"So, Hi Dan. Buti naman at nagkita ulit kayo ng kapatid ko. Alam n'yo naman. Bet ko talaga kayo para sa isa't-isa kahit noon pa man," out of nowhere na sambit nito sabay ngiti ng sobrang tamis. Told you! Kaya napangisi na lang din ako sa mga sinabi nito.

"Destiny calls ate. You know, baka ngayon ang tamang panahon para sa naudlot naming pagmamahalan, 'di ba Dan," tugon ko naman sabay hagikhik ng mahina.

Napasulyap naman ako kay Kuya Fred and he is really scary. Ang lamig ng mga tingin niya. And I remembered, oo nga pala iniwan ko siya sa Baguio, hays. I deal with him next time, but for now, mage-enjoy muna ako sa mga nangyayari sa paligid ko.

"A-ah yeah. Nice seeing you again, Diana, and the rest..." tanging nasabi lang ni Dan.

Masaya... kunwari kaming nag-uusap hanggang sa matapos ang tanghalian. Buti na lang at hindi na ulit napag-usapan ang about sa na call off na wedding namin ni Daniel.Ngayon nga ay nagpapahinga na ako sa kwarto ko. At ang nakakainis pa sa kwartong kinaroroonan ko ay kaharap lang nito ang kwarto nina Ate Diana at Kuya Fred, which is maganda na rin for my plans. Oh well, ayon nga tamang pahinga muna ako, cause I am so tired –physically, emotionally, and mentally.

Naalimpungatan ako dahil sa sunud-sunod na katok sa pinto ng kwartong inuukupa ko.

Hindi ko sana bubuksan pero nakakarindi na ang ingay na nililikha nito sa labas ng pintuan ko.

"What!" singhal ko sa taong nang-iistorbo sa pagtulog ko.

"At ikaw pa ang may ganang sumigaw ngayon sa akin, what an attitude you have, my sister-in-law," malamig pero may awtoridad na pagtugon niya sa akin. Nagulat ako saglit nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko, pero nabalik ko naman ang composure ko kaagad.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pakialam mo ba Kuya Fred. At anong ginagawa mo rito? You should be with your wife now," may inis pero malandi kong sambit sa kaniya lalo na sa huling linyang sinabi ko. Urging him to be irritated at me.

Tinulak niya naman ako ng mahina papasok sa kwarto ko, and yes pumasok din siya at isinarado ang pinto.

He pinned me into the wall at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

I grinned when inches away na lang ang pagitan ng mga labi namin. He looked at me intently, at hindi rin ako nagpatalo sa titigan namin.

"Miss mo na kaagad ako, kuya. Magkasama lang naman tayo kanina ah or let me say, you miss me there," sambit ko sabay ngisi.

"You know what, I should be mad at you right now, after mo akong iwan doon at pagpaalalahanin. But shit, I miss you so much!" sagot niya sabay sakop sa labi ko.

He kissed me torridly, full of longing and something more.

And of course, I kissed back with the same desire and emotions.Pababa na ang mga halik niya sa leeg ko nang magising kami sa kamunduhang ginagawa namin dahil sa katok na naman sa pintuan ko.

Kaya saglit kaming napatigil at kumukuha ng hangin. It's a breathtaking kiss, actually.

And knowing na may tao sa labas ng kwarto ko, na any time pwede kaming mahuli –mas lalong nakaka-excite! Isasawalang bahala nga sana namin ang tao sa labas nang kumatok ulit ito, kaya napilitang pumasok sa CR si Kuya Fred para magtago, syempre dahil mahirap na. At nang okay na, I opened the door, at iniluwa nito si Monica.

"Hi bes! nakakaistorbo ba ako sa pagpapahinga mo?" bungad niya sabay walang pakundangang pumasok sa loob. Ganyan na kasi itong babaeng ito, masyadong komportable na sa akin. Buti na lang at sa CR nagtago si Kuya Fred.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now