Start
"Ey classmate.Good morning." Lumitaw sa harapan ko ang nakakabuset na pagmumuka ni Angeles at may hawak pa talagang yakult with straw, Hayst!.
"Morning." Tamad kong tugon. Kumpleto na kaming mga magkakaklase, bihira lang naman ang umaabsent sa block na ito siguro dahil first week of second sem pa lang naman at sabik pa sa pag uumpisa ulit ng klase. Nagpapasalamat na rin ako dahil kami yung huling batch na hindi nasakop ng K-12 dahil kung ganon magbubuno pa ako ng dalawang taon sa Senior High bago makapag-College.
"Naaantok ka na naman ba?" Nasa unang row sya pero magkatapat kami kaya anytime na gusto nyang makipagdaldalan or let's say makapamwiset babaling lang sya sakin.
"Anong akala mo sakin,Sleepy head?"
"Hindi ako ang nagsabi.Pero di naman nagkakalayo." Nagkibit-balikat lang si loko. At tumalikod sakin tapos bumaling ulit. Problema neto.
"Wallace Angeles." Nakikipagkamay. Ano bang trip nya.
"What for?"kunwaring pagtataray ko nakakairita kasi.
"Magkaklase tayo since First Sem dapat alam natin ang complete name ng isa't isa. Ganyan dapat pag first year makipagkilala ka para may makasama ka sa fourth year pag may thesis nang may makatulong ka Hahahaha. Bright idea diba? 😉"
"Dami mong sinabi.Hindi ko alam kung may sense ba."
"Bakit ba ang sungit mo. Mukang anghel muka mo ugali mo naman... Hmm"
"Sige ituloy mo."
"Hindi na nga diba. Name na?"
"May checking ng attendance mamaya makinig ka na lang ng mabuti sa pangalan na babanggitin ni Ma'am."
"Well, no need Ms. Fahren S. Faustino."
"Hoy Angeles hindi S ang middle initial ko."
"Hindi ba Fahren Sungit/Sleepyhead Faustino ay mali pala?" nakasmirk na sinabi niya.
Mabuti na lang at dumating na ang first Professor namin ngayong umaga baka kasi tuluyan ng masira ang araw ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Ang bilis ng oras pag marami kang ginagawa ,last subject na namin ngayong hapon. Whole day kami at ito na ang nakakahapo salahat, pagod na pagod na yung utak kong iproseso lahat ng lesson mula pa kaninang umaga. Samahan pa na P.E. ang isang subject kanina physically and mentally exhausted na ako. Kahit gustong-gusto ko ng dumukdok hindi pwede dahil si Sir Ed lang naman ang Instructor namin sa Subject na EDP 11A Fundamentals of Computer Science. Dalawa ang hawak nyang subject sa block naming ang isa ay ang nakakastress na Flowchart. Yes at pareho pa talagang major Subject namin iyon, kahit puro Fundamental wala akong natutunan, di naman talaga ko interesado matuto.
Ganun yata talaga pag di mo gusto ang course at kinuha mo lang dahil sa isang tao.
Nagsimulang magtanong si Sir, nagsisimula na rin syang magtawag ng mga pangalan na sasagot apat na ang napapatayo dahil hindi nakakasagot.
"Remain standing Valdevero. " panglima na sa mga kaklase kong napatayo, Yes lakas maka grade 2 pero wala kaming magagawa sa mejo terror na Instructor.
"Okay class uulitin ko tinackle na natin last time ang Introduction to computer Science walang dahilan para makalimutan nyo agad-agad! Ayoko sa lahat ang utak biyang estudyante." nagyukuan sila pwera sakin at sa iba kong mga kaklase na alam malamang ang sagot.Masipag rin naman akong mag-aral noong high school , hindi nga ako pumapasok ng walang review lagi akong handa sa bawat lesson kaya lagi rin akong kasama sa top 10 pero ngayon di ko maintindihan yung sarili ko,kung tutuusin kaya ko ihabol sa pagiging dean lister grades ko pero nag aalangan sa Major,nawawalan ako ng gana, siguro dahil ang mindset ko na lang ay ang makapag tapos.
VOUS LISEZ
The Programmer's Lover
Aléatoire"Kaya siguro tayo pinagtagpo ng maaga kasi hindi tayo sabay tatanda"
