Chapter 14

1.1K 50 0
                                    

Chapter 14



Clark and Dylan

Di ko alam kung nababaliw na ba si Dylan o sadyang magaling lang talaga syang mangbiro.Pabiro ko syang binatukan.

"Pwede ba,Dylan.Wag ka ngang nagbibiro dyan.Nakakatakot ka alam mo ba yon?"
Awkward na sabi ko sa kanya.

Dylan just glared to me.Ano ba talagang problema ng isang to?Minsan,mas gusto kong tahimik sya kaysa sa ganyang mood nya.

Napailing-iling na lang ako.Bahala sya dyan.Akma ko na sanang bubuksan ang pintuan ng bodega nang hablutin nya ang braso ko at isinandal sa nakasaradong pinto.

Nanlaki ang mga mata ko.Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa at kahit naka-mask sya ay alam kong nakangisi sya ngayon.

Talaga naman.Seryoso ko syang tinignan sa mga mga mata.

"Anong gusto mo,ha?"
Naniningkit na mga matang tanong ko sa kanya.

"U-huh?What if I want you?"
Mahinang tanong nito sa akin.

Hindi ako nagpatinag sa kanya kahit ang bilis bilis na ng pagtibok ng puso ko.

"Dylan,kung ayaw mong masaktan,bitawan mo ang mga kamay ko,pwede?"
Sarkastikong sabi ko sa kanya kahit sa kaloob-looban ko ay parang sasabog na ako.

"Okay,then.I'm just kidding you.Ang seryoso mo naman."
Tatawa-tawang sabi nya sa akin.

Hay,ewan.Weirdo din pala ang isang ito.Napailing-iling na lang ako at iniwan na sya doon magisa.Bahala sya sa buhay nya.

Habang hinihigop ko ang mainit na kapeng binigay sa akin ni Clark,hindi ko maiwasang mamiss yung dating buhay ko.Yung malaya pa ako.Yung hindi pa ako nasangkot sa ganitong gulo.

Gusto ko nang bumalik sa dating buhay ko...pero dahil buhay ng mga mahal ko ang nakasalalay dito,gagawin ko lahat lahat para mailigtas sila.Para di na sila madamay sa sitwasyon kong ito.

Rinig ko ang usapan ng dalawa kaya hindi ko maiwasang pakinggan ito.

"Hindi ka na ba babalik doon?"
Rinig kong tanong ni Dylan kay Clark.

"Alam mong hindi pa pwede,Dylan.Delikado pa din ang sitwasyon ko.At wala pa rin syang alam tungkol sa akin."
Seryosong sagot ni Clark.

Sino ba yung tinutukoy nila?Hay,ewan.Kita kong palapit na ang dalawa sa akin kaya inubos ko na ang kape ko para makausap ko sila.

Tatayo na sana ako para ilagay sa kusina itong baso ko nang bigla na lang akong may natapakang bote na syang dahilan para madulas ako.

Akala ko mahuhulog na talaga ako nang saluhin ako ni Clark.Hindi ko maiwasang tumitig sa mukha nya.Ngayon ko lang napansin ang mukha nya.Gwapo pala talaga sya.

Ngayon ko lang din napansin yung nunal nya malapit sa leeg.

"Oy,ano pang ginagawa nyo dyan?"
Medyo naiiritang tanong ni Dylan sa amin kaya nagmadali akong ayusin ang sarili ko.

"Salamat,hehe."
Awkward na sabi ko kay Clark na tumango lang sa akin.

Problema ng isang yon?Bat biglang nainis?Ano ba yan,pabago bago ang mood nitong si Dylan.Itapon ko sya,e.

Gabi na at kakauwi lang ni Dylan hindi ko alam kung makikituloy ba ako dito sa bahay nila Clark.Nagulat ako nang guluhin ni Clark ang buhok ko.

"Just stay here,Queen A..."

Behind The MaskOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz