Chapter 18

1K 41 1
                                    

Chapter 18



Kiss of Sickness

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

Kaagad akong bumaba para magluto ng agahan.Mahirap na,baka magreklamo yung isa.

Nang matapos kong ihanda ang pagkain ni Luke pumunta ako sa kwarto na kinalalagyan nya para gisingin sya.

Nakakailang katok na ako at nakakailang tawag na rin ako sa kanya pero ni isang salita wala akong narinig mula sa kanya.

Hindi naman sya mahirap gisingin,ah?Dahil sa nagaalala na ako sa kanya ay kinuha ko ang susi ng mga kwarto para mabuksan ang pinto.

Kita kong balot na balot si Luke ng kumot at nanginginig.Namilog ang mga mata ko.Naalala ko,sya pala ang mas sakitin sa amin lalo na pag nauulanan.

Kaya pala puro yuko ang ginagawa nya sa tuwing kakausapin nya ako.Kinagat ko ang labi ko.Kasalanan ko to e.Kung hindi sana ako nagalit sa kanya hindi sana sya magkakasakit.

Agad akong sumampa sa kama nya at hinawakan ko ang noo at leeg nya.Grabe sa sobrang init nya baka magpaluto na ako ng pagkain dito.

Aalis na sana ako sa kama nya para sana bumili ng gamot nang hilain nya ako kaya ngayon nakahiga na ako sa tabi nya.

"L-Luke..."
Tawag ko sa pangalan nya.

"Dito ka lang.Wag mo akong iiwan..."
Nakapikit na sabi ni Luke habang hawak hawak ang kamay ko.

Kinagat ko ang labi ko at hinaplos ko ang pisngi nya.Kasabay nang paghigpit ng hawak ni Luke sa kamay ko ang pagtibok ng mabilis ang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman.Tinanggal ko ang kamay ko sa pisngi nya at marahas na napailing.

Balak ko sanang umalis sa kama nang mabili akong hinila ni luke at pinaibabawan.Nanlaki ang mga mata ko.

Naniningkit ang mga mata nito habang sumasayad ang buhok nito sa noo ko.

"A-Ano bang ginagawa mo?"
Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Alam mo,Agatha...nung gabing yon?Actually...hindi talaga si Lauren ang dahilan ng problema ko...I already move on.Dahil yon kay Mom at nagkataon lang na nandun silang dalawa kasi I was with Terrence and he saw Lauren that time so,hinayaan ko silang magusap.And then,my Mom called me."

Natigilan ako sa sinabi nya.Ibig sabihin wala na talaga syang nararamdaman kay Lauren?!Sh*t,inaway away ko sya para sa walang kwentang dahilan?!

Wow,ako talaga yung masama dito...

"I'm sorry..."
Mahinang sabi ko.

Ngumiti sya sa akin.

"It's ok..."

"Anong nangyari sa Mom mo?"
Tanong ko sa kanya.

"Long story,Agatha..."
Sabi nya at umalis na sa ibabaw ko.

"Aishhh,bakit ba ngayon pa ako nilagnat?"
Tanong ni Luke sa sarili nya.

"I will buy you a medicine.Just wait---"

"No,you stay here."
Nakangising sabi nya at kinubabawan na naman ako.

At hindi lang yon ang ginawa nya.Hinalikan nya ako habang hawak hawak nya ang dalawang kamay ko.

Sa pagkakataong ito,kusa nang tumugon ang mga labi ko at kusa na ring pumikit ang mga mata ko.

This is my first kiss or 2nd?At sa kanya pa nanggaling.Hindi ko alam kung hanggang magkaibigan lang talaga kami.

Unti unti nya nang binitawan ang mga kamay ko.May sariling pagiisip ang mga kamay ko at pumulupot ito sa leeg ni Luke.

Sheez,so yon maghahawaan kaming dalawa ng sakit...Bala na si Batman.

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon