Chapter 1

52 4 0
                                    


|Silver's POV|


Fuck them!

Sigaw ng isip ko habang naglalagay ng mga gamit ko sa locker ko. May nag-iwan ba naman ng note sa loob. Your father is a scammer. Shame on you!

Yan ang nakasulat sa papel. Alam na alam ko naman kung sino ang may kagagawan nito. Isa lang naman ang may galit sakin, si Macy, my bestfriend. Actually EX- bestfriend na nga. We were so close before. She's like my sister to me not until the clash between our parents happened. Yes, it's true my dad used their money but he's not a scammer. Naloko lang din siya, kaya pati pera nina Tito Angelo, nawala. My parents are facing too many cases right now and anytime, makukulong si daddy. I want to help them kaya ako mag-aabogado. But I guess I'd be too late.

I love my parents. I want to fight for them but I already knew matatalo rin kami.

I crumpled the paper at itinapon ito. Papasok na sana ako sa klase ko, bigla akong may natanggap na tawag.

My mom's crying on the other side.

" Ma..." hinang sambit ko.

"Your dad. "

Pagkakarinig ko ng hikbi niya, bigla akong nanghina. Agad akong tumakbo. Hindi nalang ako pumasok at nagmamadaling umuwi kasi kailangan ako ng mama ko ngayon. Habang nagtatakbo ako palabas ng campus, biglang nag flashback lahat ng masasayang alaala ko kasama ang mga magulang ko. 'Yong araw na si daddy ang kasayaw ko sa prom tapos 'yong nereregalohan ako ni mama ng scooter. Napangiti ako bigla sa kabila ng kaba na naramdaman ko.

Sa sobrang kaba, pagkaalala at saya dahil sa mga masasayang alaala ko hindi ko na halos nakikita ang mga dinadaanan ko at ang paligid kaya nung tumawid ako bigla akong napahinto at natumba dahil may sasakyan na bubunggo sana sa akin.

Huminga ako ng malalim at humingal.

Ilang sandali ang nakalipas, nagkukumpulan ang mga tao at nakatayo sila at pinapaligiran ako.

"Oh my God!" sigaw ng babae sa harap ko. Tapos tumayo ako't namagpag.

"Are you okay?" tanong ng babaeng naka surgical mask.

"Okay lang po ako. " sabi ko sa kanya at sa mga tao sa paligid na nakatingin sa akin tapos umi-exit na ako doon.

Bago ako makalayo sa lugar na 'yon nilingon ko muna sila at nakita kong nagkukumpulan parin ang mga tao tapos may na sho-shock at parang naaawa. Maya-maya'y may dumating na ambulansya at nakita ko ang babaeng nagtanong sa akin kanina na nahimatay. Agad naman siyang tinulungan ng mga tao. Tatakbo sana ako pabalik sa kanya pero naalala ko si mama kaya tumalikod nalang ako.

"Hoy miss, okay ka lang? Muntikan ka ng masagasaan kanina ah?" sabi ng lalaking nakauniporme gaya ng uniporme ko.

"Okay lang ako. " sagot ko sa kanya habang nag-aabang ng masasakyan. Tapos naalala ko agad si mama. Nakita kong nakascooter siya kaya di na ako nagdalawang isip na humingi ng pabor sa kanya.

"Kuya, pwede favor?"

"Aray naman ng kuya. Magkasing edad lang ata tayo eh. Oliver na lang. " napakamot sya sa ulo niya.

" Ano yun?" dagdag niya.

"Pakihatid naman ako sa bahay.Emergency lang, please. Promise babayaran kita." Kumunot ang noo niya. Natahimik naman ito bago magsalita. Napansin ko na medyo ayaw niya kaya tumalikod agad ako.

"Wait! Masyado ka naming matampuhin. Sige na nga. Minor classes lang naman ako ngayon okay lang umabsent."

"Aray ha, naguguilty na tuloy ako. 'Wag nalang!"

Naglakad na ako palayo sa kanya pero hinabol naman niya ako.

"Sakay na!" alok niya. Agad naman akong umangkas.

"Humawak ka!" Kinuha niya ang dalawang kamay ko at inilagay niya ito sa may beywang niya. Aayaw sana ako kaso lang naunahan na niya ako.

" Anlamig lang ng kamay mo ha? " sabi niya bago niya pinaandar ang motor.

Pagkarating ko sa bahay, agad kong hinanap si mama. Hindi man lang ako nakapag-thank you kay, ano nga ba pangalan nun? Oscar? Ewan ko ba.

Hinahaluglog ko na ang bahay pero wala si mama at papa. Sinubukan ko silang tawagan pero out of coverage area na. Damn. Lalo tuloy akong kinabahan. Tapos ilang sandal, biglang lumamig ang paligid. Napasandal ako sa wall. Nanghihina ng hindi ko alam ang dahilan. Ang alam ko lang may masamang nangyari sa pamilya ko. Napasubsob ako sa mga braso ko. Umiyak ang umiyak.

"Panyo, oh. " sabi ng boses.

Inangat ko naman ang ulo ko.

"Oscar? Anong ginagawa mo dito? Akala ko umalis kana?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Tapos umupo siya sa sahig sa harapan ko para magkakalevel na kami. Ngumiti siya tapos pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang panyo.

"Weird ng panyo ko no? Hindi nababasa sa mga luha mo. And FYI Oliver ang pangalan ko hindi Oscar. " nakangiting sabi niya. Tapos nung napansin niyang nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso, bigla rin syang sumersyoso.

"Hinintay kita sa labas baka kasi babalik ka at magta-thank you pero hindi ka naman bumalik napansin kong nagtatakbo ka sa loob ng bahay niyo kaya natakot ako baka may masamang nangyari sa pamilya mo kaya pumasok na ako. Nakabukas naman 'yong pinto." Malumay na sabi niya at naguilty naman ako sa sinabi niya kasi hinintay niya talaga ang thank you ko.

Napayuko ako't umiyak.

"Hoy, wag kag umiyak. Hindi kita pinaiyak ha?" natarantang sabi niya at sinubukan niyang iangat ang mukha ko.

"Nanlamig ka ah. May sakit ka ba?" tanong niya na may pagka-alala. Ipinatong niya ang kamay niya sa noo ko at iniwas ko naman ito. Nakalimutan ko na, kanina palang kami nagkakilala at hindi ko pa alam na baka may bad record ang lalaking 'to. Baka rapist o di kaya magnanakaw. Pero mabait naman ang mukha niya.

"Don't look at me like that. I know that you've been studying me. FYI lang, hindi ako magnanakaw o rapist. Hindi ako masamang tao. "naguilty naman ako sa sinabi niya. Ba't ba kasi ang hilig niyang magpa-feeling victim. Tsss.

Inirapan ko lang siya. Gusto ko lang mapag-isa.

"Umalis ka na. Okay na ako."utos ko sa kanya.

"Sure ka ba?"

"Oo." Ilang sandali pa ang lumipas bago siya tumayo. Tapos bago siya umalis iniwan niya sa akin ang panyo niya.

"Thank you." Sambit ko tapos lumingon naman ito ng nakangiti kahit nasa malayo na siya. Lakas lang ng pandinig ng taong yun ah. Kahit papano, gumaan yung pakiramdam ko. 

*******

Enjoy. Vote. Follow and Share.

Let me know how you feel with this story or your opinion. Just leave me some comments.

Thanks.  

Love on the Other SideWhere stories live. Discover now