EPILOGUE

831 45 20
                                    

EPILOGUE


5 YEARS LATER

"Daddy is it okay if we'll go later to grandpy's house?"  Zion asked him with please-say-yes look.  Namimiss nanaman nito ang grandparents nito.

"Sure, son. But, eat your breakfast muna okay?" Sagot ni Zelo sa anak. Nakaupo siya sa living room habang nanonood ng news.

"Okay daddy!" Tuwang tuwa nitong tugon sakaniya at tumakbo na ito sa Dining Room kasama ang yaya. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang anak.

Habang lumalaki ang anak niya ay unti unting mas nagiging kahawig niya ito. Mag aanim na taon na ito sa makalawa. Parang kailan lang nung baby pa ito, sadyang kay bilis nga naman ng panahon. Sa limang taon na lumipas, maraming nagbago. Maraming hirap, sakit at saya ang kanilang naranasan.

Ngayon, isa na siyang ganap na arkitekto, may sariling hardware at isa naring contractor. Nakapagpagawa ng bahay at nakabili ng auto. Pinasok na rin niya si Zion sa isang nursery school.

Simula noong umalis siya sa bahay nila, 5 years ago, natuto siyang maging independent. Nagtagal siyang tumira sa parents ni Kiona habang nag woworking student siya para kahit papano may pang allowance siya at may panggatas ang anak. Mahirap, pero nakaya niya. Pilit niyang kinaya.

Hindi parin siya tanggap ng parents niya at ng simbahan. Ganon sila katigas. Pero ayos na iyon sakaniya, ginawa naman niya lahat para lang mapatawad siya.

"Daddy!" Napalingon siya sa kaniyang anak.

"Yes son?"

"Im done!" Tuwang tuwa pa nitong saad. "Can we go now?"

"Later son, maliligo pa si Daddy. Mag play ka muna sa room mo okay?"

Tumango naman ang anak niya. Masunurin ito at mabait. Siguro nakuha nito ang ugali ng kaniyang mommy. Sweet ang anak niya, magalang at masiyahin.

Inilibot niya ang paningin sa sala at nadako ang tingin niya sa isang painting. Gawa niya iyon. Family picture nila.

Buhay na buhay ang painting. Para bang totoo na nangyari ang nasa imahe. Ipininta niya si Kiona at isinama ang mukha nilang dalawa ng kaniyang anak. Ang painting na ito ay punong puno ng inspirasyon at pagmamahal.

Si Kiona parin talaga ang nasa puso niya magmula noon hanggang ngayon. Para bang ayaw na niyang mag asawa pa, gusto niyang inaalagaan nalang si Zion hanggang lumaki.

Maya maya pa ay umakyat na nga siya sa kwarto at nag bihis na. Talagang pupunta sila sa bahay ng parents ni Kiona ngayon. Bukod sa namimiss ni Zion ang lolo at lala niya, e ifafinalized na rin nila ang tungkol sa 6th birthday party ng anak.

Nalulungkot siya dahil sina Tito Tante at Tita Gressie lang ang kilalang grandparents ni Zion. Hindi pa kasi nito nakikita ang parents niya at ayaw rin ng mga ito na makita ang apo. Nakakalungkot dahil ang titigas ng mga puso ng parents niya.



***



"ZELO hijo, ano na? kailan ka mag aasawa?" Natawa si Zelo sa tanong ng tito Tante niya.

"Nako tito, yung puso ko, hawak parin ng anak niyo." Sagot niya. Totoo naman. Parang wala na siyang balak mag asawa pa.

"Hijo, huwag mong hayaang tumanda ka mag isa." si tita Gressie. Okay lang naman sakaniya iyon.

"Andiyan naman ho si Zion." Sagot niya. Napatingin siya kay Zion na mahimbing na natutulog sa sofa. Nakaunan ito sa mga hita ni tita Gressie. Napagod ito sa kakalaro.

"Tatanda rin si Zion at magkakaroon ng sariling buhay, hijo. Bata ka pa Zelo, hayaan mong buksan ang puso mo sa iba."

"Tita, kahit na anong bukas ko sa puso ko kung may nagmamay ari na nito, wala talaga e. Sinubukan ko naman po pero hindi nag work. Ang mommy lang talaga ni Zion ang nagpapatibok nito." Turo pa niya sa puso niya.

When I Die|COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu