Chapter 1

1.1K 104 90
                                    

Carlos

I'm now a first year college, no longer the high school boy in a tack-in look. No it's a joke who would do that. It's an old style.

Kinuha ko ay business management which is not exactly what I want. Sa ngayon ay wala pa akong desisyon para doon.

Napatingin ako kina Lolo at Budoy na ngayon ay sarap na sarap sa pagkain ng cake nila na libre ko. Sinong mag-aakala na hanggang dito sa college ay magkakasama pa rin kami.

"Iba talaga ang pastry nila dito Dre' anyway. I'm glad that we take the same course" Lolo said to us. Napatango tango naman kaming dalawa ni Budoy na ngayon ay umiinom naman ng tsaa.

"Akala ko talaga kukunin ni Carlos ay librarian kasi mas gusto niya pang kasama ang mga libro kaysa sa atin diba "natatawa nitong saad. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Hindi na talaga nagbago ang Budoy na ito.

"Wag mo nga yan, awayin tandaan mo libre niya ito"paalala ni Lolo sa kanya. I just shrugged my shoulder. I forgot they are Idiot.

"Malapit na ang klase natin kaya bilisan niyo na yan"utos ko naman sa kanila.

"Aye! Aye! Sir" sabay nilang saad sa akin.

"Ay narinig niyo na ba?"biglang tanong sa amin ni Lolo. I just sipped a cup of coffee while leaning my eye's on him.

"What is it?"we both asked.

"Si Flor dito mag-aaral. Hindi sa sinasabi ko na may interest ako doon. Narinig ko lang naman" nagtataka niyang tanong.

Muntik ko ng makalimutan siya. Noong nagGrade 9 ako ay nabalitaan ko nalang na umalis siya ng pinas at pumunta ng Bahrain. Wala namang ibang nasabi ang teacher tungkol doon hanggang sa nabalitaan namin na sikat na siyang model roon.

She's my first love and I'm still inlove with her. And plus the thought that I can't still approached my feelings for her. How would I? Everytime I decide to do that, my tongue always twisted.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-iiiiibig.

Sana naman ay---"hindi na natapos ni Budoy ang kinakanta niya ng bigla siyang batukan ni Lolo. "Bakit???"asik niya rito.

"Kita mong nagmomoment ang Dre' natin tapos kakantahan mo"tugon naman ni Lolo.

"Ay hindi pa ba siya sumusuko sa babaeng yun? Ang dami niya kayang naging boyfriend sa Bahrain"tatawa tawang ani ni Budoy sa amin.

I crossed my arms as I think of it. Hindi na dapat ako magulat kung mangyari man iyon dahil nga maganda si Flor at matalino rin. Sinong gago ang hindi magkakagusto sa tulad niya. Bulag nalang yata yung hindi makakakita ng kagandahan niya.

"Okay kalang ba Dre' move on na rin kasi maraming babae na nagkakagusto sayo dito. Why not date with them?"payo ni Lolo sa akin. Tumingin nalang ako sa labas at doon tinuon ang pansin.

"First love never dies, Dude"maikling tugon ko sa kanila. Narinig ko naman na napasinghap sila sa sinabi ko at tila tumututol na sila sa gusto ko. 

"Hindi sa kontra kami sa gusto mo tol pero paano mo malalaman na gusto mo pa rin siya kung hindi ka titingin sa iba? Look, dude... loveshit is in college why not enjoy it?"Lolo said

"Yeah!"I grinned "Like your LoveShit, Dude"

"Atleast hindi ako torpe. At naeenjoy ko ang buhay binata kaysa sa sayo na naghihintay sa wala"

We all decide to finish our breakfast there and go back to our main building. Nasa ikatlong palapag ng building ang kwarto namin kaya minsan iniisip ko kung pwede nila lagyan ng elevator yun. Napaka-hassle kapag nilalakad lang iyon ng estudyante. May pundo naman kaya alam kong kaya nilang supurtahan ang gusto ko atsaka lahat kami ay makakabenefit sa gagawin nila, if ever.

Maraming nangyari bago ako makatuntong sa college at nagpapasakit lalo sa ulo ko nang mga araw na yun ay ang pagiging matigas na ulo ni Nicole.

Sila ni Papa ay lagi na rin nag-aaway sa maliit na bagay pero hindi naman yun nagtagal dahil nagkakasundo rin naman sila.

Nang matapos ko ang high school ay hindi pa talaga ako nakapagplano para sa kinabukasan ko. I'm smart and handsome but I have responsibilities for my family lalo na at hindi ko maaasahan si Nicole. And I don't mind it anyway, because I'm their big brother also the part that Papa trust me.

"King-ina mo Dre' hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan mo, gago. Kahit madami ka ng nabasted"saad sa akin ni Lolo sabay suntok suntok sa akin habang pinagsisipa ako na iniiwasan ko naman.

"I'm a Varine, what would you expect?"ngisi ko sa kanya. Yes, I'm a totally hot when it comes to girls.

"Sandali lang mga bro, kita nalang tayo sa Bar na bagong bukas. Susunduin ko lang ang pinsan ko sa Nurse Department"biglang paalam sa amin ni Budoy. Wala naman kaming nagawa kaya kumaway nalang kami ng umalis siya.

Pumunta kami sa parking lot at sumakay na kami ni Lolo sa sarili naming kotse. I got this when I graduated and it almost hitted a tree when Nicole droved it somewhere. Halos hindi pa nga ibigay sa akin ni Papa ulit ito ng pasukan dahil sa ginawa ni Nicole, buti nalang at hindi siya natitiis ni Papa.

I can't believe that tears is his weakness. I don't even gave a guts to talk to my bitchy sister when she wants a talk or even she cry infront of me. While Papa just, 'hello I'm crying should you forgive me' argh, I hate Papa's weakness.

Sabay kaming pumasok ni Lolo sa loob ng bar at tumambad sa amin ang malikot na ilaw na may ibat ibang kulay na sumasabay naman sa tugtog ng bawat musika sa loob. Tila lasing kung gumalaw ang paligid at sobrang ingay nito sa tenga. Pumunta kami ni Lolo malapit sa may Stoll at umurder ng drinks. I don't do hard drinks just San Mig will be.

"Wala pa rin ba si, Budoy?"tanong sa akin ni Lolo habang umiinom ng beer niya sa baso.

"Sabi niya paparating na siya"saad ko naman sabay inom rin sa bote.

Dahil sa tagal ni Budoy ay agad na nakasungkit na naman ng babae si Lolo. At napapangisi nalang ako habang naglalampungan sila. Anyway, he's a playboy what will you expect plus he have the genes of being a Varine. Varine blood is flowing on his veins.

Nang wala pa rin si Budoy ay nagpaalam muna ako kay Lolo na pupunta muna sa C.R. matapos niyon ay agad na akong lumabas kasabay niyon ang pagkakasalubong ko sa isang babae kasama ang isang lalaki. Hawak hawak nito ang pulsuhan niya at mukhang hindi ito nagustuhan ng babae.

Hindi ko na sana papansinin ng makita kong bigla siyang halikan sa leeg na hindi ko na talaga natiis. He's harassing the girl and it's not me who will just stand here. Hindi na ako nagdalawang isip at sinapak ko nalang siya.

"Gago, ka. Bakit mo ako sinuntok"nanlilisik na saad niya sa akin habang nakahandusay pa rin siya sa sahig. Nagkatinginan ang lahat sa amin at akmang susuntukin niya rin ako pero may dumating na bouncer.

Hindi nalang ako nagsalita. Nakuha na siya ng bouncer ng bigla nalang niya akong hilahin at suntukin rin hanggang sa muntik na namang nagkagulo hindi na ako gumanti dahil hawak hawak na ng dalawang bouncer ang kamay nito sa likod.

I can taste blood from my lips so I just wiped it. I gave a glance to the girl that is now looking at me like a fan. Wait! Is she a High school student?

Pumikit muli ako at tiningnan siyang mabuti. Oh! I'm seeing a dwarfy now. Or she's just a student. But how she entered the bar.

"Hey, okay kalang? Hala, dumudugo ang labi mo. Sumama ka sa akin"magsasalita pa sana ako ng tangayin niya ako palabas ng Bar. Pagkalabas namin mula sa back door ay nakakita agad ako ng 7/11 store.

@naokoalliv

Mr. Naive Varine Series #1Where stories live. Discover now