Chapter 5

339 85 64
                                    

"Himala yatang hindi ka pumasok kahapon, Dre'. Bakit ka pala hindi pumasok kahapon?"bungad agad sa akin ni Budoy at Lolo na nakahalukip-kip ang mukha na nakamasid sa akin.

Minsan ang sarap bigwasin ng dalawang kumag na ito. Hindi pa ako nakakapag-review sa kahapon na lesson tapos tatad-tadin nila ako ng katanungan. Tingin ba nila sa akin nasa Q and A.

Imbis na sagutin sila ay itinuon ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng notes na ipinasa sa akin ni Prof at hindi na sila inintindi. Madali lang naman intindihin ang mga lesson kahapon pero kung makaangal ang dalawa daig pa nila ang nasa senior year.

Masasabi kong kahit nasa freshmen palang kami ay may mga bagay akong namimiss pero hindi naman ganun kahirap para hindi maintindihan.

Nang mag-umpisa na ang klase ay hindi naman ako natanong ng Prof kung bakit ako wala sa klase niya kahapon kaya nagpatuloy lang sa discussion. Naisip ko nalang ang mga tinuro sa akin ni Bunnie kahapon at hindi man lang ako nakapagpasalamat dahil namulat ako sa katutuhanan na hindi lahat ng natatanggap kong ngiti ay totoo.

At yung step 1. Agad ko iyon pinag-isipan kagabi pero sa lahat ng pwede kong paghirapan na isipin ay yun pa. I never been do hard, dahil lahat madali lang sa akin. Madali lang matutunan at mapag-aralan, yet inabot ako ng siyam siyam kagabi kakaisip kung ano ba ang gusto ni Flor.

Oo, gusto ko siya noon pa man at hindi ko na namamalayan yung mga gusto niya. Ganun pala kahirap alamin ang gusto ng isang tao. Akala ko madali lang yun. Akala ko kunting search ko lang sa utak ko may lalabas ng sagot but I never expect that will be hard.

I should know, Flor. Dapat alam ko yung mga ayaw at gusto niya. Pero sa tinagal tagal na pagtingin ko sa kanya hindi ko na iyon inisip. Dahil na rin siguro sa pagiging mature ko at pag-iisip na hindi lahat ay laro.

Mukhang dito ako mawawalan ng idea sa pag-iisip.

Natapos ang klase at nauna na akong lumabas ng kwarto para hanapin ang Bunnie na iyon. Sabay sana kaming kakain nila Lolo at Budoy sa tambayan namin kaso nagpaalam na ako na may gagawin at baka sa susunod nalang.

Sa pagkakaalam ko hindi pa tuluyang nag-transfer si Flor sa University namin kaya may oras pa ako para maligawan ko siya ng tama.

Hindi ko alam kung tama ba ang tinatahak ko basta nakita kong nakauniporme si Bunnie na pang- nurse kahapon. And her building should be here. Wala naman akong mapagtanungan lalo na at nasa loob pa ang lahat, pero alam ko na nasa akin ang tingin nila.

I'm like a walking celebrity without my guards. I'm so full of myself that I could say I'm the most handsome in this yet nope. I'm a humble person I don't do such a thing like that.

Sa pinadulong bahagi ng pasilidad ay napansin kong naglabasan na ang ilang estudyante roon at mukhang may pinag-uusapan.

"Hindi na talaga nadala si Sandoval kay Ma'am"

"Alam niya naman na War Freak yun tapos umabsent pa kahapon"

"Sa totoo lang hindi ko lubos maisip kung bakit niya kinuha ang kurso na ito"

"Wala siyang dedikasyon. Puro pacute lang ang alam"

"Napaka- Bobo niya pa"

"Ngayong sem lang siya aabot dahil sa susunod siguradong babagsak siya"

"Magnu-Nurse tapos hindi kayang pag-aralan ang ganitong bagay"

Ayan yung ilang narinig ko sa kanila. Gusto ko pa man sana magtanong pero mukhang nakita ko na ang hinahanap ko.

Sa loob ng kwarto nila nakita ko siyang nakatayo habang nakataas ang kamay na may hawak na libro at pansin ko rin na nahihirapan na siya. Habang yung teacher naman ay pansin ko na pinapagalitan siya dahil na rin sa gesture nito at sa mukha ni Bunnie na parang gusto iiwas ang tenga sa kanyang Prof.

Mr. Naive Varine Series #1Where stories live. Discover now