"Good morning, Manong," sabi ni Daniel kasabay ng isang saludo nang dumaan siya sa gate ng pinapasukan namin na eskuwelahan.
"Good morning," sagot naman ni Manong guard.
Kasunod lang niya akong pumasok sa gate at napakagandang simula ng umaga dahil siya agad ang bumungad sa akin.
"Good morning, Miss," sabi ni Manong sa akin.
Hindi pa naman gano'n katanda si Manong guard. Kung tutuusin, parang wala pa siyang 30.
Matagal na rin siyang guard dito sa school namin kaya naman marami na rin ang nakakakilalang estudyante sa kanya at isa na ro'n ang aking crush na si Daniel.
Magkaklase kami ni Daniel no'ng grade 4. Naalala ko pa na ipinagtanggol niya ako sa mga ka-batch namin na bully.
Mula no'n ay naging crush ko na siya dahil para siyang si Ironman, ang aking tagapagligtas.
Ewan ko nga ba kung natatandaan pa niya ako pero 'yong ginawa niyang 'yon para sa akin ay hinding hindi ko malilimutan.
Nakakainis kasi mula no'n ay hindi na uli kami naging magkaklase. Kaya hanggang tingin na lang ako at nood ng mga basketball games niya.
Maka-shoot man siya o hindi ay masaya ako. Para nga akong ewan e. Grabe ang hiyaw ko para sa kanya.
Todo support, talo ko pa ang girl friend sa pag-support sa kanya. Eh ano bang masama? Ka-batch naman!
Hindi ko naman talaga mapapansin si Manong guard kung hindi dahil sa kanya dahil araw-araw niya itong binabati at minsan pa nga ay inaabutan ko silang nagkukuwentuhan.
"Good morning, Manong," bati ko rin sa kanya.
Gumanti siya ng isang ngiti.
Author's Note:
'Wag kalilimutang mag-vote at comment. Salamat!
YOU ARE READING
MANONG GUARD: One Shot
Short Story'Yong eksena na parang hindi ka na nag-e-exist at maalala noong lalaki na nagtanggol sa'yo sa mga bully no'ng grade 4 pa kayo. Turns out to be your one and only crush na laging kausap ni Manong Guard dahil humihingi siya ng payo sa babaeng nagugustu...
