Bea's POV
"Hayop sya, Hindi ko sya mapapatawad, Binadoy nya ako, Binaboy nya ang pagkatao ko"
"Anong mukha pa ang maihaharap sa pamilya ko? Sa mga kaibigan ko? Sa mga taong nakapaligid sakin? Wala na akong kwenta, wala ng kwenta ang buhay ko"
Hindi ko mapigilang mapaiyak sa kalagayan ko ngayon
Hindi ko na rin alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko
Ang lamig ng hanging humahampas sa muka ko
Ang ingay ng mga sasakyan
Ang dilim ng paligid at tangin mga sasakyan lang sa kalsada ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa daan
Nakakatakot ang lugar na toh, pero hindi ko alam kung paano ako nakapaglakad papunta sa overpass na ito
Wala ring masadong tao na tumatawid dito, marahil ay natatakot silang dumaan sa dilim ng lugar
Pero... "ito ang gusto ko, walang makakakita sakin kung may gagawin man ako" pabulong kong sabi sa sarili ko
"Hindi ko naman nais taposin ang buhay ko, pero wala na rin naman itong kwenta ehh"
Tiningnan ko ang mga sasakyang nagdaraan sa ibaba ng overpass
"Ang ganda ng mga sasakyan, para silang nag-uunahan sa pag-uwi sa kani-kanilang mga bahay"
"Lahat sila excited na muling makapiling ang mga kamag-anak nila"
"Ako kaya? naisip din kaya ko ng mga kamag-anak ko?"
"Ilang buwan na rin ang nakalipas, pero wala akong nabalitang may naghanap sakin"
'Hindi ko na kaya, kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko, Wala ng luha ang tumutulo sa mga mata ko, naubos na siguro'
Dahan-dahan kong inangat ang kanan kong paa sa rehas ng overpass
Hindi ko mapigilang mapahikbi "sana pagtapos nito, makunsinsya sya sa mga ginawa nya!"
"Hindi kita mapapatawad, hinding-hindi kita mapapatawad!" sigaw ko sa ibabaw ng rehas
Handa na akong mawala
Handa na ako sa gagawin ko, kahit na alam kong malaking kahihiyan ito
Pinikit ko ang mata ko at dinama ang hangin
Wala na ang mga paa ko sa rehas
Ilang sandali nalang, at wala na rin ang buhay ko
Pero nakaramdam ako ng sakit sa tiyan at nanlamig ako ng mahawakan ko ang bakal na sahig ng overpass
Mark's POV
"Ang hectic ng araw na ito, Grabe"
"Hindi ko na alam kung anong uuhanin ko sa mga school works na pinapagawa nila samin"
"May thesis defense pa kami next week!" Usal ko sa sarili ko habang tinatahak ang pinaka-paborito kong daanan
Ang overpass sa latex, dito ako lagi tumatawid para sumakay ng jeep pauwi sa apartment ko
Tuwing dumadaan kasi ako rito, wala laging masyadong tao, at nakasanayan ko na, na kausapin ang sarili ko at maglabas ng sama ng loob sa lugar na ito
Ang lugar na ito ay ang basurahan ko sa makalat na mundo
Napatikom saglit ang bibig ko ng matanaw ko ang isang babaeng nakatayo sa 'di kalayuan
Mamaya kasi isipin nya na baliw ako dahil nagsasalita ako ng mag-isa
Pero parang mas weird pa ata sakin ang babaeng toh
Para syang galing sa Halloween Party, may suot syang white dress? Na gula-gulanit at ang dumi pa, para syang lumusong sa putek, wala rin syang suot na sandalyas
BINABASA MO ANG
A Broken File
Short StoryAng kwentong ito ay kwento ng iba't ibang tao sa iba't ibang oras, araw, panahon at pagkakataon. Kwento ng pagkadismaya, kalungkutan, saya, inspirasyon at marami pang iba Susubukan nating salaysayin ang iba' ibang uri ng persona sa iba-ibang uri ng...
