Chapter 5 Retake

218 23 8
                                    

Chapter 5 Retake

***KAYE POV***
Hindi matigil sa pagkakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang sagutang papel na ibinigay sa akin ng Principal. Oo, hindi ako pinangaralan ng teacher ko sa Mathematics. Hindi nakarating dito ang gulong pinasok ko kanina sa halip ay nilulunod nila ako ng test questionnaires. Sisiw naman sa akin ang lahat kaso may kakarampot na problema nga lang. Nasagot ko na ito nang mag-e-enrol pa lang ako dito sa school.

Bago ka kasi tuluyang makapasok kailangan mong sagutan ang one to one thousand na katanungan. Balak pa yatang itulad nila sa board exam sa dami niyon. Once you perfect all the test, magiging scholar ka ng school. Wala akong balak na gawin iyon, hindi naman sa pagmamayang above higher ang IQ ko. Sadyang gusto ko lang na pahirapan ang lola ko na biglang kumuha sa akin matapos ang ilang buwan na pananahimik ko dahil sa pagkawala ng mama at papa ko.

"Miss Valdemor, you are free to answer your exam." Sansala ni madam principal.

Ibinaba ko ang hawak na gabuntok na papel saka nilingon siya. "I already answered them Ma'am."

"I know." Ipinagsalikop niya ang mga kamay sabay tukod ng dalawang siko sa mesa. Ang baba naman niya ay kanyang inilapat sa likod ng kanyang palad.

E alam naman pala. Bakit kailangan ko pang ulitin?

Nadagdagan ang pagkakakunot ng noo ko nang titigan niya ako na tila inaarok ang buo kong pagkatao. "I still need to check if you didn't fake your exam. "

"What do you mean by that ma'am?" I frowned.

She shrugged her shoulders. "The last time you take your exam, we've told you that the passing score is fourty percent."

"Yes ma'am." I nodded. "And I've got the exact forty percent."

Sinadya ko na paabutin sa porsiyento kung saan makakapasok ako. Hindi na ako nagbalak na humigit pa dahil ayaw kong matuwa ang matandang iyon. Galit pa ako sa kanya dahil sa panlalait na natamo ko. Kung hindi lang siya ang kahuli-hulihan kong pamilya at kung hindi ako kinuwentuhan ng mama ko na nang nabubuhay pa ito, na kailangan kong magpakabait sa lola ko. I never knew that she's this arrogant. Kaya naman pala iniwan ng mama ko ang marangya niyang buhay kasi ang panget ng ugali ng mama niya.

Bweno, kung hindi dumating ang matandang iyon, marahil gaya ng dati tumigil na rin ako sa pag-aaral at gawing miserable ang buhay ko. Everything is ruined when I lost my Mom and Dad. All of that is my fault. Walang anumang naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko parin magawang layasan ang masakit kong nakaraan.

"That's the problem Miss Valdemor." May ngiting biglang gumuhit sa gilid ng labi ng principal saka itinulak pabalik sa akin ang gabundok na papel. "This time let me change the rules."

"What is it ma'am?" Napatuwid ako ng upo. Sa ipinapakita niya sa akin, tila may balak siya na hindi ko magugustuhan.

"First, the percentage that we will use is not forty percent. Instead, It's going to be eighty percent now."

"Ma'am!" Namimilog ang mga matang napatayo ako at tinitigan siya ng buong sama. Hindi na ito makatarungan. Hindi naman sa nahihirapan ako kaso wala akong balak na magmayabang dito. Kakabalik ko lang sa pag-aaral. Hindi ako naging tambay ngunit mahilig na akong umeskapo at mag-cutting classes. I never intend to study. I don't want to, but I don't have a choice at all. I have to follow what's my granny tells me.

"If you didn't pass the exam, then you are free to leave this school." walang anumang sabi ng principal saka mataman akong tinitigan.

Ako? Palalayasin? May tuwang gumuhit sa labi ko. Ito naman talaga ang plano ko mula sa umpisa. Ang mapatalsik sa school ng mismong principal. Isa itong malaking kahihiyan sa lola ko kaso naalala ko ang babaeng  naka-green na ribbon. Nangako ako sa kanya na tutulungan ko siya sa kanyang problema. Oras na sadyain ko na gawing forty percent ulit, tiyak na mapupurmada ang pangako ko. Hindi ako pinalaki ng mama ko na tumatakas sa mga pangako. Hindi ako ganoong klaseng tao.

The Class S Students DareWhere stories live. Discover now