Ikadalawampu't dalawang Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Mamaya ka na manugod, oy. Magsisimula na sila, oh." Sambit ni Leila at tinuro sina Vin. Totoo nga iyon dahil nakaupo na si Vin sa harap ng drums. Nagsimula silang tumugtog habang nakikisabay lang ako sa ibang kanta na alam ko.

~Tonight we'll dance
I'll be yours and you'll be mine
We won't look back,
Take my hand and we will shine
Oh, oh, oh
She needs a wild heart
She needs a wild heart
I got a wild heart~

Nagheheadbang na kami at pati na rin sina Amarie ay ganoon habang tuwang-tuwa. Nagcheers kami at maya-maya pa'y naging tipsy na ang iba, pati ako. Alam ko pa naman ang ginagawa ko kaya tumayo ako at hinila sila habang sumasayaw-sayaw. Kumanta-kanta rin kami habang sinisigaw iyong lyrics.

~I saw it coming, from miles away
I better speak up if I got something to say
'Cause it ain't over, until she sings
You had your reasons, you had a few
But you knew that I would go anywhere for you
'Cause it ain't over, until she sings~

"More than you know!" Sigaw ko habang nakaakbay kay Amarie at tumatalon-talon na. Mukha na kaming mga lasing pero okay pa naman kami. Tawang-tawa kami at patuloy lang sa pagkanta. Napatingin ako sa harap at nakitang nakangiti si Vin habang nakatitig sa'kin kaya ngumiti ako sa kanya at nagflying kiss. Umakto siyang gulat at tumawa na lang pagtapos. Natawa na rin ako at tumuloy sa pagkanta at pagsasayaw. Nang matapos sila ay dinumog kaagad sila noong pababa ng stage. Napailing ako at nanatiling umupo kaso tumili na naman iyong babae kanina.

Tumayo ako at lumapit sa pwesto nina Vin. Hinawi ko iyong babae pero
hindi siya nagpatinag at hindi man lang ako nilingon. Nairita ako saglit dahil sa ginawa niyang 'yon pero nanatili akong nakatayo at nakakrus ang mga braso roon habang nakasimangot. Hinihintay kong makalapit si Vin sa'kin pero mukhang hindi siya makaalis doon pati na rin ang ibang mga kabanda niya. Napangiwi siya lalo na noong tanungin ng babae na kanina ko pa kinaiinisan.

"May girlfriend ka na ba? Kung wala, pwede namang ako na lang!" Sigaw ng babae kaya napangiwi ako dahil sa lakas noon. Napakunot ang noo ni Vin at naiiling na ngumiti. Nang makita ko siyang palapit na ay agad akong naglakad ng mabilis papunta sa kanya at sinabit ang braso ko sa leeg niya.

"It's me, I'm the girlfriend." Taas noo kong sabi. Nginitian ko si Vin at napatulala pa siya saglit sa'kin habang hawak ang bewang ko. Nakatingkayad pa ako dahil hindi ko naman siya abot. Binaba niya iyong braso ko at inalalayan ako papunta sa table namin. Kinindatan ko iyong babae na halatang iritang irita na sa akin. Matagal na rin namang kumakalat ang chismis tungkol sa'ming dalawa, ah? Ba't parang gulat na gulat pa siya?

Pinaupo ako ni Vin sa upuan ko at lumuhod siya sa harap ko. Titignan ko sana sina Leila kaso wala na sila roon kaya inikot ko pa ang paningin ko. Hindi ko na sila makita. Iniwan na naman yata ako.

"Bakit ka nandiyan? Tumayo ka nga." Sabi ko kay Vin nang makita na nakaluhod pa rin siya sa harap ko at nakayuko sa may hita ko. Kinalabit ko siya kaya napaangat ang tingin niya sa'kin. Mapungay ang mga mata niya at parang paiyak na kaya nagpanic ako at hinila siya palapit.

"Uy, Vin?" Nilagay ko ang mga palad ko sa pisngi niya at hinaplos iyon. Hinawakan niya iyon pareho at napapikit.

"Girlfriend na ba talaga kita?" Seryosong tanong niya sa'kin habang deretsong nakatingin sa mata ko. Natawa ako dahil mukha siyang kinawawang bata. Natahimik ako nang makita na seryoso pa rin siya ro'n. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Ayaw mo ba?" Pang-aasar ko pero agad siyang napailing. Tahimik pa rin siya kaya tumayo ako at ganoon din siya. Niyakap ko siya agad at mahigpit niya akong niyakap pabalik. Natawa ako dahil ang laking tao nito at ang bad boy pa ng datingan pero ang lambot ng personality niya.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now