The Lesson 1 and the GC
"Kamusta OJT mo?."
Alam nyo naman na bigla-bigla na lang sya nagchachat out of nowhere.Mga ilang days muna siguro ko naghintay bago sya magreply.
"Okay naman.😁" Mas lalong nagiging okay dahil kinakamusta mo. Natawa na lang ako sa sarili ko. Mag 12 am na pala kaya nagigising na rin sya nocturnal sya ye, kauuwi ko lang galing sa trabaho closing duty mula 1pm hanggang 10 pm, kaninang umaga naman ang OJT ko.
"San ka nag OJT?"
"Sa sikat na telecommunications sa Pilipinas sa PLDT." Proud na sinabi ko kahit na di naman ako confident kung matututo ba don ang slow learner na kagaya ko.Dahil kung ayoko na ang software, hardware and databases na pinag aaralan mas lalong ayoko ang NETWORKING.
"Nice nice."
hindi ko alam na yan na pala last reply nya para sa araw na yan. Syempre ako madaldal pa rin at kung anu-ano ang nirereply kahit di na sya nagrereply. Pawala-wala na rin ang Active Status On nya,mayat-maya 8 minutes ago active then online then offline, kaya mas pinili ko na rin munang matulog bago pa madagdagan pa ang walo ko nang reply sa huling dalawang salitang sinabi nya.
Kinabukasan nag send ako sa kanya ng mga picture na meron sa may isang room kung saan kami na-assign. May dalawang Engineer kaming kasama at 4 na lalaking staff ,ang tatlo sa kanila ay IT and Computer Science ang tinapos, halatang magagaling, oo talagang walang binatbat ang isang babaeng tulad ko. Nakakasundo rin ng dalawang kasabayan namin na mag OJT ang mga staff, mga estudyante na halatang may sinasabi, mula sa laptop na gamit at sa eyeglasses ng isa. Naalala ko na naman tuloy sya.
Kung iikutin mo ang buong kwarto halos ang isang pakwadradong mga tore ng wire ang halos sumasakop sa bawat sulok ng ng gitnang espasyo, kaya nasa gilid na lahat ng office ang table ng mga staff, sa bawat anggulo. Lahat ng wires na connected para sa supply ng internet sa bawat bayan ng probinsya ay naroon. Nakita ko nga rin ang line ng pinagtatrabahuhan ko na QSR or fast food. Nakakamangha kung paano nila naaayos ng ganon ang mga wire. Ang organize kasi ng pakakabalunbon ng bawat isa. Ang friendly pa ng mga Engineer doon,yung isang nasa left wing ng building ang pinaka- approachable,makakalimutin lang talaga ko sa pangalan. Itinuro nya pa sa aming tatlo nila Peter at ng ibang ka-OJT ko kung paano ba gumagana ang Internet. Meron din daw ito sa ilalim ng lupa at ilalim ng dagat na di na tulad noong araw na puro wire. Dahil may mga wireless na. Sa discussion iyon mukang ako lang naman ang interested. Ang iba at parang nakikinig lang sa hangin dahil ayaw nilang macall ng attention. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako biglang naging interesado.Dahil siguro ulit sa inspirasyon ko sa kanya.
Matapos kong maisend ang mga picture ang akala ko ay di pa rin sya magrereply. Walang salita akong binanggit tanging picture ng mga kuha ko sa loob ng department ang sinend ko alam. Alam kong bawal ang ginawa ko at sinugurado ko rin na hindi ako kuha sa CCTV habang kumukuha ng litrato. Kubg mahuhuki man ay alam ko na ang aking idadahilan para sa Narrative Report.
"Ano namang ginagawa mo sa PLDT." "Wala pa muling pinapagawa sa amin ngayong umaga." reply ko sa kanya,dahil sa tuwa sa laminated na ID na kabibigay sa amin biglang tanda na intern kami sa loob ay naisend ko rin ito sa kanya. Wala syang reply doon.
"Kahapon ang pinagawa sa amin ay pinadial ang mga line na may problema sa internet then nagsort kami kung saang lugar ang mga iyon, may nakausap rin akong customer na sobra ang diwara, maihahalintulad ko sa mga nae-encounter kong customer sa trabaho ko."
"Hahaha." tawa lang ang reply nya sa haba ng sinabi ko hindi ko pa nga sigurado kung tumatawa talaga sya sa realidad.At nahuli ko na naman ang sarili ko na kung anu-ano ang mga sinasabi sa kanya na out of content na, siguro nagiging obsessed na naman ako sa kanya at mas gumagana na naman ang aking puso kaysa sa aking utak.
At hindi na ulit sya nagreply. Hindi ko alam kung nababalisa ba ko sa tuwing bigla na syang di mag rereply kahit online naman lalo na pag ilang araw na ang lumilipas at parang lagi akong naghihintay sa mensahe nya. Hindi ko sigurado sa lahat sa kanya pati na rin sa sarili ko kung hanggang san kami tatagal sa ganitong sitwasyon,dahil kung tutuusin una ito sa akin. Noon kasi binabalewala nya ko madalas no words, even small talk, wala. Ako lang ang maghahain at sya ang customer para lang kumain. Parating ganon lang ang tagpo namin na kailangan ko pang umakyat sa gate ng apartment nya para kang mapansin at mas mapatagal ang usapan. Yun nga lang pagkainis ang nararamdaman nya sa akin sa mga panahong iyon. Hindi tulad ngayon na mabait sya pag kausap mo, natutuwa kayo sa ideya ng isat-isa ngunit nakabase sa oras kung kailan nya lang gustong kausapin ka. Magulo, nakakalito.
YOU ARE READING
The Programmer's Lover
Random"Kaya siguro tayo pinagtagpo ng maaga kasi hindi tayo sabay tatanda"
