CHAPTER 9:EMOTIONAL BREAKDOWN

4.5K 110 1
                                    

Carly POV

Tok tok tok....

"Yes?"  matipid kong sagot habang bumabangon sa kama ko.

"Papasok ka ba?" tanong ni yaya.

"Opo.." sabi ko at di na sya sumagot,rinig ko din ang mga yabag nya palayo sa kwarto ko kaya malamng ay umalis na sya.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo.After 30 minutes tapos na ako maghanda para pumasok.Binuksan ko ang drawer ko at naglagay ng light make up, nang isasara ko na ay nakita ko ang black na box na binigay sakin ni Zed.It's been a week pero di ko pa binubuksan, hindi din naman masama na buksan ko na to diba.Tsaka magiging masaya din naman sya kapag nakita nyang suot ko to if ever.Aish bakit ko ba yon iniisip.

Binuksan ko at nakita ang necklace na heart, ito rin yong napili ko sa mall nong gumala kami.Bahagya akong napangiti pero agad ding nawala.Sinuot ko ang kwintas, in fairness bagay naman sakin.Bumaba na ako at nag-almusal na.

"Tumawag pala ang mama mo,sabi nya malapit kana daw mag-eighteen kaya uuwi daw sila." paliwanag ni yaya sakin.

"Pakisabing hindi na kailangan.Wala akong balak mag-celebrate." walang gana kong sagot.

"Alam mo naman na hindi papayag ang mama mo.Pipilitin kalang ulit nya kaya hayaan mo nang gawin ang gusto nya.Baka way din nya ito para makabawi sayo." sabi ni yaya.

"Ayoko parin.." sagot ko at hindi na sya nagsalita pa.Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kotse ko at nagmaneho na papunta sa school.

Zed POV

Nandito na kaming lahat sa gate,sabi kasi ni Rose na hintayin na daw namin si Carly.Total di naman daw yon nale-late.

Nagustuhan kaya nya yong regalo ko?

Susuotin kaya nya yon?

Aurrgghh bakit ko ba iniisip yon,malamang magugustuhan nya kasi sya namili.Ilang sandali pa ay dumating na ang isang kotse.

Bumaba na sya,napangiti ako ng makita na suot nya yong kwintas.Bagay na bagay sa kanya, pero parang ang sama naman ng mood nya.Sa bagay ganyan naman talaga sya parating wala sa mood.

"Hey coz!" bati ni Jhon pero tiningnan lang sya ni Carly.Ano kaya problema nito?

"Are you okay?" nagaalalang tanong ni Rose sa kanya.

"I'm fine.." maikling sagot nya.

"I know your not.." sagot ni Rose,pero di na sya pinansin ni Carly at nagpatuloy lang sa paglalakad.Napabuntong hininga nalang si Rose bago sya sundan,kaya ang ending sumunod na din kami.

Habang nasa classroom kami,nakatingin lang ako sa kanya.Para talaga syang may problema.Pagkatapos ng klase ay nagpunta kami sa cafeteria.Ang dami na namang mga bubuyog na nag-iingay nakakainis lang.

Kami nang mga boys ang nag-order para sa dalawang prinsesa sa grupo.Sino pa ba?Naiisip ko rin, ilang linggo narin kaming magkakasama kaya naman naisip ko kung kasali na ba talaga sa grupo ang dalawang yon.

Pagkatapos naming mag-order,nagpunta na kami sa table namin pero si Rose lang nadatnan namin kaya nagtanong ako.

"Where is she?" tanong ko na naka-kunot ang noo.

"Sabi nya may kukunin lang daw sya sa classroom." sabi nya kaya umupo na kami.Habang kumakain ay may biglang pumasok ang isang studyante at tinawag si Rose.

"Rose si Carly  pinagtutulungan ng grupo ni Meranda." agad na napatayo kaming lahat.

"Saan?!" pasigaw na tanong ni Jhon.

"Doon sa may garden malapit sa library." agad-agad kaming pumunta sa sinabi ng lalaki at nakipagsiksikan sa mga tao.

Nang makarating kami sa garden ay nagulat kami sa nakita namin.Dalawa sa kasama ni Meranda ay walang malay,habang ang dalawa pa nyang kasama ay may mga sugat.

"O my god!" napatingin kami sa isang babae ng sumigaw ito.Tumingin kami sa tiningnan nito at nakita si Meranda na umiiyak dahil sa takot.

Marami narin syang pasa at dumudugo na ang labi nya,pero mas nagulat kami sa hawak ni Carly.May hawak kasi syang dagger habang papalapit kay Meranda.

"Tama na yan Carly!!" galit na sigaw ni Rose,kaya napatingin samin si Carly.Nakakapanginig ng tuhod ang tingin nya.The way she stare on us...that stare is so familiar,parang nakita ko na.

Rose POV

"Please Carly tama na yan!!" sabi ko habang umiiyak dahil sa takot at pag-aalala.

Tumingin sya samin,akala ko titigil sya pero ngumisi lang sya at dahan dahang lumapit kay Meranda.

"Please, ayaw ko na!Please!!" sigaw ni Meranda habang umiiyak,wala kaming nagawa dahil hindi naman namin sya kaya.Baka kami pa ang pagbalingan nya ng galit.

"Stay away or else..." malamig na sabi nya kay Meranda bago tumalikod.Akala ko tapos na pero bigla nalang napasigaw ang mga studyante,ang iba naman ay nahimatay nalang sa ginawa ni Carly.

Bigla nalang kasi nya ni-release ang dagger na nakatutok kay Meranda pero buti nalang at sa gilid lang nya yon tumama.Pagkatapos ng scene na yon ay dinala na sa hospital sina Meranda.Sinundan naman namin sya at naabutan namin sya sa parking lot.

"Bea!Bea!!" sigaw ko sa kanya kaya napatigil sya at humarap samin.

"Are you out of your mind coz?!" sigaw ni Jhon pero di parin sya umimik..."Pano kung napatay mo sila!!" dagdag pa nya.

"They're still alive.Sinigurado ko naman na hindi sila mamatay." napatigil kami sa sagot nya.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala kanina kasi akala ko kung ano na nangyari sayo!Tapos yon ang makikita ko.Ano ba problema mo?" di na ako nakapagpigil at nasigawan ko na sya.

"I didn't mean to do that!I just can't control my anger." sabi nya habang unti-unting pumatak ang luha.Nagulat ako dahil simula noong namatay ang kuya nya ay hindi ko na sya nakitang umiyak.Ngayon lang ulit.

"I'm sorry.." mahinang usal ko.

"I hate this feeling.It's killing me." mahinang sabi nya habang naka-tungo.

"Tell me what's wrong?" sabi ko habang pinipigilan ang sariling emosyon.

"They're coming back, and I hate it.I don't know if I can stand a day seeing their fucking faces.I'm happy with my life,are they here to ruin it again?I almost lost myself thinking that they will go back." puno nang galit na sabi nya.Hindi ako agad naka-pagsalita, sa tono palang ng boses nya ay parang alam ko na ang gusto nyang iparating.

Bigla-bigla nalang nya kami tinalikuran at sumakay sa kotse nya.Hahabulin sana sya ni Zed pero pinigilan sya ni kuya Jhon.

"Let's give her some time." sabi ni kuya kaya di na kami nakapalag pa.Pumunta nalang kami sa garden at doon ko binuhos ang emosyong kanina ko pa pinipigilan.

Fell Inlove with the Heartless Empress (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon