Remember I Love You [Teaser]---Author's Note^^

130 0 0
                                    

Remember I Love You (RILY) 

>>Teaser

***

*All passengers from flight bla bla bla..*--Sabi dun sa speaker.

Tumayo na ko mula sa pagkakaupo.

Flight na namin yun.

"Tara na."--Walang emosyon na sabi niya. Kinuha niya ang bag niya at nagsimulang maglakad.

Sandaling nilibot ko ng tingin ang buong paligid.

 "Prince!!"--Tawag niya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Heto na."--Sabi ko. at Naglakad na din ako.

"SANDALI!!!!!!!"--Sigaw ng taong palagay ko'y hindi naman kalayuan mula sa amin.

Nilingon ko yung taong sumigaw. Hindi nga ko nagkamali.

Dumating Siya.

Napasulyap ako sa taong kasama ko na kanina'y walang emosyon.

Nakatalikod lang ito mula sa direksyon namin. Habang nakakuyom ang kanyang kamao.

"Panalo kayo. NGAYON."--Walang emosyon na saad niya habang nakatingin sa malayong direksyon.

 "PAGBALIK KO, MAGTUTUOS TAYO. I'LL HELP YOU GET A TASTE OF YOUR OWN MEDICINE"--Dagdag niya.

***

Napamulat ako ng bahagya,

Nasilayan ko ang larawan ng isang babae.

"Isang nabubuhay na anghel"--Bulong ko sa sarili.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

"Kasalukuyan"--Paalala ko sa sarili.

***

 "Gaano kalaki ang rate of success?"--Tanong ko.

Bumuntong hininga siya.

"15%"--Sagot niya na halos dumurog sa puso ko.

***

 Habang bumababa ako ng hagdan, samu't saring boses ang naririnig ko mula sa living room.

Dumirecho ako sa mini counter bar at nagbukas ng isang bote ng whisky. Umupo ako sa bar stool at nagsalin ng whisky sa hawak kong whisky glass.

"Aga niyan ah. Hindi ka ba papasok?"---Tanong sakin ni Ate Bianca.

Tinungga ko muna yung nasa baso ko bago nagsalita.

"Maya na."---Sabi ko.

"Hindi mo ba siya pupuntahan?..3rd--"--Pinutol ko kaagad yung sasabihin ni Ate Bianca.

"Alam Ko."--Mabilis na sabi ko.

"Prince!!! Nandito si Luna!!!"--Rinig kong sigaw ni Ate Shean habang papalapit dito.

Napabuntong hininga na lang ako.

Nagsalin ulit ako ng whisky sa baso ko at tinungga yon.

***

"Stef"--- Tawag ko habang nakatitig sa ibaba.

Inabot ko sakanya ang dala kong bulaklak at naupo sa tabi niya.

Muling dumapo sa isip ko ang nakaraan.

***

Lumuhod siya sa harapan ng mga ito.

"Please..Parang awa niyo na..Hayaan niyong manatili sa tabi ko si Seb"--Pagmamakaawa niya habang humahagulgol ng iyak.

"Wag niyong gawin yon sakanya..Hindi niya kakayanin.."--Sabi niya.

"Wag niyo siyang kunin sakin..Hindi ko kaya..Siya na lang ang meron ako ngayon..PAGBIGYAN NIYO NA NAMAN AKO!.. HAYAAN NIYO KONG MAGING MASAYA HANGGANG SA HULING ORAS KO!"--Pagmamakaawa niya habang patuloy parin siya sa paghikbi.

"KONTING PANAHON NA LANG NAMAN ANG HINIHINGI KO!.. TANGGAP KO NA NAMAN EH!.. TANGGAP KO NA ANG LAHAT!..MAMATAY NA KO! MAMATAY NA KO! "--Sigaw niya.

Hindi ko na kinayanan pa ang panoorin siya. Sumandal ako sa pader at pumikit ng mariin habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.

Hindi ko na din pala kaya.

***

 "OO!! OO, TAMA KA!!!! MAY SAKIT NGA SIYA!!!!"--Sigaw ni Luna.

"LUNA!!!!"--Saway ni Luke.

"BAKIT HA!!! NAGI-GUILTY KA NA BA NGAYON?!!!! HA CHRISTIAN?!!! NGAYONG ALAM NIYO NA---"--Agad namang pinutol ni Luke ang sasabihin ni Luna.

"Luna!!! Huminahon ka!!'--Saway ni Luke kay Luna.

"PABAYAAN MO KO LUKE!!!! KARAPATAN DIN NILA ANG MALAMAN TO!!!'---Sigaw ni Luna.

***

"Wag kang magalit kay Seb"--Luna.

"Dahil sa inyong dalawa..Siya ang hiniling ni Stef na manatili sa tabi niya..at hindi ikaw."--Luna.

***

"Malaki ang sakripisyo ni Seb. Halos patayin niya na yung sarili niya, Sa tuwing sinusugod si Stef sa ospital. Isinisisi niya sa sarili niya ang lahat"--Luke.

"Kaya bro, magpasalamat ka. Dahil ginagawa niya ang mga bagay na obligasyon mo."--Luke.

***

Napatakbo ako agad papunta sa kanya ng mapansing kong nawawala ang balanse niya habang naglalakad.

*Booogsh* Tunog ng mga natumbang upuan.

"STEF!!!!"--Sigaw ko sa pangalan niya ng sambutin ko siya bago pa siya tuluyang matumba.

"Seb!!! Anong nangyari?!!" --Tanong ni Luke.

Napatakbo sila agad ng marinig ang mga kalabog galing sa kwarto.

"Idilat mo ang mga mata mo!!! Stef!!!"--Sigaw ni Luna sa kaibigan habang hawak hawak ang mukha nito.

"Tatawagan ko si tita!!! Sandali haa!! Wag kang pipikit!!!"---Natatarantang sabi ni Luna.

Dahan dahan akong umupo sa sahig habang naka-alalay sakanya.

"STEF!!!!"--Sigaw ko ulit sa pangalan niya.

Bakas sa mukha niya ang panghihinang nararamdaman niya. Namumutla ang kanyang mga labi. Pinipilit niyang ibukas ang parang napakabigat na talukap ng mga mata niya. Sinubukan niya ding magsalita ng diretso ngunit parang naghahabol na siya ng hininga.

"Se--Seb--Seb" Nanghihinang tawag niya sakin.

Ngumiti siya ng matamis sakin.

"Pagod na ko..Ma--matutulog..na..ko ha..Thankyou" Nanghihinang sabi niya.

"No!! Wag ka pipikit!! Stef!! Wag please!! I--Isusugod kita sa ospital!!!--"---Naiiyak na sabi ko.

"Wag na Seb. A--ayoko na dun. Dito na lang ako..Gu--gusto ko ng magpahinga"--Mahinang sabi niya. Pagkatapos ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.

***

_____________________________________________________

A/N: Wew! Natapos din -_____-+++ 11:30 pm na ko natapos mabigyan ko lang kayo ng magandang teaser. Abay doble ang swerte ninyo! Nasilip niyo ng kaunti ang future ng CFTR. Hanapin niyo. Hanapin niyo *o* Haha. I leaves clues.

Ano sa palagay niyo? Ready na ba kayo sa tuklasin ang buhay ni Prince Seb Miranda? Hohoho!!!  Kailangan ko ng feedbacks mula sa inyo. Puhlease? *O* Pretty pretty puhlease?^^

EXTERNAL LINK >>>

Remember I Love You. 

Wala na daw Cyber crime law? Ayos yon! Wuhahahaha! Oh sige na! Antok na me!

~LomuChan

Can Friendship Turn To Romance? (CFTR Ongoing Series)Where stories live. Discover now