Chapter 30

826 35 0
                                    

Chapter 31



Bagong Kasal

"E,ano bang problema mo?!"
Sigaw ko din sa kanya.

Bwiset kasi itong taong ito,e.Bigla-bigla na lang nagagalit.

"Answer my question first,Agatha.Kayo na ba?"
Nagtatagis ang bagang tanong nito sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit sa kanya.

"Bakit nagseselos ka?Nagseselos ka ba kaya ka ganyan?"
Naniningkit na mga matang tanong ko sa kanya.

Umiling ito ng ilang beses.Masubukan nga.Tignan natin kung makakatagal ka,Alferez.

"Ah,so ayos lang sayo na magpaligaw ako sa kanya?Ayos lang sayo kahit maging boyfriend ko sya?Ay,bakit ko nga ba tinatanong sayo to?Wala namang kahit ano sa pagitan nating dalawa---"

"Oo!Oo na,nagseselos ako!"
Putol nya sa sinasabi ko.

Hindi ko na alam ang nangyari sa akin.Basta ang alam ko natutuwa akong marinig iyon mula sa kanya.Kagat-kagat ko ang labi ko habang pinipigilan ang pagngiti.

Luke shrugged his head when he saw my reaction.

"What now,Ms.Zoe?Hindi ka man lang ba magsasalita dyan?"
Nakataas na kilay na tanong nya sa akin.

"Hmmm...why are you jealous,then?"
Ngising tanong ko sa kanya na syang ikinakunot na ng noo nya.

"Hindi pa ba sapat sayo na sinabi kong nagseselos ako?Kailangan pa ba ng dahilan?"
Nakakunot noong tanong nito sa akin.

Hindi ko man nakikita ng maayos ang mukha nya ay ramdam kong parang ayaw nya nang pagusapan ito.

"Oo naman.Bakit ka magseselos kung walang dahilan.Oh,baka naman gusto mo ako pa ang magsabi ng dahilan mo---"

"Co'z I like you!Ok ka na ba?Are you happy now,Ms.Zoe?"

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pagtili.Hindi ko na naiintindihan ang emosyon ko.Basta ang alam ko,kinikilig ako.Yun ang sure na sure.

Sa sobrang kilig na nararamdaman ko ay hindi ko napigilang idampi ang labi ko sa labi nya.Gusto kong tumawa dahil sa reaksyon ni Luke sa akin.

Nakakunot ang noo nito sa akin habang hawak-hawak ang labi nya.Seriously,Luke?Gulat na gulat?

Ilang minuto din syang tulala hanggang sa hapitin nya ang beywang ko.Tinagilid ko ang ulo ko sa kanya.

"What,Mr.Dylan?May sasabihin ka ba?"
Ngising tanong ko sa kanya na syang ikinangisi nya din.

Aba,lumalaban na sya.Inilagay nito sa tainga ko ang mga buhok kong kumakalat sa aking mukha.

"Ngayong nasabi ko na lahat lahat sayo,can I court you---ah no,I will court you whether you like it or not."
Sabi nya na syang mahina ko pang ikinatawa.

"Magsasalita na sana ako ng yes,e.Panira ka talaga."
Natatawang sabi ko na syang ikinangiti nya.

And with that our lips met again.Smack lang naman yun,haha.

Magkasama kaming bumalik sa mansyon nila na magkahawak ang mga kamay namin.I've never felt this before.Yung saya,yung kilig...sa kanya ko lang lahat naramdaman.

At kahit pagbali-baliktarin ko pa ang mundo...hindi ko maitatanging gusto ko na nga sya.Arggghhh,wag na lang kayo maingay.

Puro sipol ng mga lalaking kaibigan namin ang pumuno sa aming tainga.Wow,ha.Ano kami bagong kasal?

"WOO!MABUHAY ANG BAGONG KASAL!"

Wtf,Rosh Alferez.

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon