pagsabi ni Manang ng pangalan ng ospital, tumakbo na ko papunta sa kotse ko.

"Zeke wait!!"

sht! Si Trixie pa nga pala.

Nilingon ko muna siya. "Trixie, I'm sorry. I need to go. Yung sasabihin mo, uhh.. Next time na lang" at sumakay na ko sa kotse. Pinaharurot ko ito para mabilis akong makarating sa ospital.nyemas! Baka wala na kong abutan. 

[hospital]

"nasan si Yannie?" agad kong tanong nung makita ko si Manang, si Seth at si Monica na umiiyak.

"nasa operating room pa siya hijo." sabi ni Manang na umiiyak.

"ano bang nangyari? Alam na ba to ng Daddy niya?"

"isa pa nga yun eh, nung malaman niya yung ginawa ni Yannie, inatake siya sa  puso. wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. "

nyemas! Bakit ganito? Ok pa naman lahat bago ako umalis ah. 

"ano bang nangyari?" tanung ko.

"tinangka ni Yannieng magsuicide" sagot naman ni Seth.

"what?? Nyemas!! Wag nga kayong magbiro ng ganyan. Bakit naman niya gagawin yun?"

"di ako nagbibiro."

yun lang ang sagot ni Seth.

"zeke. Totoo yung sinasabi niya. Umiiyak si Yannie na umuwi. Tapos nung tatanungin na sya ni Elsa kung anong gusto niyang kainin, walang sumasagot sa kwarto niya. Kaya napilitan kaming kunin yung spare keys. nakita na lang namin sya na nasa sahig at yung bote ng sleeping pills ata yun"

Lechugas!! Ano bang naisip ni Yannie at ginawa niya yun. Wala akong makitang dahilan. Okay naman na kami kanina bago ako umalis papunta sa meeting eh.

"ano ba kasing nangyari?"

"zeke--" naputol yung sasabihin ni Monica ng saluhin siya ni Seth.

"di namin alam kung anong nangyari."

napahawak na lang ako sa batok ko sa mga nangyari. Dalawang tao na mahalaga sa buhay ko ang nakahiga ngayon dito sa ospital. Gano ba kahaba ang isang araw para mangyari lahat ng to?

[Trixie's POV]

tinignan ko yung orasan sa side table ko and it flashed 3:15am. Madaling araw na pero parang walang pag-asa na dalawin ako ng antok.

Kinuha ko si Mirmo sa tabi ko at niyakap ito ng mahigpit.

He's alive. I can't believe it. Wala pa kong pinagsasabihan na kahit sino sa nalaman ko. I want him to know first. Gusto kong makita yung reaksyon nya. 

I can't help but to smile with the thought that he still finds me attractive kahit di niya ko matandaan. 

I attempted many times to do it but I always end up putting my phone on it's place. Baka kasi tulog na sya.

Pero sige na nga. Pagtapos ng dalawang ring, pag hindi niya sinagot, ibig sabihin tulog na sya.

I was surprised na pagtapos ng isang ring, sinagot na nya yung phone.

[hello?]

"Zeke, bakit gising ka pa?"

[ikaw bakit di ka pa tulog?you should be sleeping right now.]

"wag mong ibalik sakin yung tanong."

[fine. Nandito ako sa ospital]

"ospital?"

[oo. Sinugod si Yannie dito kanina. Pero ok na sya. Hinihintay na lang syang magising. Pero yung Daddy niya, wala pa kaming balita]

"bakit anung nangyari?" 

[di ko din alam kung ano talagang nangyari. Pero sabi nila.. Yannie committed suicide]

nabato ako sa narinig ko. Dahil ba yun sa nangyari kanina? Ganun ba talaga kahalaga sa kanya si Zeke? First time kong makakilala ng taong sobrang desperada para gawin yun. 

[I'm sorry for what happen earlier. Naiintindihan mo naman yung sitwasyon diba?] 

"yeah. We can talk about that some time"

[okay. Get some sleep Trixie. Alas tres na oh.]

"you should sleep too"

[fine. Goodnight. Dream of me. I love you]

i love you? I love you daw?

"pakiulit"

gulay! Biglang lumabas na lang yung salitang yun. Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya.

[i love you. I love you. I love you. Oh tatlo na yan imposibleng di mo pa naintindihan]

>///< buti na lang walang salamin dito kundi makikita ko yung mukha kong kulay strawberry na.

"i love you too" I replied with hestitation. Kasi alam kong si Lance tong kausap ko.

[that's good to hear. Ibaba mo na.]

"goodnight" at inend call ko na.

Kakalimutan ko muna si Yannie ngayon. Bukas ko na siya kakausapin.

**

lumilipad yung katawan nung  Pumasok ako kinabukasan dahil sa sobrang antok. Two hours sleep is not healthy I guess. Dagdag mo pa yung dalawang tao na kanina pinaparing yung cellphone ko.

Argh! Ayoko muna silang makausap. I felt betrayed really. Kung ano man yung rason nila for not telling me the truth, ayoko munang marinig yun. Kung gano na nila katagal alam yun, ba malay ko din.

After a series of phone calls from Seth and Monica, narealize siguro nila na ayoko silang kausapin kaya nagtext na lang si Monica. Saying sorry at pangalan ng ospital asking me to visit Yannie.

Tingin ko rin kaylangan naming mag-usap.

Pagkatapos ng trabaho, I'll pay her a visit.

[hospital]

wala akong dalang kahit ano maliban sa sarili ko. I'm still mad at her. Pero at the same time, nagiguilty ako. Kung di sya nakasurvive, habambuhay kong sisisihin yung sarili ko sa nangyari.

Nagulat ako nung may commotion dun at parang nagkakagulo yung mga nurse.

"miss excuse me, ano pong nangyayari?" tanong ko sa isang nurse dun.

"eh kasi po yung patient namin dito na nagcommit ng suicide. Ayun, nawawala. Naku! Baka tuluyan na niya yung sarili niya." tarantang explanation sakin nung nurse.

"si Ms. Andrada?"

"opo"

the next thing I know ay tumatakbo na ko papunta sa unang lugar na naisip ko. 

Nyemas! Di ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa si Yannie. Bakit nya ba to ginagawa? Ganun ba sya kaobssess kay Lance para kitilin niya sarili niya. Di niya ba alam na maraming tao ang lumalaban para lang mabuhay? Tapos sya naman tatapusin nya lang ng ganun ganun lang? She's really hopeless.Para lang sa lalaki? Takte! Ilang million ba ang lalaki sa mundo. tapos magpapakamatay siya para lang sa isa? 

--

to be continued. 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now