Ang Jersey

436 12 0
                                        

Kinabukasan ay gano'n din ang nangyari. 'Pag daan ko sa guard house ay binati ko uli si Manong guard.

"Good morning, Manong," sabi ko sa kanya kasabay ng matamis na ngiti.

"Good morning," sagot niya sa akin na may kasama ring maaliwalas na ngiti wari ba ay buo ang tulog niya kagabi.

"Ay, Mariz..." ay, manong! Gusto niyo ho ng memo plus gold?

"Clarisse ho," paglilinaw ko for the nth time. May problema ba si Manong sa memorya?

"Ay, Manong, may jersey po dito oh, may naka-iwan po yata," binuklat ko ang jersey, sa harap ay nakatahi ang pangalan ng school namin at pagbaliktad ko ng nasabing damit, muntik ko nang mabitiwan.

"Garcia, number 1," basa ko sa nakasulat.

Jersey ni Daniel! 'Di ako puwedeng magkamali dahil sa kanya 'to. Lagi akong nanonood ng mga basketball games niya, number 1 talaga siya sa puso ko, ah este, sa basketball varsity team.

Sa dinami-rami ng makaka-iwan siya pa. Suwerte ko naman! Hindi ko mapigilan mapangiti dahil may pagkakataon na uli ako para makausap siya. Dahil sa pagbabalik ko sa kanya nitong jersey shirt niya, mapangingiti siya kahit paano.

Ano kayang mangyayari? Lokohin ko kaya si Daniel na ilibre ako ng burger dahil ibinalik ko sa kanya 'yong damit niya? Ah, baka mainis pa 'yon, 'wag na kaya!

"Manong, ako na ho magbabalik nito, ha?" paalam ko kay Manong guard at hindi na binitiwan ang jersey.

"Sige, ikaw ang bahala," sabi naman niya matapos magkibit balikat.

Bumalik ako sa classroom, hindi pa naman oras ng klase kaya naisipan ko munang pumunta sa classroom nina Daniel para ibalik ang na-iwan niyang gamit.

Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Hindi siya pumasok? May sakit ba siya? Kumusta kaya si Daniel? Naku, sana, okay lang siya.

"Excuse me, Angel," sabi ko.

Si Angel 'yong kaklase ko no'ng second year kami pero ngayong third year na kami, kaklase naman niya si Daniel. Halos lahat yata ay kaibigan niya sa batch. Miss friendship siya!

Number one chismosa rin kasi at bukod do'n, 'friend' ang tawag niya sa lahat ng nasa batch namin.

"Oh, bakit friend?" tanong niya nang humarap siya sa akin.

"Pumasok ba si Daniel?" tanong ko. Nag-iisip na kung may nangyari bang hindi maganda sa crush ko. Sana naman okay lang talaga siya.

"Naku, friend, excuse siya at lahat ng mga varsity players kasi may district meet," sabi naman niya at napatingin pa sa jersey na aking hawak kaya itinago ko kaagad sa likuran ko. Baka kung ano pang isipin niya at makuwento pa sa iba.

"Ah, gano'n ba? Hanggang kailan daw 'yon?" tanong ko sa kanya. Nag-isip siya nang sandali tapos sinagot din niya ang tanong ko.

"Ang pagkakaalam ko hanggang Saturday. Balik na sila ng Monday," sabi pa niya.

"Ah sige, salamat," pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa classroom ko at umupo sa silya habang naghihintay na magsimula ang klase.

Author's Note:

Kalimutan n'yo na lahat, 'wag lang ang pag-vote sa chapter na ito. Haha!

MANONG GUARD: One ShotWhere stories live. Discover now