CHAPTER 12:THE RESORT AND HER SURPRISE

4.1K 96 0
                                    

Mark POV

Gumising ako nang maaga, nagbihis at inayos ang sarili. Bumaba na ako sa kitchen para kumain. Naabutan ko si mommy na kumakain narin pero wala na naman si daddy.

"Good morning ma." bati ko sa kanya.

"Good morning son." naka-ngiting bati nya sa akin.

Umupo na ako at nagsimula ng kumain. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ko para kuhain ang gamit ko. Pagbaba ko ay nadatnan ko parin siya sa dining kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Bye ma." paalam ko sa kanya bago umalis.

"Bye anak ingat ka." sabi nya bago ako lumabas.

Nilagay ko na ang gamit ko at nagmaneho na papunta sa bahay nina Rose. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa bahay nila. Hindi naman masyadong malayo ang villange nila kaya madali lang akong nakarating.

"Hi!" sabi ko ng makita sya na palabas na ng gate.

"Hello, ano tara na?" tumango ako sa sinabi nya, kinuha ko ang mga gamit nya at inilagay sa likod ng kotse ko.  "Thanks." sabi nya bago sumakay. Nagsimula na akong magdrive papunta sa resort.

Zed POV

Nandito na ako sa resort at inihanda ang lahat ng kailangan namin, pinilit kong magpaka-busy dahil naiinis na ako sa katagalan nila. Ilang oras akong naghihintay at sa wakas ay dumating na sila.

Tumayo agad ako sa bench ng makitang bumaba na sila, biglang nawalan ako ng gana ng makitang wala si Carly.

"Hey bro!" masayang bati ni Jhon at nagkipag-hifive sa akin.

"What's up!" sabi naman ni Mark. Hindi na ako nag-abala pang sumagot, tsk bakit ba ako nagkakaganito?

"Guys she said na di daw sya makakapunta kasi may sakit sya." sabi ni Rose, tumango nalang kami bago ko ituro ang tutuliyan namin.

Rose POV

Naunang lumabas sina Zed ay naiwan naman kami ni Mark. Mabagal kasi akong magpalit kaya hinintay nalang nya ako para daw hindi ako maligaw. Nagsuot lang ako ng white maong short at itim na tube top. Kinuha ko ang aking cardigan at lumabas sa banyo.

"Let's go?" aya ko sa kanya kaya nagpunta na kami sa pool at nakita na naliligo na sila.

"Hey love birds langoy na." sabi ni Xyrel kaya naman pinilit ko na hindi mapa-ngiti sa sinabi nya.

"Baliw." natatawang sabi ni Mark kay Xyrel kaya naman lalo kaming tinukso ng mga kasama namin.

Ilang minuto rin kaming nakababad sa tubig nang maisipan namin na kumain na muna. Nagpunta kami sa isang cottage na malapit lang sa pool at kumain doon.

Carly POV

Nag-drive lang ako papunta sa resort na sinabi ni Jhon sa akin habang tong kasama ko naman ay kwento ng kwento. Napaka-ingay talaga kahit kailan.

Ilang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating sa resort. Nagpark ako sa parking lot kung saan nakita ang mga kotse nila.

"Excuse me." tawag ko sa atensyon ng isang lalaki malapit sa parking lot.

"Yes ma'am? May I help you?" tanong nya na ikinatango ko naman.

"Hinahanap ko sina Zed." seryosong sagot ko.

"Kasama po ba kayo nina Sir Zed?" tanong ng lalaki.

"Yes." matipid kong sagot na ikinatango niya.

"Kami na po ang bahalang magdadala ng mga gamit nyo, nandoon sila sa pool area." sabi nya at kinuha ang mga gamit namin. Naglakad na kami ni Mae at hinanap ang pool area na itinuro ng lalaki kanina.

"Asan naman kaya ang pool area dito?" tanong ni Mae. Natagalan din kami bago namin nakita ang pool area na sinasabi nya.

"Stay here." sabi ko at tumango naman sya. Kumaway ako sa kanila na ikinagulat naman nila. Agad na tumakbo si Min palapit sa akin.

"I hatr you! Sabi mo di ka pupunta!" nagtatampong sabi nya na ikinatawa ko.

"Anyway, someone wants to see you." sabi ko na ikinakunot ng noo nya.

"Hey sister!" kumaway si Mae sa di kalayuan na ikinagulat ni Min.

"You're here!" sabi ni Min at sinalubong si Mae ng yakap.

"I thought you'd never come." sabi ni kuya Jhon.

"Boring." simpleng sabi ko.

"How come na nandito ka?" takang tanong ni Min. "Alam ba to nina mommy?" dagdag na tanong nya pa.

"Kahapon lang,gusto kasi kita isorpresa kaya di ko sinabi tapos kahapon tinawagan ko si Carly para magpatulong." sabi ni Mae.

"Thanks Bea." bigla akong niyakap ni Min kaya medyo nabasa ako na ikinatawa nya.

"Wait, who is she?" tanong ni Mark.

"She's my twin." masayang sabi ni Min at ipinakilala si Mae.

Nagpalit kami ni Mae at pumunta sa pool. Naglangoy sila habang abala naman ako sa pagbabasa ng libro. Maya-maya ay lumapit si Zed at binigyan ako nang juice.

"Here." sabi nya at inilapag sa mesa.

"Hmm thanks." sabi ko nang hindi sya tinatapunan ng tingin.

Ilang minuto pa at nagpahinga sila at nagbihis nadin kaya naiwan ako mag-isa. Ilang sandali ay bumalik na sila. Nagkwentuhan lang kami at nagusap tungkol sa plano namin mamayang gabi.

Nagpag-usapan nilang libutin ang resort, samantalang nagpaiwan nalang ako, pati narin si Zed kasi alam na daw nya tong buong resort. Malamang dahil sila naman ang may-ari. Ilang oras na tahimik lang kami, kahit hindi ko sya tingnan ay nararamdaman ko ang pag-sulyap nya. Naiinis man ay wala na akong nagawa dahil tinatamad na akong mag-salita pa. Ilang oras lang naman ang nakalipas at nakabalik na sila.

"Guys dinner na tayo." aya ni Zed kaya pumunta kami sa restaurant kung saan nakahain na ang napakaraming pagkain.

"Kelan ang balik mo sa Europe?" tanong ni Min kay Mae.

"Ah that, di ko pa nasasabi na dito na ako mag-aaral para magkasama tayo ulit." masayang sabi ni Mae.

"That's good para marami na tayo." masayang sabi ni Kai na ikinatawa ni Mae.

"Wait nakakalito naman kayo, edi parehong Rose tawag namin sa inyo?" tanong ni Xyrel.

"It's ok I'm not used to call Rose, just call me Mae." sabi ni Mae na ikinatango nila.

Pagkatapod kumain ay naghanda na kami para sa gagawing bonfire mamaya. Gusto ko sanang matulog pero wala na akong nagawa.

Fell Inlove with the Heartless Empress (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now