The Filename
2013 Boyfriend's Canteen
Isang hapon na umuulan, nag aagaw na ang liwanag at dilim. Hawak hawak ko noon ang maliit na si Matthew. Wala pa ang mama at papa nya at kami ni ate Bebs ang naiwan, nakauwi na si tita Cora at bumili sa labas si Ate Ayen at Anj. Si ate Bebs bagong kasama namin na stay in ni Anj.
"Sana makabalik na sila agad nang di sila maabutan ng ulan." bungad ni ate Bebs. Nasa labas kami ni Matthew,naaaliw sa mga dumadaang sasakyan. Kagandahan na nasa tabi ng highway ang inuupahang canteen ng mag-asawa.
"Ang tumal ngayon."Si ate Bebs pa rin chinecheck ang mga available pang ulam sa bawat kaserola. "Oh tulog na?" tinatanong si Matt. "Tulog na ba?"inulit ko sa salitang pabulong.
"Pano toh di ko sya kayang ilipat sa Crib ate?"
"Sige ako na bahala.Ikaw na muna dito sa canteen ha. " tango ang aking naging tugon habang maingat na binibigay sa kanya ang bata.
"Halika na Matthew ,ako na kikilik sayo." dahan-dahan nyang kinuha sakin ang bata.
"Pano ka mag aasawa neto dapat nagsasanay ka na ngayon palang." hirap rin kasi akong ilipat na marahan ang pagkakabuhat sa munting si Matthew.
"Wag kang mag alala ate Bebs hindi ako mag aasawa ng maaga dahil di pa ko crush ng crush ko." biro ko pa
"Aaw eh simulan mo na magpapansin.Oh may bibili yata,ikaw na muna jan ha."pag iiba nya ng usapan.
Pagharap ko sa customer. Parang gusto ko na lang maging ulam,yung ako ang laman ng mga kaserola para naman maranasan kong ako yung hinahanap, ako yung choice at ako yung pipiliin nya. Char!
"One rice." halata sa kanya na nagmadali syang makasilong sa aming canteen,may ilang bakas na nabasa sya,katatapos lang kasi ng mahinang ulan at dumidilim na ang paligid
"Ah. Dine-in?."
"Hmm." Yes or No. Ano yung Hmm* kuya?Tipid naman magsalita netes.
Abay bilisan mong mamili. Malapit na kong di makagalawa ng maayos ng dahil sayo.
"Ulam po?". Ako na lang ba? Arot!
"Adobo."halla eh parehong may adobong manok at baboy , ano kaya don?
"Baboy po o Manok?"
"Pakbet na lang pala." Aaw pabago-bago, nag-uulam pala sya ng gulay. Ngayon ko na lang ulit sya nakita,last week pa noong nakita nya kong nakasabit sa gate ng apartment nya. Naka suot sya ng gray na bonet ngayon, black t-shirt na may printed na JUST DO IT at nakagray na pants at black na adidas classic shoes. Ganitong oras sya madalas kumakain pag di sya nakauniform.Mag-aalasais pa lang ng hapon. I wonder tuloy kung lunch nya pa lang ito or dinner na.
May dala syang bag parang bag na gamit sa mga Taekwondo, nevermind wala naman akong alam dyan. Basta sa mga mata ko nadagdagan ang cuteness nya. Nagpatugtug ako ng "Meron ba" na kanta basta di ko sigurado sino kumanta at original singer nito, nagustuhan ko ito syempre narerelate ako yan lang din uso na kanta noon na nakakarelate talaga ko ,and para na rin pabatid sa kanya yung tangang nope tanging feelings ko kahit alam nya na at nilakas ko pang todo yung music.
Kaso ang bilis naman kumain umiinom na agad. "Kasing cute nya yung tuta sa kapitbahay namin na pinipigilan kong iuwi at nakawin dahil Leon yung may-ari ng tuta"
BẠN ĐANG ĐỌC
The Programmer's Lover
Ngẫu nhiên"Kaya siguro tayo pinagtagpo ng maaga kasi hindi tayo sabay tatanda"
