Intro

2K 99 72
                                    

Carlos

I'm just wearing my glasses and pants while reading a book and having a cup of tea while seeing my sister Nicole in her teddy bear pajama and watching me reading this book of hers.

"Kuya, alam mo ang bastos mo. Could you just wear your clothes  and go down, so we could eat our breakfast"she calmly said while frowning on me

"And who told you to come here?"I ask her with rude voice. Sinara ko ang libro na kinuha ko sa kanya at inubos ang tsa-a sa baso ko.

"Puro ribs ka, ribs"sigaw niya sabay labas ng kwarto ko "Isusumbong kita kay Mama"habol niyang sigaw.

Napangisi nalang ako sa inasta niya. I'm 12 while she's 11 but she act like a 8 years old child. I'm wondering how that can be. When I'm in her age I just read book and books. Hindi ko na nga naalala na nakapaglaro ako noon dahil nga mas advance ang utak ko kaysa sa kanila.

Bumaba ako sa kwarto at sumalubong sa akin sina Mama at Papa na busy sa paghahanda ng pagkain sa lamesa. Habang nakaupo naman ang tatlo sa usual spot nila kapag kumakain. Umupo na rin ako at kumuha ang breakfast ko na egg sandwich. Pansin ko naman na ang sama ng tingin ni Nicole sa akin kaya sinipat ko iyon at tinugunan ng ngisi. She have this kind of action and also bad attitude.

At sa susunod na tatlong segundo ay... "Ma! Si Kuya sinasamaan na naman ako ng tingin. Sabi ko sayo dapat pinatulog niyo nalang yan e'. Tapos nakita ko po siya na nakatopless lang. Wala namang abs. Ma' Pa si Kuya ohhhh!" Sigaw niyang sumbong. Sabay silang umupo ni Papa at Mama sabay buhat sa bunso namin na si Cristine na 7 yrs old palang habang sinusubuan naman ni Papa si Chris na 9 years naman.

"Nicole, kumakain tayo. Wag kang sigaw ng sigaw "saway sa kanya ni Mama. Maraming nagsasabi na kahawig ni Nicole si Mama dahil sa kutis nitong mestisa at mata nitong may pagkabrown habang ang ilong ay kay papa na may pagkamatangos.

"Look Ma. Si Kuya"sumbong niya ulit pero hindi nalang siya pinansin ni Mama at kumain nalang nginitian ko naman siya na parang ako ang nagwagi. Wala pa akong ginagawa niyan.

"Anyway, how school? Carlos"tanong bigla sa akin ni Papa

"Pa, si Kuya inaway niya yung crush ko. Sabi niya napakabobo at walang utak daw niyon. Hindi daw sila magkalevel"-okay, plus this attitude too. Napakasumbungera niya.

But for that, that was true. Hindi sa Crush siya nitong sumbungera kong kapatid, umiinit talaga ulo ko sa kanya lalo na kapag lumalapit siya sa babaeng gusto ko. Maybe I'm just envy with him. I'm not capable of talking to others though.

"Aalis na po ako, Ma, Pa"matapos kong kumain ay umalis na ako sa harap nila at sinimulan ng magbihis ng pangschool. Bago ako kumain kanina tapos na ako maligo kaya magsusuot nalang ako ng uniform.

Ako ang nangunguna ngayon sa school kaya hindi maiiwasan na maraming mainggit sa akin at kuntrahin ako sa bawat galaw ko. Bilib ako sa sarili ko dahil marami akong kayang gawin na hindi ko maikokompara sa iba, marami din akong nalalaman at madali kong natutunan ang bagay pero madali akong mabored sa mga bagay na natutunan ko.

When I was in Grade 6, I planned to learn how to use motorbike which Papa not agree with it. Baka daw maaksidente pero dahil gusto ko at walang makakapigil sa akin. Sumama ako sa mga pinsan ko na sina Lolo at Budoy, let's not talk about their nicknames. Natutunan ko agad ang pagmomotor and it was take 3 days only. Agad naman akong nagsawa kaya hindi ko na sinubukan magmotor at naghanap nalang ng ibang bagay na pwede kong pagkainteresan.

Nang makarating ako sa School ay agad kong nakita sina Lolo at Budoy na kumakain na naman ng street food na ayoko naman tingnan. Baka kung ano ano pang sakit ang makuha ko dyan. Pero ayan sila kumakain at parang hindi iniisip ang sakit na dala nito.

Kumaway ako sa kanila habang sila ay natatawang lumapit sa akin. Umakbay sila at itinapon ang hawak nilang stick.

"Hello, Couz. Nasaan ang sumbungera mong kapatid?"biro sa akin ni Lolo habay tusok tusok sa gilid ko.

"Hindi papasok kasi may tantrums na naman" walang gana kong sagot. Sa isang bagay lang kami nagkapareho ng kapatid ko at yun yung pagiging matigas ang ulo.

"Tantrums? Laki na niya kaya"natatawa namang tanong sa akin ni Budoy. Hindi ko naman siya pinsan kaibigan ko lang talaga ito. Si Lolo ang pinsan ko at ito namang si Budoy ang kaibigan ko since elementary.

"Akala ko ba crush mo yun. Tapos binabak stab mo"ngayon pareho na silang tumatawa.

"Flat kaya niyon "biro niya pa kaya hindi ko nalang pinansin. Wala pa ang teacher namin kaya nasa gilid kami ngayon ng bintana at pinagmamasdan ang mga kaklase namin na naglalaro pa rin.

Isang open field ang paaralan namin kaya malawak kaming nakapaglalaro rito. Marami ring puno na nakapaligid rito kaya hindi masyadong mainit kapag umaga o hapon.

"Dre'... Dre' si Flor, oh"tawag bigla sa akin ni Lolo na abalang abala sa pagtingin sa labas.

Napatingin ako sa tinuturo nila at naroon si Flor ang nagugustuhan kong babae mula noong kinder pa kami. Sa kasamaang palad lang ay hindi kami magkaklase pero napakatalino rin niya at napakaganda.

Matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, matangkad at maputi. Kaya hindi na ako nagtataka kung may magkakagusto man sa kanya na mga lalaki rito sa school namin dahil may lahi siyang Espanyol, kaya ganyan nalang ang kanyang ganda.

"Iba talaga kapag umibig ang isang Varine. Kaso ang torpe"biro na naman ni Lolo sabay tapik sa aking balikat. Natatawa narin ang isa rito sa tabi ko kaya napabuga nalang ako ng hangin dahil sa pinagsasabi nila.

Totoo kasi na napakatorpe ko, lalo na kapag nasa harap ko na siya. Tatayo na sana ako ng hilain pabalik nila ako sa upuan.

"Oy, sandali lang hindi ka mabiro"pigil tawang saad ni Budoy. "Tingnan mo muna yung kasama niya"

"Ano naman ang meron sa kasama niya para maging interesado ako?"tanong ko naman.

Napakamot- kamot naman siya sa sinabi ko "Hirap kausapin ang isang tulad mo, Varine. Tumingin ka nalang nga doon" tinuro niya muli ang kinaroroonan ni Flor at doon ko nakita ang tinuturo niya.

May kasamang babae si Flor na hindi nalalayo ganda niya. Matangos ang ilong at mahaba rin ang pilik mata nito kaso mukhang pinagkaitan ng tangkad at kafashion fashion sa katawan. Hindi naman niya alintana ang tingin sa kanya ng iba dahil tatawa tawa lang siyang nakikipagkwentuhan kay Flor. Magkaibigan yata sila.

Anyway, I'm not interested in her. Maybe I'll confess my feelings to Flor when it comes the time.

@naokoalliv

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon