52. Change Status

641 15 1
                                    

Chapter Fifty Two
Change Status

NASA loob ng umaandar na sasakyan ang bagong magkasintahan pabalik ng Manila. As usual si Brent ang driBear at katabi ang naka hoodie jacket pa ring si Reg habang nakatanaw naman sa mga view sa kanyang kanan.

"Hon," mahinang tawag ni Brent sa kanya.

Napalunok naman s'ya ng laway. Bagaman narinig niya iyon ay hindi siya lumingon. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala at hindi pa sanay na may tumatawag sa kanya ng gano'n.

"Hon," tawag ulit ng binata na medyo nilakasan pa ang boses.

Patay-malisya siyang lumingon dito. Gusto niyang matunaw sa kinauupuan nang ngitian siya nito. S'yempre nakita na naman n'ya ang pamatay nitong dimples.

"Bakit ba? 'Wag mo na nga akong tingnan. Sa kalsada ka tumingin," reklamo niya.

Naiilang kasi siya. Wala s'yang kaayos-ayos. Sobrang biglaan ang lahat ng nangyari. Hindi niya napaghandaan maging ang pagkakaroon niya ng nobyo.

Ano bang date ngayon? Ay dapat ba kagabi? Kagabi nga pala kami naging official. March 9.

Napangiti na s'ya nang makitang nag-focus na sa kalsada ang nobyo.

"Naalala ko lang. Kailan pala tayo pupunta sa bahay niyo para i-announce sa kanila na tayo na?" tanong ni Brent na pinasadahan s'ya ng tingin bago tumingin ulit sa kalsada.

Napalunok na naman s'ya ng laway. Sa simpleng nagka-boyfriend s'ya ang dami agad maaapektuhan. Parang ang daming nagbago. Pero masayang pagbabago.

Lihim s'ya ulit na napangiti.

"Bukas kung gusto mo. After school sunduin mo 'ko. Punta tayong Cavite."

"Okay," sagot nito sa kanya.

Hindi na ito lumingon pa bagkus nakita lang niya ang pagngiti nito habang naka-sideview. Mula noon ay hindi na n'ya inalis ang mga mata sa nobyo n'ya.

Mas maganda ang view na ito rito sa kaliwa.

"Hon, 'wag mo 'kong tingnan. Nako-conscious ako. Baka hindi ako makapag-drive nang maayos n'yan," nangingiting wika nito nang hindi s'ya tinitingnan.

"Tse!" pagsusuplada n'yang sagot sabay lingon sa kabila na natatawa naman.

Doon lamang s'ya tiningan ng binata na natatawa rin. At ito'y mabilis nang pinatakbo ang sasakyan.

~~

IPINARADA ni Brent ang sasakyan sa labas ng paaralan. Hinatid nito ang nobya na busing-busy naman sa facebook.

"Ano ba 'yan? Patingin nga," nakisilip si Brent sa ginagawa ni Reg at ito ay natawa. "Papalitan mo na ang status mo? Maganda 'yan."

"Mamaya na lang. Late na ako," aniya.

Itatago na sana n'ya ang cell phone nang agawin nito ito sa kanya ng nobyo. Sa bilis nitong kumilos ay nagulat na lamang s'ya at wala ng nagawa.

"Kapag binago mo ang status mo at naisipan mong magpalit ng profile picture. Ito ang gamitin mo," anito sabay tabi ng mukha sa kanya.

Kumuha ito ng selfie nila sa loob mismo ng sasakyan.

"Hays! Ano ba 'yan? Ngumiti ka naman, hon."

At dahil gulat nga s'ya sa mga pinaggagawa nito ay gulat din ang mukha niya na rumehistro sa photo. Malaki ang mata at nakanganga.

Ngunit muli'y nagtabi ang mga mukha nila. Nakita niya sa reflection ng camera ang magandang ngiti ng kanyang nobyo kaya napangiti na rin s'ya.

"Okay. Maganda." Isinauli na nito sa kanya ang cell phone. "So, pano?" Inayos nito ang buhok n'ya na mula tuktok ay hinagod pababa. "Kahit anong mangyari hintayin mo 'ko mamaya. Okay?"

I Got You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon