Chapter 8 WARM HUG

127 8 5
                                    

Chapter 8 WARM HUG

***KAYE POV***

WALANG tigil ako sa paghihikab habang tinatapunan ng panakaw na tingin ang sandamakal na libro na nakalapag sa mesa. Iba't ibang uri ang mga ito. May Physics, Mathematics, English at kung anu-ano pa. Masyado itong mataas. Dinaig pa ang bundok.

Kinamot ko ang kaliwang pisngi ko sa labis pagkabagot. Kung alam ko lang na ganito pala ang madadatnan ko, e di sana natulog na lang ako. Kaya ko namang talunin sa patalinuhan ang tukmol na iyon. Ako pa ba, e matalino din kaya ito.

"Pag-aralan mong lahat ng iyan!" maangas na wika ng babaeng inapi ng mga pabida nitong school kahapon. The girl who wears green ribbon.

Hanggang ngayon ay nasusuka pa rin ako sa kaartihan ng color coding na ribbon na iyan. E rate ba naman ayon sa kulay? Kaya marami ang mahahangin at mayayabang sa paaralang ito. Hindi marunong gumalang sa mga kapwa nila.

Pahinamad na inangat ko gamit ang isang daliri ang pobreng libro. Medyo maalikabok ang iba. Baka naman galing pa ito sa baul ng kalolo-lolohan niya?

"Do I really need to read them?" pinitik ko ang kumapit na alikabok sa daliri ko.

"Of course yes! Preliminary bagsak ka na kaagad kung hindi mo makakabisa ang laman ng lahat ng iyan!"

Ano ba ang tingin ng babaeng ito? Sa ibang bansa lang kukuha ng test, pati buong libro dapat kabisahin? Nakaka-high a!

"Iyan ang gustong challenge ng Tristan Sandejas na iyon?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. Gusto ko sanang dagdagan ng certified manyak. Hindi ko na itinuloy, baka avid fan din kasi ang isang ito.

Nag-isang guhit ang kilay niya. "Hindi mo ba siya tinanong kung anong klaseng challenge ang gusto niya?"

Wow! Certified maarte din ang Tristan na iyon. Siya pa talaga ang mamimili? Ang arte talaga! Pwe!

"Malay ko sa tarantadong iyon," I rolled my eyes.

She gasps. "He's not tarantado!"

Sabi ko na nga ba avid fan. Naghihikab na umalis ako sa pagkakaupo at iniwan ang babaeng ito. Mahirap na, baka mahawaan ako ng pagkabaliw niya. Putik, iisipin ko pa lang nananayo na ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Where are you going?" hindi maipinta ang mukha na tanong niya.

Ikinibit ko na lang ang mga balikat. Ano nga ba ang gagawin ko? Sa ngayon kasi wala pa akong naiisip. Hindi naman ako makabalik sa classroom ko dahil bawal daw. Hintayin ko daw muna ang result ng test ko. Alam ko na ang kahihinatnan niyon. Eksaktong eighty percent ang resulta niyon. Na estimated ko. Madali lang naman kasi.

"Bawiin mo ang masamang sinabi mo kay Prince Tristan!" napapadyak siya sa lupa. Mukhan siyang maiiyak.

Yeah right!

After hearing her mentioning that guy's name, I know now what to do and where to go. Nilingon ko ang babaeng may suot ng green ribbon. I still don't know her name.

"What's your name again?" walang anumang tanong ko.

"Lovely," nag-isang guhit ang noo niya. "Lovely Serrano."

Aw! Ang ganda ng pangalan! Mas mabuting kilalahanin ko muna tao para naman hindi kami magtawagan ng hoy sa huli. I admit that I help her but it doesn't mean I consider her as my besty. I used to have one but he leaves me hanging after I turned off his confession. Nawala siya kung saan kailangan ko siya.

"I'm Karriza Aye Valdemor, Kaye for short." Nakangising umatras ako ng nakatitig sa kanya.

"W-what?" she said.

The Class S Students DareWhere stories live. Discover now