1

15 0 0
                                    

Certainty

"Are you sure?" The man asked me for the third time. "Yes, sir. Civil Engineering po." He looked at me then my application form, like this is the first time he saw a girl enrolled for Civil Engineering. "Sige. Goodluck, iha." Ngumiti lang ako sakanya at kinuha yung application form ko.

Grabe nastress ako dun. Ang tagal ng interview ko dahil lang hindi siya makapaniwala na magt-take ako ng Civil Engineering (CE). Alam kong mas maraming lalaking kumukuha ng CE pero may mga babae rin namang kumukuha nun. Ang sabi nga sakin nung nag-interview, sobrang dalang daw ng mga babaeng nagtatapos ng CE dito sa University nila kaya siguro ganun siya magtanong.

After ko mag-enroll, umuwi na ako sa bahay. Nakita ko si Kuya, nanonood ng tv. "Si Aria ba yan?" Tanong ni Kuya. "Opo, ser." Sagot ng kasambahay namin na si Ate Lidya. "Gusto mo kumain?" Tanong ni Kuya sakin ng humarap sya sakin. "Nagluto ka?" Tanong ko sakanya habang binababa ko yung susi ng kotse ko sa mesa. "Yeah. Meron dyan abodong pusit." Adobong pusit. Pumunta ako agad sa kusina. The best ang adobong pusit ni Kuya.

Magaling magluto ang Kuya ko kasi Culinary Arts ang tinapos niya. May sariling restaurant chain na rin siya. Pero dahil tamad, majority of his time nandito siya sa bahay. Pinaghain ako ni Ate Lidya ng makakain at nakipag kwentohan sakin. "Mukhang gutom ka ah." Napangiti ako sa sinabi ni Ate Lidya, totoo kasi. "Napatagal po kasi ako sa school eh." Tapos kinuwento ko sakanya yung mga nangyare. Hindi na siya nagtaka, ganun din kasi reaction niya nung nalaman niya. Si Mama rin ganun. "Si Papa mo Civil Engineer, naalala mo?" Napatango ako sa sinabi niya. Naalala ko yung sinabi ko kay Papa noon.

"Pa, gusto ko maging Engineer tulad mo." Ginulo niya ang buhok ko at lumuhod sa harapan ko. "Kahit na anong gusto ng Aria ko, susundin ni Papa." Nguimiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad.

"Okay ka lang, anak?" Tanong sakin ni Ate Lidya. Tumango na lang ako at inubos yung pagkain ko, pagkatapos ay umakyat na sa kwarto ko. Napasandal ako sa pinto habang inaalala si Papa. "Okay lang ako." Sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy na.

Kinabukasan kailangan ko ulit pumunta ng school may orientation kasi sa school. Nagulat nga ako kasama na ako sa group chat (gc) ng section namin. Kaya siguro kinukuha ng guidance yung facebook ko. May kikitain ako nakilala ko sa gc namin. Nagusap kami na sabay na kaming pupunta sa orientation. Sobrang dalang lang kasi ng mga babae sa section namin, tapos siya yung pinaka naging close ko kagabi sa chat.

Lumapit ako sa isang babae na nagtutugma sa description ng damit na sinasabi ni Emilie. "Emilie Lagman?" Tanong ko sakanya. Napatingin siya sakin at ngumiti. "Aria Ladena?" Ngumiti ako sakanya at tumango. "Mas maganda ka sa personal kesa sa dp mo!" Sabi nya sakin. Nag-thank you ako sakanya. Makeup lang yan kaya mukha akong maganda lol. Pumunta na kami sa Auditorium at umupo at nagintay.

OMG. I. AM. SO. BORED. Kung alam ko lang na sobrang haba pala nito sana nakinig na lang ako kay Emilie kagabi at dinitch na namin to ngayon. Pa-good kid pa kasi ako, tsk. Lumingon lingon ako sa paligid baka may makita akong mga classmates namin na nasa gc. May nakita akong isang lalaki, matangkad, maputi, mukhang American. Sa pagkakatanda ko si Freddy Ceniza ata yun. In fairness, gwapo siya ha. Lumingon lingon pa ako sa gilid.

"Excuse me." Rinig kong sabi ng isang lalaki na umupo sa tabi ko. Lumingon ako sakanya. Wow. Ito na ata yung pinakagwapong lalaki na nakita ko. "Civil Engineering ka rin?" Tanong nya sakin. Ang gwapo pati ng boses. Ngumiti at tumango ako sakanya. "Anong section mo? CE04 ako." Lintek kaklase ko pa pala to. "Ako rin." Kinalabit ko si Emilie at sinabing kaklase namin yung katabi ko. "Hi!" Sabi ni Emilie at nag wave. "Hello! Ako nga pala si Addie. Addie Hernandez." Ngumiti siya samin. Putek, may bago na akong crush. Nagpakilala kami ni Emilie sakanya at niyaya niya kami mag lunch. Umoo naman kami ni Emilie.

Nalaman naming highschool graduate pala si Addie dito. Nung nagbreak na yung orientation sabay sabay na kaming pumunta sa canteen. Dun ko nakita ng malapitan si Freddy. "Oy, si Freddy oh." Tinuro ko kay Addie at Emilie si Freddy. Nilapitan ko si Freddy at nag-hi. Mukha namang nakilala niya ako kaya nag-hello siya. Niyaya ko siyang sumama samin kumain. Nung una nahihiya pa siya pero sumama na rin siya nung pinilit ko ng husto.

So far, maganda yung nagiging experience ko ditosa school na to. Sana magpatuloy pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pushing The LimitsWhere stories live. Discover now