Chapter 3

2.6K 94 0
                                    

Chapter 3



Come with me

Binatukan ko si Luke para bitawan ako.T*ng ina,hindi naman ako si Lauren.

"Aray!"
Daing ni Luke at napahawak sa ulo nya.

"What's your f*cking problem,Agatha?!Bakit mo ako binatukan---sa bagay,salamat na rin.Ang sama ng panaginip ko,e."
Parang tangang sabi nya.

"G*go!Tama bang pagkamalan mo akong si Lauren?!"
Sigaw ko sa kanya.

Kumunot ang noo nya sa akin.

"What?What are you talking about?"
Tanong nya sa akin.

Hinampas ko nga ng unan.

"Get lost!Lumayas ka dito hinayupak ka!"
Inis na sigaw ko sa kanya.

Ngumuso ito sa akin.

"Ang aga-aga ang init na agad ng ulo mo."
Nakangusong sabi nya sa akin.

I just rolled my eyes.

"Ewan ko sayo,Alferez."

---

"What are you doing?"
Tanong ko kay Luke na nagluluto sa kusina.

Paniguradong late na naman sa trabaho ang mga magulang kaya ayon hindi na nakapagluto ng almusal.

"Cooking?"
Patanong na sagot nya sa akin.

Umirap ako sa hangin.

"I mean,what are you doing here?Why are you still here?"
Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang basa kong buhok.

Sumimangot sya.

"You very hate me,huh?Wala naman tayong pasok kaya magtatagal pa ako dito.Ayokong umuwi sa amin.Nagsasawa rin naman ako sa mga mukha ng mga pinsan ko."
Sabi nya na syang mahinang ikinatawa ko.

"Ang sabihin mo,ayaw mo lang makita si Lauren.Tsk,kilalang-kilala na kita,Alferez."
Sabi ko.

Ang pamilya ni Luke at ni Lauren ay mag-business partner kaya asahan mong bigla-bigla mo na lang makikita na magkakasama na pala sila.

Napailing-iling na lang si Luke.

"You know me too well,huh?I thought you hate me and I am not your friend?"
Nakangiwing tanong nya sa akin.

Tignan mo tong taong to!Kagabi puro sya drama at dinamayan ko naman sya kahit hindi naman dapat tapos ganyan ang itatanong nya sa akin?!

Hinilot ko ang sentido ko.

"Pwede ka bang itapon sa ilog?Tuwang-tuwa ako sayo,e.Halika nga rito at nang mabatukan kita."
Sarkastikong sabi ko sa kanya.

Tawa lang ang itinugon sa akin ng tukmol.

I just rolled my eyes.Panibagong sakit na naman ng ulo ang araw na ito.

---

"Oh?Anong kailangan mo?"
Masungit na tanong ko kay Luke habang ang tingin ko ay nasa cellphone ko.

Kita ko ang pag-simangot nya.

"Hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin,Agatha?Come on."

Bumuntong-hininga ako at inilapag ang cellphone ko sa mesa.Pinagkrus ko ang mga braso ko.

"Now,tell me what do you need."
Sabi ko.

"Ngayong araw ang birthday ng Papa ni Lauren...at naimbitahan ang pamilya namin.Ayoko sanang pumunta pero pinilit ako ng mga pinsan ko..."
Paliwanag nya sa akin.

Tumaas ang dalawang kilay ko.Kaya ba ayaw nyang umuwi sa kanila?

"Oh,tapos?"

"Come with me...I want you to come with me."
Seryosong sagot nya sa akin.

Ilang beses akong kumurap.

"S-Seryoso?"
Hindi mapakaniwalang tanong ko sa kanya.

"I can't do it without you,Agatha...so come with me please."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now