(School logo at the Top)
Bleure's Point of view:
(Bleure pronounce as Bleyr)
Nakatayo ako ngayon dito sa harapan ng isang malaking gate kasama ang ibang mga studyante na kasabay ko sa pag pasok.
hindi mabilang kung gaano kadami ang papasok sa Akademyang to, ngunit sa paningin ng mata ay nasa mahigit libo kadami ang estudyante—hindi ko akalain na ganito kadami ang mga pumapasok dito.
Aakalaing iilan at exclusive lang para sa mayaman ang lugar na ito, ngunit nagkamali ako dahil bukod sa walang tuition fee ay ang tanging requirements mo lang ay ang sarili at ang kapangyarihan na iyong tinataglay.
Napatingala ako sa itaas ng gate at sinusukat kung kaya bang abutin ng paningin ang pinaka tuktok nito—ngunit bigo lamang ako, dahil ang tanging nakikita ko lang ay ang ulap na tumatabing sa itaas nito.
Masyado mataas itong harang, hindi ko alam kung pano nila nagawa, at wala na din ako pakialam kung bumigay yan sa isang iglap at dumugin ng mababangis sa hayop sa labas.
Napalinga ako ng may bigla akong narinig na nagsalita sa unahan-- mukhang hindi lang ako ang nakarinig dahil pati ang iba pang mga studyante na kasabay ko ay napatingin sa kinaroroonan ng nagsalita.
"Gather yourself students, sort yourselves into two groups, girls and boys, everyone. now, Move!" Maotoridad na boses na utos ng kung sino sa harapan. Maalakas ang kanya boses na aakalaing kaharap mo lamang ang nag sasalita—maaaring gumamit sila ng espesyal na gamit upang marinig ng lahat ang boses ng lalaki sa harap.
Marami sa iba na agad ng kumilos kaya kahit tinatamad ay kaagad ko na lamang binuhat ang sarili saka sumabay sa agos ng mga estudyante na syang nagsisimula ng pila.
Maraming mga estudyante na mukhang matagal ng magkakakilala na dahil sa pakikipag usap nila na parang ilang dekadang hindi nkakapag usap. Ang iba naman ay mukhang walang pakialam sa paligid at ang uba ay nakatulala lang at naghihintay ng susunod na gagawin.
Nang makapila na ang lahat ay nagsimula na muling magsalita ang nasa harapan.
"Ok, now, Y'all going to make your I.Ds. Every students will going to enter in each cubicle that you'll see after you enter this gate, do you understand?" Malinaw na paliwanag nong nagsasalita sa harapan kaya sumang ayon nalang ang lahat.
After magsalita ng nasa harapan ay nagsimula na nila kaming papasukin sa gate, hindi ko napansin na meron palang maliit na gate doon sa gilid ng lalaking nagsasalita kanina.
Nang malapit na ako sa maliit na gate ay saka ko lang nakita yong itchura nong lalaking nagsasalita kanina, mukhang nasa 20 paataas lang ang edad nya, may mga kasama din sya, at mukhang mga kapwa mga guro nya ang mga ito.
Napansin kong napalingon sa gawi ko ang isa sa kanila kaya agad ko din iniwas ang paningin, diniretcho nalang ang tingin dahil ako na ang susunod na papasok sa maliit na gate.
Pagpasok doon ay nakaramdam ako ng kakaiba, mukhang portal yong pinsukan namin at hindi normal na gate, mukhang naglagay sila ng illusion doon para mag mistulang daan papasok sa kabilang panig.
At kung oobserbahang mabuti, may kung anong sensor silang nilagay sa portal na pinapasukan ng mga estudyante
Napatingin ako sa paligid ko at napansin ang mga estudyante na pumapasok sa mga naka assign sakanila na cubicle.
Maraming akong naririnig na bulungan ng ibang mga estudyante at nag uusap kung anong numero ang naka lagay sakanilang likod ng kamay kaya bigla akong napatingin sa likod ng aking palad.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Academy of Magic (Very Slow Update)
FantasiaBleure Velasquez decided to enter this prestigious school where a lot of mysterious revelations would fall short in front of her that she did not expect to happened. would her composure still remain despite of the downfall that she would witness in...
