Simula

35 2 0
                                        

Every Encounter

Cabanatuan City,Nueva Ecija, 2013

"G-Good m-morning. Sana maganda umaga mo."

"Anong maganda sa umaga kung ang makikita mo ay isang batang babae na nakasabit sa gate ng apartment ko?Bumaba ka nga dyan!" Ha? May bata ba? Eh ako ang nakasabit! Wait, ako ba yung bata? Hindi na ko bata!

Habang nagmamadali akong bumababa. Ayun sya ang sama-sama ng tingin sa akin.  Hindi iniisip na maaari akong mahulog o masugatan man lang sa gate na dalawang beses ang taas sa akin. Ay! Oo nga pala ginusto ko toh.

Napakalinis nyang tignan sa suot nyang school uniform kasama ang itim na drawstring bag na may tatak na NIKE na mukang sinadya sa disenyo na kupas ang print nito. Kung hindi nya lang siguro ako nakita ngayon nakita ko na naman sana ang kanyang kumikinang na ngiti na kasing kinang ng sapatos na suot nya, yung mga ngiting yon ang laging bumubuo ng araw ko. Kaso hindi. Ang epic ng kalagayan ko ng masilayan nya. 😐

"Stalking me again? Huh?.Why are you doing this? Really? Araw-araw na lang?."naiinis nyang tanong.

"A-alam mo na diba. Because I-I l-like you nga kasi!" Ako ang nagkakagusto pero parang ako pa ang nanunumbat.

Nauutal man pero maluwag sa kalooban kong nasabi ko ang mga katagang iyon. Siguro ay nasanay na ako hahaha.

"Tsk! Ang kulit! You already knew that I can't give what you've expecting from me."

Parang tinusok ng malaking karayom yung puso ko nung narinig ko ang tugon niya. Yung karayom na ginagamit sa pantahi ng sako ng palay.

"Then I will find a way. Kasosyo ko kaya ang BDO We find ways. 😁 Hmmn."may halong biro pero matapang kong sinabi na parang walang sakit na nararamdaman. Ngumisi pa ko sa kanya,di pinahalata na ang lungkot na pwedeng makita sa aking mga mata.

"Tsk. Whatever."napipikon na talaga sya. Hihihi. Pikon na pero bakit ang cuuuuuteee pa rin!

"Aaw.Wait! Walk out lang ang peg--...hey" marami pa kong idadaldal para mas lalong tumagal pa ang usapan namin ngunit sinapian na naman sya ng espiritu ng kasungitan. Hayst!.

"Alam mo!There's a lot of boys in the world, please tigilan mo ko. You didn't deserve me who always ignoring you. Stop chasing me."
halatang naiirita na talaga siya dahil sa pagiging desperada at pangungulit ko. Sa porma nya ngayon hindi naman sya naka uniform pero may dala-dala syang laptop as in laptop di man lang sya nag atubiling ilagay sa bag iyon.

"But you're the one that I like the only one in my heart.Hahaha"Yuck hahaha. Natatawa na ko sa sarili ko taas noo ko pa namang binanggit na para bang hindi weirdo sa pandinig ang mga salitang binitawan ko. Corny pa sa corny.

"I'll repeat it over and over  again. I don't want you KIDo! And I will never do." Now he smirk in a full irritated face.

"Then I'll repeat it to you my Cutie  Baby Face man I don't want you to like me back but I will assure you that you'll need me and love me in the right time of our life.Hahaha Saka pwede ba sa susunod na mag uusap naman tayo wag puro English iilan lang baon ko! "  Pagkatapos kong sabihin iyon tinalikuran ko siya at tumakbo pauwi.

"I hope there's no next time!Tsk."mahina ngunit malinaw sa pandinig ko, nakakatuwa lumingon sya  sa gawi ko.

"Narinig ko yon! Marami pang next time! At wala kang magagawa! Bye! BB face!" Yabbyu! ihahabol na isisigaw ko pa sana pagharap  ko kung nasan sya kaso nakita kong pumara na sya  ng tricycle patungong Cabsey University.

Ganyan na ganyan nabubuo ang mga araw ko no'n. Masayang masaya na kong nakikita sya kahit sandali, kahit limang segundo lang,kahit di ko sya makulit kahit isang tanaw lang is okay na. Swerte na pag nagkakaroon kami nang katulad nang ganong conversation. Kahit lagi syang walang kibo at nakasimangot sa mas maraming oras ng araw,natutuwa ako kapag napagrereply ko sya, mas buenas kung hahaba pa ang usapan. :-)

I was only 16 years old  that time at malinaw pa sa akin ang lahat ng tagpo. Kung kailan ko sya unang nakita, wala akong pake sa una nyang hitsura at presensya. Sa edad kong iyon nagsimula kong mahalin sya.

June 1,2013

Almost 3 pm na nang makarating ako sa Boyfriends Eatery. Unang beses na malalayo ako sa pamilya ko.Unang trabaho bukod sa paglusong sa bukid at bakery. Unang malaking pagsuway sa desisyon ni  Mama dahil nagpumilit akong magtrabaho agad pagka graduate ng high school. Natatandaan ko pa ang mga salitang binitawan nya noon.

"Bakit ka nagmamadali bata ka pa. Mas marami pang ibang trabaho, sa mga mall ganon,tutal graduate ka naman ng high school, mamaya masungit pa maging amo mo jan sa papasukan mo! Hay nako uso ang rape ngayon" naramdaman ko naman ang pag aalala nya kaya naintindihan ko mga pagalit nya kaso I know myself too well and I am proud to be a stubborn. Kaya tinuloy ko kahit labag sa kanila. What my goal is makatulong sa kanila at maiahon sila sa kahirapan. Kahit mahirap,alam kong nakakapagod at nakakalungkot na malayo sa kanila,ito ang pinaka mainam kong gawin. Pero parang naging iba ang plano, alam ko na  malayo sa plano ko ang umibig. Hindi ko man lang naisip ito. Tanggap ko na sabihan ako ng mga kaklase ko mula pa noon elementary hanggang high school na abnormal daw pag walang Crush. Like duh? ano sense non, hanggat di pa naman ako Zombie ay okay lang sa akin na wala talaga eh sa wala nga. I'm not interested to all boys. Dahil wala talaga kong nagugustuhan. Oo may mga naging kaklase naman ako na may mga itsura na matutulala ka na lang sa  kagwapuhan at kacute-tan pero hindi ako nagkainteres kahit isang beses. Abnormal na kung abnormal basta alam ko mas attitude mga taong may itsura dahil feeling nila sa kanila na focus ang mundo, puro atensyon,dahil sa biyayang meron sila. Oo! Ganun ako kajudgemental na tao. Judge mo rin ako! :-[

Napatunayan ko lang na mali ako, na mali ang opinion ko nung nakilala ko ang pinaka cute na tao sa mga mata ko.May kayabangan at kasungitan minsan pero sa kabutihan ng puso sya ang number one. 8-)

Love at first sight ba tawag don?
Una ko syang nakita sa Boyfriend's Canteen. Kalabasa't sitaw pa nga yung ulam nya. At halos madami pa ang natira.Sa ngiti na nakakatunaw nya habang  nagbabayad sya ng kinain sa akin. Unang customer, at ang unang plato at baso na hinugasan ko ay yung sa kanya.Hindi ko naman alam na sya na rin pala ang  unang lalaking magpapatibok ng puso ko sa kauna unahang pagkakataon.

At dito nabago ang simpleng buhay ko. Sa lalaking nagbigay nang saya at lungkot sa puso ko na syang una kong minahal at nagpatibok ng puso ko. Sa kanya unang naramdaman ang sakit ng hindi maibalik na pag ibig ,sa  lalaking tumagal ng walong taon bago ko makalimot... bago mapalitan ang lahat... bago mabaliktad ang mundo. Ang hirap magmahal ng isang introvert.

The Programmer's Lover Where stories live. Discover now