"Input, Output Process and Storage Sir."
"Finally! Very good Mr. Angeles. Tignan mo nga naman ikaw itong mukang walang gagawing hindi maganda pero wala kang kupas sa pagsagot ,pinapabilib mo akong lalo." Pangiti-ngiti pa si Sir habang paikot na naglalakad sa bawat sulok ng aming classroom.
"Now, what is the meaning of all what Mr. Angeles mentioned is? Hmmn. " nagsimula ng magsiyuko ulit ang lahat di inaasahan na may kasunod pa ang paglilitis, maliban sa iba na hindi natatakot sumagot marahil ay alam nila ang isasagot ngunit ako hindi ako natatakot kahit di ko man alam ang sagot hindi naman siguro masama ang sabihin ang totoo na hindi ko alam ang sagot kaysa matakot na harapin ang tanong diba, isa pa kaya ko rin namang tumayo sa buong klase. Natawa na lang ako sa naisip ko, ipapahiya ko na naman ba ang sarili ko sa Instructor na ito sa pangalawang pagkakataon.
"Ayan na naman ang pambihira nyong technique pero laos na dahil dumaan rin ako sa pagiging estudyanteng katulad nyo noon.. Yumuyuko kayo at iniiwasan ang eye-to-eye contact para hindi matawag.!"pagpapatuloy ni Sir Ed.
"Romero!"
"S-seir" halatang namimilipit na sa kaba si Peter ang name ng bakla kong kaklase, hay basta sya.
"Anong Seir?. Wag kang babakla sa klase ko ayusin mo yang upo mo bago ko pa hilahin yang iniipit mo!."
Nagtawanan ang mga kaklase ko nawala sandali ang tension sa mga tanong ni Sir.
"Tahimik!." Tulad nga ng sinabi nya ganun ka-masusunurin ng batch namin.Bumalik sa katahimikan ang lahat."Diyan kayo magagaling Block B sa kalokohan. Pag nagtatanong na tungkol sa lesson daig nyo pa yung mga pinitpit na suso na di makakibo. Buti na lang at may mga naligaw na future Programmer sa Block nyo "sabay tingin sa gawi ni Angeles at si mayabang naman taas noo akong tinitignan at tinataasan ng kilay. Kung Blade-din ko kaya yang kilay mo tignan ko kung magamit mo pa yan sa pang-aasar.
"Anong tinitingin-tingin mo?"pagsusungit ko sa pabulong na paraan.
"Wala.Hindi ko lang talaga maiwasan na hindi tumingin sa likuran ko, di pa rin nagsisink-in sa utak ko na may kaklase akong katulad mo. 😉."ngumiti sya ng nakakaloko,di ko na sana papansinin baka maagaw pa ang atensyon ni Sir Ed at akusahan kaming gumagawa ng ingay habang sya ay nagpapagalit kaso huli na ang lahat.
"At tignan mo nga naman, may dalawa pang nakuhang magdadaldalan rito."
"Faustino! Angeles! Stand up."
"Isa pa sa ayaw ko ang sinasabayan ako sa pag didiskusyon!." andami mo namang ayaw Sir.:-\
"Hindi naman po kayo nagdidiscuss Sir, kanina pa kayo nanenermon." Mayabang na nga nagyabang pa ayst.
"Minsan ayoko ng matalinong estudyante kase karamihan pag nasosobrahan nawawalan na ito ng modo. Bibigyan kita ng punishment pero hindi ang tulad ng pagtatanong, alam kong masasagot mo tapos yayabangan mo ko at mawawalan lang ng saysay."
gigil na gigil na ngayon si Sir kay Angeles na kanina ay pinupuri nya lang. Psh Bida-bida kasi yan nadamay pa.. Pero laks maka Bipolar ni Sir kanina okay lang sila ni Angeles ngayon hindi na.
"Now. Answer. Faustino."
"May tanong na po ba kayo Sir?"nagtawanan ang mga kaklase ko, at ang masakit ako na ngayon ang pinagtatawanan.
"Tigil! Faustino.Di ka kasi nakikinig kaya wala kang maisagot,pati tanong di mo rin alam!"
"Naiistress na ko sa inyo Block B. Alalahanin nyo na kaya ko kayong ibagsak lahat! Kaya magseryoso kayo!" At ang ending....
Nasa library kami ngayon nililinis ang bawat sulok nito , tatlo kaming nai-assign rito at ang apat pang iba ay hindi ko sigurado kung saang parte dinala ni Sir para sa parusa. Ako si Angeles at si Peter ang magkakasama
YOU ARE READING
The Programmer's Lover
Random"Kaya siguro tayo pinagtagpo ng maaga kasi hindi tayo sabay tatanda"
Chapter Two: Start
Start from the beginning
