Chapter Three: The Filename

Beginne am Anfang
                                        

'-Ay mukang tu-ta!"

"Tuta?Naicompare moko sa Tuta? Really? Tsk. Anyways,magkano?" Aaw. Nahuli nya kong nag-d-day dream?Narinig nya ba lahat?

"Yung tuta?" Lutang na tanong ko

"Yung kina-in ko?"Naiinis na sagot.
Pagkatapos magbayad,umalis agad. Ang sungit!. Well ako naman dahil sa di pa rin ako makapaniwala na nahuli nya ko, kumuha ko ng baso at uminom ng malamig na tubig. Huli na nung napagtanto ko na yung ginamit nya palang baso ang nainuman ko. Imbes na mandiri, natawa pa ko sa sarili ko feeling ko nakalips to lips ko sya, kaya inulit ko pa at ininuman lahat ng sides ng rim ng baso. Pag naaalala ko ito nahihiya ako kahit sa sarili ko na may halong awa 😂

"Ano yung tuta?"nagulat ako sa tanong ni ate Bebs kakalabas lang sa  kwarto nila Madam.Nagpupunas na ko ng lamesang pinagkainan nya.

"Po? Hehehe.Yung cute pong tuta jan sa tabing clinic. Iniwan mo na po si Matt sa kwarto?"  Pag-iiba ko ng usapan

Ngayon ko pa lang nililigpit ang mesa na pinagkainan nya.Halla. Repolyo,sahog na karne at sabaw lang yata yung kinain ng lalaking yun, halos di nabawasan yung ibang gulay lalo na yung talong!. Sa susunod nga issuggest kong menu Pakbet na Repolyo,tutal pwede naman yata yon! Tsk.

"Oo. Ang himbing ng tulog mamayang gabi manggigising yon.Sila Madam ang mapupuyat,wala eh nakatulog."
chinecheck nya ulit mga ulam,halata kong stress na sya dahil madami na namang itatapon mamaya iilan lang kasi pwedeng ipainit. Sabagay kahit ako kung maaari ayoko  rin ang nagtatapon ng pagkain.Sayang. Parang pagbabalewala nya sa feelings ko. Haha

"Ay! May nakaiwan ng  bag na customer. Sino last kumain?." Sya lang naman diba. Tama, sa kanya nga yan.

"Halla Oo nga. Sundan ko pa po ba?."  Di ko rin alam gagawin. Pero kinikilig ako. At iba ang naiisip kong scene. Feeling ko nasa Kdrama ako. Tapos dito magsisimula ang pagkakamabutihan namin, dahil magdadampi ang aming mga kamay,titingin kami sa isat isa  at  magpapasalamat sya sa pagbabalik ko ng naiwang bag nya. Tapos magkakatitigan ulit kami tapos....tapos pag di ko rin tinigil tong iniisip ko matatapos na talaga ko sigurado!.Hahaha

Nagising ako nung nagsalita si ate Bebs.
"Oo ihabol mo baka nanjan pa yun. Pero pwede namang ipasok mo muna sa kwarto natin tapos pagbalik nya na kunin,kaso baka may mawalan jan eh,kargo pa natin." Otherside ng utak at puso ko, pwede siguro balikan na lang nya tapos halungkatin ko muna kung ano laman ng  bag nya saka kung anong secrets 🙈. Tapos kuha ko remembrance!

The Programmer's Lover Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt