Tinitigan ko sya,wala pa ring gana. Mga muka ko'y nagtatanong kung ano na namang walang kwentang idea na meron ang utak nya.
"Alam mo ba na ang pag aaral ay nakasisira sa trabaho... at ang trabaho naman ay nakakasira sa pag aaral. Kita mo. Hindi mo alam na magkagrupo tayo sa Major subject na ito." 3rd year na kami, first semester at yes ganyan sya kafeeling close sakin. Well naging matino naman na syang kaklase at kaibigan,pero madalas ko pa rin syang di makasundo. Kaming apat lang nila Peter at Glay ang magkakasama since then. Si Glay ay naging kaklase namin nung 1st year 2nd sem,at napasama rin sa barkada. Madiwara sya at masungit,galing rin sa mayamang pamilya. Pagmamay ari nila ang malawak na lupain sa Gabaldon. Hindi ko nga alam kung pano namin sya nakasundo dahil halos lahat ng kaklase namin ayaw sa kanya dahil sa pagiging grumpy nya samantalang ako binubuset lang sya sa pagiging grumpy.
"Tigilan mo nga ko sa mga nonsense mong trivia.Anong gagawin natin jan, at nang masimulan na." pagtataray ko kunwari hindi interesado sa biruan.
"Boss.Need lang naman po natin na gumawa ng sample POS na gamit ang php database na may isang lehistiradong business profile for our Group Assignment sa EDP22"Pag napipikon ko na sya naririnig ko na yung salitang Boss hahaha. Why so serious today? Mr. Wallace 😁
"Oh tapos?"
"Meaning we need to start the coding now .Wala pa tayong nasisimulan.Kasi sa tuwing tatawagan kita kung hindi nakapatay ang cellphone mo, kakagigising mo namang sasagutin yung tawag ko,ang ending wala pa tayong nasimulan."Halatang nagpipigil na sya hahaha. Pa-Hi Hi ka pa kanina pikon ka naman na ngayon.
"Ha? Coding na naman?. Eh sa laboratory nga ilang beses akong nagdedebug kahit puro activity pa lang yon! Tapos...magcocode na naman tayo ng isang program at take note. Assignment lang ha.!?"
"Tapos parang ako may kasalanan. Hayst!" Tuluyan na nyang nasapo ang noo sa stress.Ganyan sya kaaktibo sa pag aaral ngayon, kung dati sinisisiw nya lang ngayon napaka seryoso na talaga.
"Wait... wait..., kaya nga IT ka more on coding talaga yan. Fahren" si Glay
"What?! I know. Ang hustle nga naman. I hate coding and I curse debugging."pamumuwisit ko pa kahit alam ko namang importante na simulan na namin ngayon.
"Well, bakit ka kasi nag IT. Yan ang pinaka main aspect ng IT. tsk."
" Glay Course nya and ginaya ko kasi---"di ako pinatapos.
" O-o-oh. Tama na! Alam ko na buong storya, okay! Sawang-sawa na kong marinig na "Kasi IT Course nya so para mas maintindihan ko sya pinasok ko industry nya para mas malaman ang mundo nya." Si Peter na maarte. Kanina pa nakadukdok, nakikinig pala samin.
"Pwede ba Peter gagawin ko talagang Cardolito Peteru pangalan mo sa buong Campus!!.Tumigil ka na ayoko na rin marinig!. HAHAHAHA." Ewan ko di ako na-ooffend pero alam kong nasasaktan ako sa katotohanan di ko nga lang sigurado kung saan banda.
"Hay nako susuko ka rin pala sana sumuko ka na rin sa pagmamahal sa kanya. Gosh it's been 5 years bhe!" Oo baka nga tama sya. Maniwala na lang ako na maniwala ako sa katotohanan kahit masaktan atleast yun ang totoo.
"Okay!! Ayaw nyo magseryoso,then humanap kayo ng kagrupo nyo magkwentuhan kayo forever ng out of the content,bahala kayo jan!"padabog na binagsak ang mga libro pa na taban nya.
"Peter kasi.Di nyo man lang pinaupo.Hahaha" ani Glay
"Ha? Why ako?" maarteng tugon tapos sabay silang bumaling sa akin.
"Oo na! Sinadya kong bwisitin di ko naman alam na ganon sya kapikon today! Tinotoyo rin pala ang gold. Babalik rin yun maatim nya ba na umabsent eh major rin ito, mamaya na lang ako magsosorry sa sensitive na lalaking yun."
YOU ARE READING
The Programmer's Lover
Random"Kaya siguro tayo pinagtagpo ng maaga kasi hindi tayo sabay tatanda"
Chapter Three: The Filename
Start from the beginning
