May I have your attention please, all passengers traveling by South Korean Airlines flight ** *** Manila to Seoul are requested to board the flight through gate no. 1 Thank you.

Pareho ang number na binaggit sa ticket na hawak ko. Nagkatinginan kami ni andrew.

"You should go." Aniya.

Tumango ako at ngumiti. Hinawakan ko ang aking maleta.

"Thank you, andrew." Sambit ko.

Ngumiti rin siya at tumango. Marahang hinalikan niya ako sa noo saka tumingin sa mga mata ko.

"Mag iingat ka. Make sure he would take care of you. Kundi, aagawin kita sa kaniya." He joked.

Natawa kaming dalawa. I run my fingers through his hair like I used to, hinawakan niya ako para pigilan iyon dahilan para mapakunot ang aking noo.

"Stop it, I would surely miss it when you're away." Malungkot na saad niya habang nakangiti.

"Ah.. sorry." Saad ko.

Binaba ko na ang aking kamay saka kinuha ang maleta.

I hug him again and he did too. "I will miss you." Sambit ko.

"I surely do too." Sagot niya.

We waved our goodbyes before I started to enter in check point.

Bago ako tuluyang mawala sa paningin niya ay humarap ako sa kaniya at ngumiti sabay kaway. Napangiti siyang kumakaway rin.

Sa buong byahe ay nag soundtrip nalang ako at umidlip. Pagkagising ay naghanda na ang mga flight stewardess ng menu, tama si andrew dahil hindi ko bet mga pagkain ngayon.

Kinain ko nalang ang fast food take out na binili sa akin ni andrew. Ang dami pala nito, tingin talaga nun sakin ang takaw takaw ko. Bwiset siya.

Napailing nalang ako habang nakangisi.

"layla! nan dangsin-i geuliwoyo!" Layla! I miss you! Saad ni goo jo saka ako niyakap ng mahigpit.

Halos hindi ako makahinga at nakangiwi ako kay steven na nakangiti rin sakin. Paulit ulit sinasabi ni goo jo kung gaano niya ako ka-miss, saka ang ganda ganda ko raw lalo.

Mambobola ang babaeng ito, batukan ko kaya?

Sinaway naman siya ng kaniyang boyfriend. Ang ending, nag bangayan silang dalawa habang ako nakatingin lang sa kanilang dalawa habang nagpipigil ng tawa.

Aso't-pusa talaga ang dalawang 'to hanggang ngayon. Kaya nga sila nagkakilala dahil noong pabisi-bisita ni steven sa akin tapos pinagbabawalan siya ni goo jo kaya lagi silang nagbabangayan.

Pero natatawa ako pag naaala ko noong unang araw nila magkita ay nagwapuhan si goo jo kay steven at inaalam niya ang pangalan, si steven naman tinext pa ako at sinabing ang ganda daw ng bago kong amo na si goo jo, pero kalaunan naiinis na daw siya kasi suplada. Ewan ko ba sa dalawang yan.

Pero ang alam ko lang ay talagang nagmamahalan sila. Going strong parin kahit na puro lang sila bangayan.

Nagtext kasi ako sa kanilang dalawa na pupunta akong seoul. Kaya naman nag suggest na silang sunduin ako at mag get together daw kaming tatlo dahil 5 months ago ay hindi ko sila nakausap noong inimbita ko silang model ko sa anniversary celebration ng beau, maaga kasi akong umuwi 'nun.

Kaya naman nang magtext ako kanina ay ipina-cancel pa ni goo jo ang photo shoot niya dapat ngayon, si steven naman ay maagang nag out sa opisina. Sabi ko huwag na nilang abalahin ang kabuhayan nila para sa akin, kaso makulit talaga sila kaya wala na akong nagawa.

Your Maid [Completed]Where stories live. Discover now