Chapter 25: Kiss Me

143 1 0
                                    

Author Lomu's POV

"Na--nag lu--lu..to a--ako ng di--dinner..pa--para sa..yo" nauutal na Sabi ni JM na may halong pangamba sa boses nito.

Tiningnan niya ng matiim si sab na naka-upo lang sa kama ni troy at nakatungo ang ulo.

Napaisip siya.

Wala siyang dapat ipangamba.

Eh ano kung nahuli niya itong nasa kwarto ng boyfriend niya? At sa kama pa.

Wala naman itong ginagawang masama.

Pinilit niya na huwag mag-isip ng mga negatibong bagay tungkol dito.

Inayos niya ang kanyang sarili at lakas loob niyang hinarap ito.

"A..anong ginagawa niya dito?" tanong niya dito habang pilit niyang tinatago ang pangambang nararamdaman niya.

"Uhh..ahmm..ka..ka--" Sab habang nakatungo pa din.

"She's doing me a favor."-Troy.

Napatango na lang si JM bilang sagot. Iniiwasan niyang magsalita dahil baka kung anu ano na lang ang lumabas sa bibig niya.

Samu't saring emosyon ang nararamdaman niya. Pero nangingibabaw ang takot na nararadaman niya, dahil na rin sa alam niyang wala siyang karapatang makialam sa buhay ng nobyo.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo.

Kunot noong nilapitan ni JM ang lamesa sa gilid ng kama ni troy ng mapansing nakataob ang larawang inilagay niya dito.

Inayos niya yon at binalik sa puwesto.

Huminga siya ng malalim at hinarap ang dalawa.

"Kumain ka na troy."-Pilit na ngiti niya kay troy.

"Uh...ikaw din sa--sab."-Yaya ni JM dito.

Tumango si sab bilang sagot.

Wala pa ding gumagalaw sa kanilang tatlo.

"*Sig*..Let's eat."-Troy. Tapos ay nauna na siyang lumabas ng kwarto at inawan ang dalawa sa loob.

Lumabas siya para makapag isip ng matino. Hindi niya na alam ang gagawin. Naiipit siya sa dalawang tao, Gusto niyang protektahan si sab, pero natatakot siyang baka masaktan niya si JM. Ayaw niyang balewalain ang mga ginagawa ni JM sakanya, dahil yun na lang ang kaya niyang ibigay dito.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinext si Thea.

***

To: Althea,

JM's here.

***

Ito lang ang naiisip niyang paraan. Ang mamili sa dalawa..

***

Fr: Althea,

I'm on my way.

***

"Sorry..Sab.."-Bulong niya sa sarili.

Napasabunot na lang siya sa sarili sa pagka dismaya sa sarili.

Naramdaman niyang lumabas ng kwarto ang dalawa. Hindi ito nag iimikan hanggang sa makaupo sila sa harap ng hapagkainan.

May dalawang platong nakahanda dito.

'Ganito ba talaga siya kay troy?..dinadalhan niya ng pagkain si troy para sabay silang kumain ng dinner.'-Tanong ni sab sa sarili.

'Nakakainggit TT___TT Alam na alam niya kung pano aalagaan si troy. Napaka girlfriend material niya.. Bagay nga sila </3'- Hindi niya maiwasang hindi mainggit sa pinapakita ni JM.

Can Friendship Turn To Romance? (CFTR Ongoing Series)Where stories live. Discover now