06

81 2 2
                                    


MAAGA pa ay umalis na si Franco papuntang opisina para pumasok at magtrabaho.

Hindi pa mabuti ang pakiramdam ni Celine pero pinilit na bumangon dahil wala ng tubig ang pitsel na dinala ni Franco kagabi.

Pagkababa ni Celine, mataas na ang sikat nang araw, ang ina nitong si Francine ang agad na sumalubong sakanya.

"Hija, why don't you try being early in the morning? Franco left without eating breakfast." bungad sakanya ng ina ni Franco.

"P-pasensya na po." lumapit ang ina nito sakanya. Nakikita ni Celine ang mata nitong parang galit o naiinis.

"You know, yesterday when I met you, my blood automatically boils." tinignan siya ni Francine sa mata at tila nangungusap. Yumuko na lang si Celine at nilagpasan ang ina ni Franco.

"Hindi pa ko tapos makipagusap sayo and yet you left me behind." sinundan siya nito sa kusina. "Learn some good manners." ika ng ginang sakanya habang naglalakad papuntang kusina.

Dala ng pagka-nerbiyos sa kung ano man ang gagawin ni Francine, nadulas sa kamay niya ang basong hawak at nabasag.

 "What the hell?!" sigaw ng ginang. Agad kumilos si Celine at pinulot ang nga piraso ng nabasag na baso sa sahig.

"Tumayo na kayo Maam, ako na ho." nag-aalalang sabi ni Manang Alicia na nasa likod ng ginang. "Naku Maam, nasugatan ho kayo." — "A-ako na hong ba..hala." sagot niya. Matalim na nakatingin ang ginang sakanya nang lampasan niya ito.

"I really don't want that woman for my son." giit niya sa kausap. 

"Mabait naman si Celine, Madam." sagot naman ng kausap.

"You know Alicia, I'm used to meet a lot of people and I know how to read them. And Celine is not an exemption." sunod sunod ang mga salitang lumabas sa bibig ng ginang.

 "Tell me, where the hell did Franco get her? I mean— Stella is better." hinawakan nito ang wine glass na nasa lamesa.

"Hindi ko ho alam, sa totoo lang Madam, nag-resign na ako noon, pero dumating si Celine dito at ginawa lahat ng unico hijo niya para lang pumayag na dumidito muna ko. Dalawang taon na rin ang nakararaan, Madam." magsasalita pa sana si Manang Alicia nang magingay ang telepono ni Francine na nasa lamesa kasama ng wine.

"Hello— Yes, that? — Very well.." ibinaba na nito ang telepono at ininom ang natitirang wine sa baso. "Itabi mo na yang wine, Alicia. Aalis muna ako." pamamaalam nito sa kasamabahay.

Napatingin si Celine sa daliring may band-aid na nakadikit. Hindi pa rin nawawala ang tanong sa isip ni Celine kung bakit ganoon ang trato sakanya ng ina ni Franco, samantalagang maayos ang pakikitungo nito sakanya kahapon.

Hindi na rin niya napansin na lagpas na sa papel ang guhit na gawa ng lapis na hawak niya.

"Celine, focus ka nga. Sayang ang drawing mo." kinuha niya ang pambura at binura ang bahagibg iyon.

 "Ano bang akala niya? Na gusto ko rin siya, at saka bakit ba umaasa ako na iba siya sa anak niya. Kung ano ang puno siya rin ang bunga." sambit nito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Ilang minuto pa niyang itinuloy ang ginagawa ng sandaling makaramdam siya ng sakit ng ulo.

Ipinikit niya ang mga mata sandali at nang mawala ang sakit, tumayo siya; naglakad patungo sa kama at nahiga.

cloaked heartWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu