Chapter Two: Start

Start from the beginning
                                        

"Sayang ang ganda mo Fresh, sa bahay nga hindi ako naghahawak ng walis tapos ditto ayyyystt! " Si Peter habang nagsasalamin sa isa sa mga glass shelves nang library, ngayon nakuha ko na kung sino tinatawag nyang Fresh sa harap ng salamin.

"Ang init ng ulo ngayon ni Sir Ed. Tapos dinamay mo pa ko." Sinisisi ba ako ng lalaking ito,kauna-unahan toh Tsk.

"Hindi kita dinamay, dinamay mo mismo sarili mo!." Inirapan ko sya, nakakapikon na yung pagmumukha ng lalaking ito,pasalamat talaga sya at RD ko ngayon sa trabaho ko kaya okay lang kahit papano na mag extend rito sa school. Nilayasan ko sya sa pwesto namin kanina at lumapit sa nag iinarteng si Peter.

"Fahren Faustino right?" tumango ako. "Peter Romero. But you can call me Peter Fresh or Fresh for short. " sikat na sya sa classroom panong diko makikilala tong baklang ito. Napangiti na lang ako sa kaartehan nyang hindi nakakabuset.

"Bakit ba hindi ka nakikihalubilo sa classroom?" tinitigan ko sya na nagtatanong ng pano bang di nakakahalubilo?

"What I mean is pag break time or lunch di ka nakikisabay ganern kasi kung di ka naman kumakain natutulog ka, wala ka tuloy Frennywaps second sem na hmpft" paglilinaw nya.

"Frennywaps?" tanong ko.

"Ka-friendship. Halos kami nga magkakakilala na sa Block natin ikaw na lang talaga namumukod tanging isolated."

"Kailangan ba yun?"

"Ay oo naman girl. Kailangan yon, para updated ka na rin sa mga nangyayari at mas sasaya ang college life mo pag may mga tropa ka hanes. "Sabay hampas sa mga braso ko

"Pwede ba kong sumama sa tropahan nyo?" nakangising tanong niya.

"Oo naman. Ikaw pa ba Angeles pangalawa ka kaya sa mga crush list ko.."

"May tatalo pa ba sa kagwapuhan ko sa buong campus. Sino naman yang hangal na yan na una??"

"Sa campus natin wala,pero sa ibang campus meron.Yan o yung pumapasok."Napatingin naman kami sa tinuturo ni Peter. Laking gulat ko,ganito ba yung feelings di ko maintindihan hindi ko rin sigurado kung totoo bang may naririnig akong huni ng mga ibon at parang tumigil ang mundo nang sya ay masilayan muli, dahil isa sa tatlong lalaki ay si KB.

Sa dinami dami na pwedeng dumayo ng school, isa pa sya don!

"Huh? Kilala mo sila?Anong year na mga yan?" pang uusisa ni Angeles.

"Graduate na sila ano ka ba?. Naging classmate sila ng ate ko sa KU kaya nakilala ko." yung private at pinaka exclusive na school sa Cabanatuan yun diba. Oo Fahren alam na alam mo yan kasi sa Mabini yun kung saan ka nagwork dati sa may Boyfriend's at nakilala mo sya, wag mo lokohin sarili mo.

"So ano ginagawa nila rito?"dagdag tanong ko,kunwari.

"Ano ka ba naging anak-anakan na yan ni Sir Ed na syang may hawak ng IT department dati sa KU. Ang tatalino kaya nila, ang g-gwapo pa lalo na si Janjan mylove.Yiiieeh Hehehe"

"Good morning sa pinakamagandang Librarian sa buong mundo."

"Bagani. Ikaw talagang bata ka,kanina ko pa kayo hinihintay. Nag endorse ang Sir Ed nyo na dadating kayo " bungad sa kanila ni Ma'am Flor ang pinaka matandang Librarian sa campus.

"Ano po bang nangyari sa library nyo?" nagtatakang pinagmasdan nung Bagani yung paligid, nagkalat ang mga libro dahil nililinis namin lahat ang shelves, mabuti na lang at nasa gawing likod kami ngayon kaya hindi nila kami agad natanaw.

"Pinalinis ng Sir Ed nyo, o siya ano bang mga libro ang kailangan nyo at nang matulungan ko kayo."

"Tsk. Hulaan ko mga Freshmen?"tumango naman si Maam Flor tila naiinitindihan ang panghuhula ni Bagan at sinundan ng malakas na tawa."Si Sir Ed talaga pinagtripan na naman ang mga first year, ganyan na ganyan din gawain nya sa dati nyang school."

The Programmer's Lover Where stories live. Discover now