Siya Torpe? Imbento!

475 10 0
                                        

Break time namin kaya pumunta ako ng canteen. Namasyal nang kaunti tapos nagawi ako sa guard house.

"Manong, 'di ko yata kaya e," narinig kong sinabi ni Daniel na nakatambay sa may guard house na suot ang basketball varsity jersey uniform.

"Kaya mo 'yan," pagpapalakas na loob na sabi ni Manong guard na patuloy sa pag-check sa mga lumalabas at pumapasok ng school.

"Eh pano kung–" pinutol ni Manong 'yong sasabihin ni Daniel.

"Gawin mo muna tsaka mo na 'yan isipin," suhestiyon ni Manong sa kanya.

"Sige, Manong babalik ako mamaya, may practice pa kami," paalam ni Daniel at tuluyan nang umalis bitbit ang kanyang duffle bag.

"Sige," sagot ni Manong guard.

"Manong..." dahan dahan kong sabi nang makalapit ako sa kanya.

"Oh, miss? May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin.

E ang gusto ko lang naman talagang malaman ay kung ano ang pinag-uusapan nila ni Daniel, 'yon talaga. E paano ko ba 'yon sasabihin o tatanungin?

"Ah... manong matagal n'yo na po bang nakakausap ang kaklase ko na 'yon?" panimula ko. Medyo kinakabahan dahil baka makahalata siya sa interes ko.

"Si Gabriel nga ba 'yon?" tanong niya at wari ba ay nalito pa. Siguro ay dahil marami rin kasi siyang nakakausap na estudyante rito.

"Daniel po," paglilinaw ko sa kanya.

"Ah, Daniel, matagal na rin naman, dumaraan 'yon dito e 'pag vacant nila at 'pag tapos na ang klase at uwian na," kuwento ni Manong sa akin. Friendly siya kaya hindi na nakapagtataka kung bakit maraming estudyante ang dumadayo pa rito para makipagkuwentuhan sa kanya.

"Ano naman pong napagkukuwentuhan n'yo?" tanong ko uli sa kanya. Baka naman sagutin, gusto ko rin kasi talagang malaman.

"Ba't mukhang interesado ka sa kanya? Ano ngang pangalan mo?" sa akin naman nabaling ang usapan.

"Hindi naman po, lagi ko lang po kayong nakikitang magkausap no'ng kaklase ko. Ako nga po pala si Clarisse," paliwanag ko naman sa kanya at sana hindi siya makahalata sa tunay kong saloobin dahil baka lokohin pa ako ni Manong guard na crush ko si Daniel. Totoo naman pero kahit na! Baka mamaya sabihin niya pa niya mismo kay Daniel, lulubog talaga ako sa ilalim ng lupa sa sobrang kahihiyan.

"Ah, gano'n ba? 'Yong si Gabriel kasi napakahina ng loob," sabi naman ni Manong at para bang siya 'yong na-stress sa dati kong kaklase.

"Manong Daniel po, bakit naman po mahina ang loob?" tanong ko sa kanya.

"May gusto kasi siyang babae, eh hindi naman niya maligawan, torpeng bata," ha? Si Daniel, torpe? Totoo ba ang naririnig ko? Imbento yata 'tong si Manong guard. Sa dami ng nagkakagusto kay Daniel dito sa school magiging torpe pa ba siya? E parang kahit sino namang gustuhin niyang babae magugustuhan din siya.

"Talaga po, manong?" hindi talaga ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon.

"Oo nga, nagpapatulong nga sa akin e," sabi pa ni Manong at sa palagay ko hindi siya nag-imbento ng kuwento.

"Eh, ano pong sinabi n'yo?"

"Sabi ko maging tapat lang siya sa nararamdaman niya at 'yong babae na ang magdedesisyon do'n," Wow naman si Manong! Hanep sa mga advice!

"Ah, ano raw pong pangalan no'ng babae?" sino nga kaya 'yon? Kakalbuhin ko! Joke!

Author's Note:
Vote naman d'yan! Haha! Salamat!

MANONG GUARD: One ShotDonde viven las historias. Descúbrelo ahora