Chapter 3 I.D.

259 30 0
                                    

Chapter 3 I.D.

***KAYE POV***
"I challenge you!" Buong tapang kong sabi habang nakaturo ang hintuturo sa leader nila. Nagtaka ako ng bonggang-bongga nang magtawanan ang mga taong nakapaligid sa amin. Mabuti sana kung isa ngunit marami. Halos lahat ng mga ito.

Para saan itong kadramahan nila? Line up ng mga pwedeng ipasok sa mental ospital? Palakasan lang ng tawa? Ganoon?

"Really?" sabi ng lalaking malandi kanina, iyong maraming babae na inaakbayan at niyayapos. 'Yong manyak. "How can a low class like you challenge our Leader?"

Low Class na naman? Hindi pa ba sila napapagod sa kakapuna sa akin?

"Ang mabuti pa Miss..." tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakakadiri ang paraan ng pagtitig niya, parang minamanyak niya ako. "Mag-date na lang tayo."

Napabuga ako ng marahas. "Mag-date?"

"Yes." A dirty smile curve on his lips. "I will make you happy even if you're just a low class student."

"Really?" Natawa ako sa sinabi niya. Hindi tawang kinikilig. As if naman kikiligin ako sa manyak na iyan. Mandidiri? oo. Ngunit ang kiligin? Pwee! Never!

"So..." he raise his hand, I guess his planning to touch my face. "Why don't we-"

Hindi ko pinansin ang kalandian niya. Bago pa man lumanding ang nakakadiri niyang kamay sa mukha ko, tinabig ko na ito. Pansin ko ang pagkagulat sa kanyang anyo.

"Tss." iniwan ko na siya at nilapitan ang lalaking tinawag niyang leader.

"H-Hey!" Hindi ko pinansin ang atungal ni Mr. Manyak, from now on, iyan na ang itatawag ko sa kanya. Ang hirap ng ganito, iyong hindi ko alam kung ano ang pangalan ng mga kaharap ko. Hanggang call sign na lang lagi.

"O ano na?" Nagpatuloy ako sa paglapit kay Prince Kaizzer nila. Ang Abnoy nilang leader. "Hinahamon kita!"

"Hindi pa tayo tapos Miss." sabi ni Manyak, sabay huli sa braso ko.

"Hindi ikaw ang sadya ko kaya huwag kang makialam dito!" Tila diring hinila ko ang braso. "Manyak!" Pagkasabi ko niyon muli akong nakarinig ng singhap ng mga kababaehan.

"Mayak? How dare her said that to our Prince Tristan!"

"Stupid girl!"

Tristan? So Mr. Manyak is Tristan?

"She's a bitch!"

Whatever!

"Y-You." Kitang-kita ko ang inis sa mga mata ni... Tristan? Mukhang nainsulto sa ginawa ko. Buti nga sa kanya.

"Ya?" bored na tinitigan ko ang pagmumukha niya. Nagpupuyos naman ang mukha niya nang dahil sa galit. Nilingon ko na lang si Kaizzer. Wala naman akong mapapala sa manyak na 'yon. "So what now?"

"I have no time for you." Kalmadong sabi ni Kaizzer.

"Bakit? Natatakot ka ba?" I smirk.

Pansin ko ang pagtalim ng mga mata niya. He looks more scarier. Marami na akong napagdaanan kaya naman sisiw na lang sa akin ang ganitong tagpo.

Unti-unti siyang lumapit sa akin habang nakapamulsa. Ewan, parang nakaramdam ako ng kaba nang nasa harapan ko na siya. Inaamin kong may katangkaran ako pero mas matangkad siya. Napapatanga ako sa kanya.

The Class S Students DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon