Fear no More

63 6 4
                                    

Caveat: Fear no more…

Huminga ako nang malalim bago tumalon ako mula sa bintana hanggang maabot ko ang baba.

Yes! Nakatakas na ako. Phase one pa lang ito ng plano, ang makaalis sa loob ng mansion.

Patago akong tumakbo papunta sa isang bahagi ng hardin namin. Umakyat ako sa puno hanggang marating ko ang taas ng bakod.

Kaonti na lang, makakatakas na ako. Kaonting tiis na lang.

Nakasampa na ako sa tuktok nang marinig ko ang ilang kaluskos.

Jeez! Alam na nila na tumakas ako.

Walang lingun-lingon, tumalon ako sa kabilang side. My dreams came true! I’m free!!!

 

“Patrol 1, nakatakas si Seven! I repeat, nakatakas ang Caveat,” rinig kong saad nung isang patroller sa isang tabi. Buti nakatago kaagad ako sa may bush.

Kaasar! May tatlo pang gate pa akong lalampasan! Nakakaasar, sobra!

Gumapang ako nang dahan-dahan upang hindi nila ako mahuli. Kapag tumatapas sa tinataguan ko ang ilaw, tsaka lamang akong hihinto.

“Hawk 1 and 2, tingnan niyo east isle. Tomcats, doon kayo sa west side.”

“Roger that,” sagot nung lalaki na nasa unahan ko. Kaunting kaluskos lang ay lagot ako.

Nakalayo na siya nang kaunti sa akin nang mapakan ko ang isang twig sa tabi ko. Siyete, lagot na.

Caveat:Fear no MoreWhere stories live. Discover now