CHAPTER 2:MY FIRST TROUBLE

6.6K 165 3
                                    

Carly POV

Kring Kring

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Nang makita ko ang oras ay bumangon na ako at naghanda na para pumasok. Bumaba na ako at dumiretso na sa dining para kumain at ng makapasok na.

"Good morning yaya." masaya kong bati kay yaya, ngumiti lang sya at naghain na.

Pagkatapos kong kumain ay nag-drive na ako papunta sa school. After an hour ay nakarating na ako, pumasok na ako at tumuloy na sa classroom.

Sa labas palang ay rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko. Biglang tumahimik naman ng pumasok ako.

Umupo na ako sa upuan kung saan katabi ko Min. Yumuko nalang ako sa desk ko ng biglang umingay ang classroom. Pinilit ko paring pumikit kahit na naiinis na ako sa ingay nila.

O MY GOSH!!!andito na sila!!!

Ang gwapo mo Kai!!!

Crush kita Jhon!!!

Nginitian ako ni Mark!!!

Ako kaya!!!

Di ko na sila natiis kaya napaangat ako ng nakakunot ang noo. Nakita ko ang limang lalaki na naglalakad papunta sa likod na upuan namin, pero grabe na ang sigaw nila ah nakakainis na.

"Shut your fucking mouth!" sigaw ko na ikinatahimik nila.

Huminga nalang ako ng malalim at hinawakan ang ulo ko dahil sumakit sa ingay ng mga bunganga nila.

"Ok ka lang Bea?" nag-aalalang tanong ni Min, tumango lang ako hanggang sa dumating na si ma'am. Nakinig lang kami ng tinuturo nya.

Kkkrrriiinnnggg!!!

Biglang nag bell kaya pinayagan na kami ni ma'am na lumabas. Nagpahuli na kami ni Min dahil ayaw kong makipagsiksikan sa kanila.

Tatayo na sana kami ng tawagin kami ng isang lalaki sa likod kaya humarap kami dito.

"Rose di mo manlang ba kami ipapakilala sa kaibigan mo?" tanong ng isang lalaki, napatingin ako kay Min at nakatingin din sya sakin. Alam nya kasi na ayaw kong nakikipagkaibigan sa ibang taong di ko kilala, binigyan ko sya ng ok look kaya tumango lang sya.

"Ah guys meet my best friend Carly Beatrix, Bea meet the Campus Hearttrobs. Xyrel, Kai Lester, Jhon Kit, Zed and M-Mark Ken." sabi nya at tinuro isa isa ang mga lalaki, nangunot ang noo ko ng ituro nya si Jhon Kit. What a small world, nandito pala ang pinsan ko. Hmm...pero nang ituro nya ang isang lalaki na Mark Ken daw ay nautal sya at nag-blush ng konti.

"Ah what a small world coz,I thought you don't want to study in here?" sabi ni Jhon kaya napatingin sila sakin except Min.

"Mom force me." malamig kong saad.

"Wait coz? So your his cousin?" nagtatakang tanong ni Mark, tumango lang ako.

"Ah guys we have to go." sabi ni Min, aalis na sana kami pero pinigilan kami ni Kai.

"Sabay-sabay na kaya tayo, sa cafeteria din naman kami eh." sabi ni Kai kaya wala na akong nagawa.

Naglakad kami sa hallway papuntang cafeteria at inis na inis na ako sa mga tsismosa dito.

"Gosh! Tingnan mo yong transferee oh!"

"Like duhh bakit she make lapit lapit with my loves!"

"Eww what a flirt!"

What the! Ako flirt! Excuse me,  mas maganda naman ako sa kanya. Susugudin ko na sana ng hawakan ni Min ang kamay ko, tumingin sya sakin na parang sinasabing wag mo na patulan kaya huminga na muna ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakarating na kami sa cafeteria at eto na naman ang mga tsismosa.

"Bakit kasama nila ang mga Heartrob?”

"Girl tingnan mo kasama nong transferee yong crush mo oh!"

"Aurgh! Mangaagaw lintik lang ang walang ganti!"

Nakakainis! Di ko nalang sila pinansin, umupo na ako sa table na napili nila. Tumayo si Min kaya napatingin ako sa kanya.

"Bea anong gusto mo, ako na o-order?" tanong nya.

"Ice tea and Chocolate cake." walang buhay na sagot ko, aalis na sana si Min ng tumayo si Mark.

"A-ah tulungan na kita." sabi nya kaya nagtaka ako kung bakit sya nauutal. Hmm...something is fishy.

Pagkaalis nila ay namuo ang katahimikan sa table namin hanggang sa tinanong ako ni Jhon.

"Ah Carly kelan pala uuwi sina tita?" tanong nya na ikinakunot ng noo ko.

"I don't know,and it's better that they never comeback." sabi ko in my cold tone. Bakit ba kailangang pagusapan pa yan?Nakita ko na napatingin ang mga kaibigan nya sakin. Napataas ang isa kong kilay kaya nag-iwas sila ng tingin.

Dumating na sina Min kaya nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako na pupunta lang sa comfort room.

Pagkatapos kong gumamit ng toilet ay lumabas na ako at naglakad papuntang table namin pero may humarang saking mga babae na ang kapal ng make-up.

"Hey you newbie! How dare you! Lakas ng loob na lumapit kay Zed!"  sigaw nya kaya naagaw ang atensyon ng mga studyante pati narin nang mga kasama ko.

I make a smirk nang makita ko ang pag-aalala ni Min, hmm I think, this will be my first trouble. Hindi talaga ako nolalayuan ng away.

Akmang sasampalin ako ng isa sa mga kasama nong babae pero hinawakan ko ang kamay nya at sinampal ito. Sa lakas ay napaupo sya sa sahig at umiyak pa. Tss...how weak.

"Aurgh! How dare you!" sabi pa nong isa at sumugod sakin kaya hinawakan ko ang kamay nya at pinilipit ito kaya napadaing sya sa sakit.

"Ang tapang mo ah! Nakalapit lang sa mga hearttrob! Attention Seeker!Lumalapit ka lang naman sa kanila dahil alam mong sikat sila dito!" sabi nya kaya naman nainis ako sa kanya, sasobrang bilis ay nahawakan ko na ang buhok nya at hinila sa may mahabang lamesa at ibinato ko sya don.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ng lahat pati narin ang mga kasama ko kaya napatayo sila.

Lumapit ako sa babae kanina at hinawakan ang buhok nya na hinila ko pa pataas.Binigyan ko pa sya ng dalawang malutong na sampal na naging dahilan ng pagdugo ng labi nya.

"I am not a attention seeker, I never want to be famous. Sino bang gugustuhing maging topic ng campus diba. If I were you DON'T MESS UP WITH ME." malamig kong saad bago ko sya bitawan ng marahas.

Umalis na ako sa cafeteria at dumeretso sa garden. Umupo ako sa may bench at pumikit, I wish you're here kuya. I wish you're here. Pumikit ako at ramdam ko ang paglandas ng luha ko sa aking pisngi kaya agad ko itong pinunasan.

Nanatili lang ako dito ng ilang oras hanggang sa mag-uwian. Umalis na ako at dumiretso sa parking lot para umuwi na.

Fell Inlove with the Heartless Empress (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon