Napailing nalang ako sa sarili at tinuloy ang paglalakad. Agad na pinuntahan ko muna si manang sa kwarto nya.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pihitin pabukas ang pinto.

"Ija?" Bungad nya saakin na mukhang inaabangan talaga kung sino ang sisilip sa pinto.

Agad na lumawak ang ngiti ko at tuluyan akong pumasok sa loob.

"Manang! Na-miss kita!" Sabi ko at niyakap sya nang sobrang higpit.

"Sinasabi ko na nga ba at ikaw iyan..." Sabi nya at sinuklian ako ng yakap.

"Sino pa bang iba manang?" Natatawang sabi ko.

"Nitong nakaraang gabi kasi, may nararamdaman akong ibang presensya sa labas ng pinto ko." Sabi nya na ikinabitaw ko sakanya.

Mataman akong napatingin sakanya.

"Ho? Baka sina Mari lang yan manang..." Sabi ko na ikinailing nya lang.

"Ay nako, baka nga. Nga pala, Kitheia ang ngalan mo diba?" Sabi nya na sinuklian ko ng tango. Nakalimutan ko palang magpakilala sakanya...

"Opo. Sige manang, doon nuna ako sa kwarto ko. Papahinga lang." Sabi ko at muli syang niyakap bago tuluyang lumabas ng silid.

Siguro, sa susunod ko na bibisitahin si Mari.

Tumungo na ako sa ikalawang palapag at dumiretso sa kwarto ko. Pagkapasok ko palang ay agad na akong nahiga sa kama.

Napabuntong-hininga nalang ako.

'Chance mo na yun tumakas Kitheia...' bulong ng utak ko pero agad akong umiling.

Tapos na yon. Dumaan na kaya wag nang balikan. Isa pa, hahanapin ko pa ang mate ko. At nararamdaman kong malapit ko na syang makilala. Hindi dahil sa gusto ko syang makilala, pero kailangan eh. Para sa buhay ko.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para i-relax ang sarili. Pero hindi pa man nagi-isang minuto, agad na akong napadilat.

Luna... Ano kayang ibig-sabihin non?

Napabalikwas ako ng bangon atsaka lumabas ng bahay. Ngayon naman, sa front yard ako pumunta. Sa may fountain na nasa harap lang ng gate ng bahay.

Himala nga at wala ang mga taong naka-itim dito.

Naupo ako sa gilid ng fountain at sinilip ang sarili ko sa tubig.

"Kamusta na kaya si Janelle..." Bulong ko nalang sa sarili.

"Psst."

Nagpalinga-linga ako sa paligid nang bigla akong makarinig Ng sitsit. Hinanap ng mata ko kung kanino nanggaling iyon.

"Psst!"

Napadako ang tingin ko sa may gate nang may makitang pigura doon. Pinanliitan ko ito nang mata at minukhaan.

Kinawayan naman nya ako dahilan para makilala ko sya.

"Cheous!" Banggit ko sa pangalan nya atsaka naglakad palapit sa lugar nya.

Nakatayo sya sa labas ng gate na ngayon ay nakapamulsa na. Saan saan nalang sumusulpot ang lalaking to.

"Nandito ka? Sumunod ka ba saamin pauwi?" Tanong ko sakanya nang huminto ako sa tapat nya.

"Nope. Nagkataon lang na tapos na ang trabaho ko kaya umuwi na rin ako." Sagot nya na ikinatango ko.

Pero teka? Saan ba ang bahay ng lalaking to?

"May gagawin ka ba?" Tanong nya na ikinatingin ko sakanya. Agad akong umiling bilang sagot.

"Wala. Bored na nga ako eh." Sabi ko sakanya na lumawak ang ngiti.

"I know a place." Sabi nya na ikinataas ng isang kilay ko.

"Saan?"

"Come with me."

Nagdalawang-isip pa ako na sumunod sakanya, pero in the end, narito ako at hila-hila ang dulo ng jacket nya.

"Naka-lock ang gate..." Sabi ko.

"Hindi problema yan."

                *            *            *

"Aray!" Reklamo nya nang maapakan ko na ang likuran nya.

"Wag kang magreklamo dyan! Idea mo to!" Inis na bulyaw ko sakanya habang hirap na hirap na sa pagkapit sa mga bato nitong pader.

Hinawakan nya ako sa may paa at saka inalalayan sa balanse.

"Sandali..." Nahihirapang sabi ko.

At nang makabwelo, agad akong tumalon paibaba. Bahagya pa akong natapilok pero agad nya akong napigilan.

"Careful." Sabi nya na ikinatango ko lang.

"Teka... Aakyat ba ulit ako para pumasok? Ayoko na!" Pagod na sigaw ko.

Natatawa syang nagsimulang maglakad na ikinasunod ko sa likod nya.

"Well, pwede namang dumaan ka nalang sa gubat na konektado sa hardin. Mas madali yon." Chill na sabi nya.

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo at lumabas yon bilang usok sa ilong ko.

Inis na hinapas ko sya sa likod na natatawang ikinalingon nya saakin.

"What?!" Tanong nya nang masalubong ang masama kong titig.

"Pinahirapan mo ko! May daanan naman pala doon!" Sigaw ko sakanya.

Ako namang tanga! Hindi rin yon naisip!

"At least we had fun!" Sabi nya na ikinailing ko.

"It's not WE. Ikaw lang ang masaya." Sabi ko at padabog na sumunod sa likod nya.

Pero agad kong naalala ang mga lobo na nakalaban namin, I mean nila noong nakaraang gabi. Napatigil ako sa paghakbang dahil don na mukhang napansin nya naman.

Nagtatanong nya akong nilingon.

"Ano... Baka may mga lobo nanaman na umatake saatin..." Sabi ko na iniisip nalang na bumalik.

Pero sinuklian nya ako ng ngiti na parati naman nyang ginagawa. Oo na, sya na may matandang ngiti.

Pero mas maganda pa rin ang ngiti ni Deus--- wait, what?

"Don't worry. We're safe in the place I know. At kasama mo naman ako, so no worries." Preskong sabi nya na ikinairap ko na lang.

Tumigil sya sa paghakbang at nakangiti akong hinarap na ikinatingala ko sakanya.

"The place I know will really make you happy. I promise that." Sabi nya na pinagmamayabang talaga ang lugar na sinasabi nya.

Nako! Siguraduhin nya lang! Pinaghirapan kong maka-akyat sa malaking gate na iyon. Dapat lang na worth-it ang pupuntahan namin.

Ilang segundo kaming nagtinginan bago nya ilahad sa harapan ko ang kamay nya.

"Let's go, little kitty."

Inis na tinapik ko lang ang kamay nya at agad syang inirapan bago nagpatiuna sa paglalakad. Rinig ko ang mahinang tawa nya bago sumabay saakin.

"Sa bahay mo ba tayo pupunta?" Taas-kilay na tanong ko.

"Nope. We're going somewhere, even more beautiful than my house."

Napatingin ako sakanya na ngayon ay diretso lang ang tingin sa daan. Napakibit-balikat nalang ako.

Talaga lang ah...

-----

Sold to an AlphaWhere stories live. Discover now