Chapter 1

2.4K 15 0
                                    

CHAPTER I

Siyempre, may once upon a time…


ANG pinakamahirap sa pananatili sa isang saradong silid na may apat na sulok ay ang pananatili sa isang saradong silid na may apat na sulok. Iyon ang laman ng isip ni Will habang nililibot ng paningin ang classroom na kinaroroonan niya sa Divine Light Academy. Sa kanan niya ay ang bintanang parang iniimbitahan siyang lumabas. Sa kaliwa niya ay ang kaklaseng busy rin sa lahat ng bagay na walang kinalaman sa kasalukuyan nilang lecture sa World History---may nagliligawan, nagkukutkot ng blackheads, gumagawa ng assignment sa ibang subject at may CR nang CR.

Sa harap nila ay ang gurong si Mr. Morales na mas ancient pa kaysa sa itinuturo nito. He should retire. He was bald and boring. And the subject didn't make sense, like its teacher. Magiging makabuluhan ba siyang nilalang sa hinaharap kapag nakabisado niya ang lahat ng giyera sa isang milenyo at ang lahat ng pangalan ng mga mamamatay taong sumikat dahil doon?

Trapped, that's what he felt like. Like a fish in a bowl. Bird in a cage. Poop in the toilet.

In Divine Light Academy, there were no classrooms, just prison cells. No teachers, just jail wardens. At lahat silang mga estudyante ay nag-aabang lang makalaya. Hindi na siya makapaghintay na magkolehiyo. College boys are freer. Palagi niyang gustong may ibat-ibang lugar na pinupuntahan at ibat-ibang bagay na nakikita. Ang daigdig ay ginawa para libutin niya.

Ang totoo niyan, kahit saan naman siya mapunta ay trapped pa din ang pakiramdam. Their home wasn't any better lalo't nasa US ang mommy niya at may kailangang asikasuhin doon at naiwan siya sa pangangalaga ng daddy niya. He missed his mom. Ang ama niya ay si Willbert Capistrano Sr., incumbent governor and also, the worlds biggest douche bag. Corrupt ito, babaero, mandaraya sa eleksyon at higit sa lahat, walang alam sa pagiging ama. Arranged marriage lang ang dahilan kung bakit ito pinakasalan ng mommy niya. At kapag nag-aaway ang dalawa na siyang madalas mangyari, sperm-donor ang tawag dito ng mommy niya. Bata pa siya ay mulat na siya sa katotohanang walang tunay na pag-ibig na namamagitan sa dalawa.

Sa opinyon niya, hindi talaga marunong magmahal ang daddy niya. Someday some bigshot cardio surgeon would open his chest and find out that he doesn't have a heart, just a stupid machine pumping blood to his body.
Buti na lang at hindi siya nagmana dito. Kamukha niya kasi ang ina. Hindi rin sila magkaugali ng ama. Their personalities are night and day. At mission in life niya na gawin ang lahat ng magpapasakit ng ulo nito. Like cutting classes. Hindi naman iyon malalaman ng mommy niya dahil alam niyang mahihiya ang amang sabihin iyon dito. It would make his father look weak, like he couldn't control him. Nang mag-bell ay hindi siya nakipag-unahang lumabas para makapag-recess.

"Tara na, Will", anyaya ni Ayie, kaklase niyang anak ng Japayuki. Nasa likod nito ang mga kaibigan na ang mga magulang ay nagtatrabaho din sa ibang bansa.

“Sige, una na kayo." Wala naman siyang balak mandamay ng ibang tao just in case mahuli siya. Tumango ito at nauna na.

“Hindi ka ba magre-recess?" Usisa naman ng katabi niyang si Allison, volleyball team captain at alam niyang lesbian pero hindi pa umaamin.

Ngumiti siya. "Hindi na siguro. Busog pa ako eh."

Allison shrugged and left him alone. Ilang kaklase pa ang dumaan sa desk niya at niyaya siyang lumabas pero tinanggihan niya ang lahat ng iyon. Nang sa wakas ay mabakante ang corridor ay saka siya lumabas. Imbes din na sa harap ng cafeteria ay sa likod siya niyon dumaan. Natagpuan niya ang sariling ilang hakbang lang ang layo mula sa second gate ng school sa likod. He hid behind the bushes and waited. Isang guwardiya lang ang nagbabantay doon, si Mang Pete, isang bigotilyong biyudo. And he had a bladder problem. Ihi ito ng ihi.

The Third WillWhere stories live. Discover now