Chapter 30.5: Nightmare's Over

95 1 4
                                    

***

Chapter 30.5:

Althea's POV

'Sobrang sakit ng ulo. Hindi ko maramdaman ang mga kamay at paa ko. Ang sakit ng katawan ko. pati ang bibig ko.

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko. Wala kong ibang nakita kung hindi paa. Paang nakatali.

'Ano bang nangyare?

Pilit kong inalala lahat ng nangyare.

'Tumatakbo ako. May humabol saken at-- "THEAAAA!!" hindi ko alam pero bigla kong narinig ang sigaw ni Fiibs na nagpagising sa diwa ko ng tuluyan.

'Si phoebe.. Si fiibs!

Tumunghay ako para hanapin si Fiibs pero nasilaw lang ako sa ilaw na naka sabit sa itaas.

'Nasaan ako?

Sinubukan kong gumalaw pero di ako makagalaw. Pakiramdam ko ay naka kulong ako sa malaking bloke ng yelo kaya namamanhid ang buong katawan ko.

Nakatali.. Akin ang nakataling paang nakikita ko kanina.

'Baket ako nakatali?

Tumingin ako sa kanan ko at laking gulat ko ng makita ko si Devs. Katulad ko, nakagapos pero walang malay.

'Devs..' sinubakan ko siyang tawagin pero maski ako ay hindi maintindihan ang lumalabas sa bibig ko. Saka ko lang naramdaman ang panyong kagat kagat ko at nakatali sa bibig ko.

'Devs.. Gumising ka. Devs.' Gamit ang braso at paa ko ay sinubukan ko siyang abutin at yugyugin para magising.

'please.. gumising ka.. kailangan nating makaalis dito.. Devs' pilit ko siyang niyuyugyog hanggang sa magising siya.

At last! Nagising ko din siya. Gaya ko, mukhang nakaramdam din siya ng pananakit ng buong katawan. Nanlaki ang mata niya ng makita ako tapos ay nilibot niya ang paligid.

Tumingin siya sakin saglit at binalik ang tingin sa kanan niya. Para siyang may tinuturo saken.

Tiningnan ko siya na parang may malaking question mark sa ulo. Yumuko lang siya. At naintindihan ko agad ang gusto niyang sabihin ng makita ko si sab at yen na parehas naming nakatali pero walang malay.

'Naalala ko na.. Pinipilit nilang ipasok si Yen at Sab sa itim na van. Nakita nila kami ni Fiibs at hinabol. Naabutan nila ko at si Fiibs.. si fiibs.. Nakatakas kaya siya?.. pero wala siya dito.. I just hope she's okay.

'Kung ganon.. Apat kaming nandirito ngayon. Pero teka, paanong pati si Devs?.. Sinong nag pa-kidnap samin?.. Wala naman akong natatandaang nakaaway namin nitong nakaraan..

Hinahanap na kaya nila kami ngayon?

Sana.. Sana..

"Gising na pala kayo.." Hindi pamilyar saken ang boses ng babae. Hindi ko siya makita, palagay ko ay nasa dilim siya at pinanonood kami.

Kaming apat lang ang naiilawan ng bumbilyang nakabitin sa itaas. At napapaligiran na kami ng dilim.

Unti unting naglakad palabas sa dilim yung babae at tumayo sa harap namin.

'Hindi ko siya kilala at hindi rin pamilyar sakin ang itsura niya.

Pero si Devs, kumunot ang noo niya at naramdaman ko ang unti unting pag talas ng tingin niya sa babaeng nasa harapan namin.

Lumebel yung babae sa amin. "Kamusta? Did you miss me?" Nakangiting sabi nung babae kay Devs.

Sumagot naman si Devs pero hindi maintindihan dahil sa nakatali sa bibig niya. Binaba nung babae yung tali sa bibig ni Devs ng marahas na parang gusto na niyang tanggalin pati bibig ni Devs. Nakita kong nagmarka sa pisngi niya yung tinali sa bibig niya dahil sa mahigpit na pagkakatali.

Can Friendship Turn To Romance? (CFTR Ongoing Series)Место, где живут истории. Откройте их для себя