Chapter 30.2-30.4: His 3 hours girlfriend

90 0 0
                                    

"Senna.. Senna.. Nandito na tayo." ginigising ko siya. Nakatulog kasi siya sa biyahe. Apat na oras din akong nag drive papunta dito.

Ang sakit din non sa pwet ah!

"Nasaan na ba tayo?.." Tanong niya habang pupungay pungay pa ang mata niya.

"Nandito na tayo."

Nag inat muna siya at humikab. "Saan?"

"Ilocos. Pinahiram muna sakin ni Troy yung villa nila dito."

Tama kayo, nandito nga kami sa ilocos. Sa villa nila Troy. Ipinahiram niya muna sakin. Magandang lugar para gawin ang tama. Solong solo lang namin yung lugar. Tabing dagat at Malayo sa syudad.

May hacienda din sila Troy dito, kung saan maraming pwedeng gawin. Dito minsan nagbabakasyon ang barkada, minsan din patakas naming pinpuntahan kapag gusto naming mag ligalig.

"WOAHH!!! BEACH!!!!" Sigaw niya tapos nag madali siyang lumabas ng sasakyan.

Pinagmamasdan ko lang siya na tuwang tuwa na tumatakbo sa puting buhangin at ninanamnam ang malakas na hangin.

"Gawin mo ang tama.." Bumuntong hininga muna ko bago lumabas ng sasakyan.

"Nagustuhan mo ba?!!!!" Sigaw ko sakanya sa malayo.

Sobrang aliwalas ng mukha niya ng lumingon siya. "OO!!!!!" sigaw niya ng napakalakas habang nakabukas ng malawak ang dalawang braso niya na parang mangaakap.

Napangiti ako. Masaya siya, alam ko.

Nilapitan ko siya. Ng maramdaman niya ang presensya ko ay bigla niya na lang akong niyakap ng mahigpit. "Thankyou Tristan!!"

"Hmm?"

"Sa pagdala mo sakin dito. Thankyou!!!" Nagulat ako ng mabilis niya kong hinalikan sa pisngi.

"O_O.." ganito ang itsura ko.

Ngumiti siya ng pilyo at saka mabilis na tumakbo palayo.

Wag kayo. Hindi ito ang first kiss ko. Na kay Devs na. Mga bata palang kami lagi ko na siyang ninanakawan ng halik sa pisngi kapag nakakatulog siya.

Naalala ko lang, nitong huli kong ginawa yun sakanya nagising siya at napabalikwas ng makita ako kaya imbis na sa pisngi, Jackpot ako! Sa labi ko siya nahalikan.

Sapak nga lang inabot ko. -_-+ pero okay lang. At least may first kiss na kami!! Yung alam niya saka gising siya! ^_______________^...

"*Shook heads*" Si Senna ang kasama ko, pero si Devs ang naiisip ko.

Haaaay Tristan! Ibalato mo naman kay Senna ang araw na to! Ito na ang huli mong magagawa para mapasaya siya! Siya lang ang iisipin mo ngayon, pwede?

"Tristan!!! Tristan!!! Mag swimming tayo!!!" Yaya niya sakin habang hawak hawak ang braso ko.

"Hindi pwede. Madudumihan yung dagat!"

"Hay!!!" Binitawan niya ang braso ko. "Nakakainis ka talaga!! Panira ka ng atmosphere!!" Tapos padabog siyang naglakad palayo.

Siyempre, hinabol ko siya. "Oy joke lang yun! Hindi ka na nasanay saken."

"Hindi nakakatuwa yung joke mo, nakakainis!!"

"O sorry na! Wag ka na magalet."

"AYOKO!! UUWI NA KO!!"

"Binibiro lang naman kita eh. Sorry na. Pramis, hindi na kita bibiruin."

"UUWI NA KO!! NAKAKAINIS KA!! SA SUSUNOD NA LANG TAYO MAG DATE!!"

"SENNA NAMAN!! IBALATO MO NA NAMAN SAKIN TONG ARAW NA TO!!!" Napatigil siya sa paglalakad. Mukhang natakot ko ata siya.

Can Friendship Turn To Romance? (CFTR Ongoing Series)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora