CHAPTER 5:DINNER WITH THEM

5.3K 129 0
                                    

Rose Min POV

Nandito kami sa dining area at kasalukuyang kumakain.

"Kamusta na ang mga magulang nyo?Rose at Jhon?" tanong ni yaya Lyn

"Ok lang naman po busy pero umuuwi naman." sabi ni Jhon at tumango lang si yaya at tumingin sakin.

"Ayon nasa business trip po si dad si mom naman po nasa trabaho din." sabi ko at tumago lang si yaya.

"Ah Carly asan pala parents mo parang wala dito eh?" tanong ni Kai kaya napansin ko na napatigil si Bea sa pagkain, pati narin si Jhon at yaya pero ilang sandali pa ay pinagpatuloy nya din ang pagkain.

"Business." simpleng sabi nya lang.Natapos kami sa pagkain kaya nagpunta na kami sa study room nya dito para gawin ang project namin.Nagpaalam sya sandali kaya inihanda muna namin ang mga gagamitin namin habang wala pa siya.

Kai Lester POV

Nagsimula na kaming gumawa, si Mark ang nagdo-drawing kasi magaling sya don.Pagkatapos nya i-drawing ay kami naman ang nagkulay.Pansin ko na parang di umiimik si Carly kapag nanghihingi kami ng opinyon nya tungkol sa project.

"Hayy sa wakas tapos na." sabi ni Xyrel habang ibinabatak ang mga braso nya.

Pagkatapos ay inayos na namin ang mga gamit namin at pumunta sa sala dahil may meryenda daw na inihanda si yaya Lyn.Habang kumakain ay nanood muna kami ng tv para di boring.Pagkatapos ng movie ay naisipan naming matulog na dahil may pasok pa bukas.

"Guys 10 pm na kaya matulog na tayo." sabi ni Rose bago pumunta sa kwarto nya..."Good night Bea." pahabol pa nya kay Carly.

"Good night." sabi ni Carly

"Goodnight na." sabi ko sa kanila bago kami maghiwahiwalay.

Carly POV

Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay pumasok na ako sa kwarto ko.Ang bilis ng oras, sabado na naman bukas.Hayys kailangan ko na namang magpalusot bukas kay Min.Humiga na ako sa kama ko at naghintay na antukin ako.

*KINABUKASAN*

Gumising ako nang maaga at nagbihis na rin.Nagsuot lang ako ng Highwaist maong pantalon at t-shirt na kulay Black...kinuha ko ang shoulder bag na maliit lang at inilagay don ang wallet at cellphone.

Lumabas na ako at pumunta sa kusina, sakto naman na naghahanda na si yaya.Kumain na ako,pagkatapos ay nagpaalam na kay yaya.Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at pinaharorot ito papunta sa hospital.

Rose Min POV

Pagkagising ko ay nagpalit na ako ng damit ko, mabuti at sabado ngayon pwede ako magising ng late.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako, nakita ko na agad sila sa dining kaya doon na ako tumuloy.

"Good morning!" masayang bati ni Mark kaya ngumiti ako, parang wala si Bea.Asan kaya yon?

"Yaya asan po si Bea?" tanong ko.

"A-ah, nagpunta lang sa company may urgent meeting daw." sabi nya kaya tumango nalang ako.Pagkatapos kumain ay nagpunta na ako sa sala at hinintay ko nalang sya.

Carly POV

Nandito na ako sa office ni Dr.Zinn, ang personal doctor ko.

"Sorry to say pero sa ngayon ay wala pa kaming nakikitang donor para sayo.Sigurado ka ba na ayaw mong sabihin to sa magulang mo?They can help you." sabi nya sakin at tumango lang ako..."Wala na kaming magagawa kundi ituloy ang check-up, therapy at ang pag-inom mo ng gamot.Siguraduhin mo lang na di ka gagawa ng mga bagay na bawal sayo." tumango lang ko at kinuha ang gamot ko.

"No one will know about this." sabi ko at tumango naman ang doctor.

Pagkatapos naming magusap ay umalis na ako at dumiretso na sa bahay.

*AFTER AN HOUR*

Pagkapasok ko ay nakita ko sina Kuya Jhon na naguusap sa may sala.

"Oyy Bea anjan kana pala,anong ginawa mo sa company nyo?" tanong ni Min nang makita ako.

"It's a private matter,If you excused me I have to change my clothes." sabi ko at umalis na.

Pagkapasok ko sa kwarto ay umupo agad ako sa kama, napahawak nalang ako sa ulo ko nang maalala ang sinabi sakin ni Dr.Zinn.Nagbihis na ako at naisipan munang matulog.

Jhon POV

"Oyy Jhon,ganon ba talaga ang pinsan mo?Ang cold nya ah." tanong ni Kai.

"Hindi ah,ganyan lang yan kapag sa ibang tao." sabi ko naman.

"Ehh nasan pala parents nya?" tanong naman ni Xyrel

"Ahh nasa states sila." sagot ko.

"Di ba sila umuuwi?" tanong ni Mark na ikinatango ko lamang.

"Why?" biglang tanong ni Zed na ikinagulat namin.Once in a bluemoon lang kasi yan maging interesado sa isang tao or sa isang bagay.

"It's for me to know and for you to find out." naka-ngising sabi ko.

Carly POV

Nagising ako nang mag ring ang phone ko kaya sinagot na ito.

"Yes?"

(8:00 pm meeting with the councils in Main Room)

"Ok."

Pinatay ko na ang tawag at pumunta na sa baba para kumain, hapon na kasi di pa ako kumakain.

Pagpunta ko sa kusina ay naaamoy ko ang isang pamilyar na amoy at ang masasabi ko lang ay ayaw ko non.

Nakita ko sila na nagpapahidan ng icing, di ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa refrigerator.Kumuha ako ng pwede kong kainin.

"Ohh hi coz!" sabi ni Jhon kaya napatingin sila sakin.

"Ngayon ka lang kakain?" tanong ni Min kaya tumango lang ako.

Dumiretso na ako sa may mesa at sila naman ay itinuloy ang pagpupunasan.Medyo malayo naman ako sa kanila kaya makakakain ako ng maayos.

Pagkatapos kong kumain ay inilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko, nakita ko naman sila na kumakain kaya pala nanahimik.

Mamayang 7:30 pm ang alis nila kaya makakapag prepare pa ako.Pumunta na ako sa sala at nanood naman ng tv.Ilang sandali pa ay pumunta narin sila sa sala.

"Oyy guys,what if magouting tayo somewhere." suggestion ni Min.

"Hmm...maganda nga yan." masayang sabi ni Xyrel.

"Ano game?" tanong ni kuya Jhon.

"Game!" sabay-sabay na sabi ni Min,Mark,Xyrel,at Kai.Biglang napatingin sila saming dalawa ni Zed.

"Fine." sabay na sabi naming dalawa kaya napatingin ako sa kanya at ganon din naman sya.

"Ehemm..." sabi nila na may halong panunukso kaya napaiwas nalang kami.

Nagkwentuhan lamang sila habang ako ay nakikinig lamang, nagplano narin sila kung saan at kelan ang outing namin.

Lumipas ang ilang oras at naghanda na sila nang mga gamit nila, nandito parin ako sa sala at hinihintay sila.

"Ok guys,good bye na ingat kayo." sabi ni kuya Jhon at isa-isa na silang lumabas.

"Bye Bea see you sa school." masayang sabi ni Min at yumakap sakin bago lumabas.Pagkaalis nila ay pumunta na ako kwarto ko at nagbihis narin.

Nagpunta na ako sa kotse na ginagamit ko sa GU (Gangster's Underground) dala ang mask ko.Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na ako sa GU,pinark ko na ang kotse ko at sinuot ang mask.Pumasok na ako at dumiretso sa Main Room.Binuksan ko na ang pinto at gaya ng inaasahan ay nandito na silang lahat.Umupo na ako sa pinakang gitna.

Nagsimula nang pagusapan ang event na gaganapin sa isang linggo at ito ay ang kaarawan ng isa sa council.Pati narin ang mga schedule ng battle para sa ordinaryong gangster at sa mga gangster kings.Pagkatapos ay umuwi na ako sa bahay, pagkauwi ko ay pumunta agad ako sa kwarto para magpalit na at matulog narin.

Fell Inlove with the Heartless Empress (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now