawagin siya pero wala eh. Naiyak pa ako lalo at sobrang nanginginig sa takot. Hanggang sa nawala na sa paningin ko si Daddy. Huminto na muna ako. Napansin kong nasa labas pala ako ng paaralan namin.

Love on the Other SideWhere stories live. Discover now